"Saan yung dalawa? " Tanong ko kay Zane. I already knew his name kanina lang.
"Outside"
Kakagising ko ngayon at nakita ko siyang nag pass by sa pinto na nakabukas kaya tinawag ko siya.
I purse my lips, hesitating to speak "go on, say what you want" walang ganang sabi niya.
"Na..nagugutom kasi ako, may chocolates ba na nabibili malapit dito? If meron, ako na bibili" awkward kong ngiti. Paano ba kasi kami lang dalawa rito. Akala ko kasi hindi tipong tao lumabas yung lalaki na kasama nito kanina, if I'm not mistaken, Vaughn ata pangalan. At yung babae naman ay si Neon.
"No need. Neon will be arriving soon with groceries. She loves sweets too" pagsagot niya pa parang galit. At lumakad na palabas ng room.
Nagugutom na talaga ako. Walang kwentang kausap kasi itong lalaki na 'to eh.
"Hello! Here are your chocolates Ms. Heidi!" bigla na lang may narinig akong sigaw ng babae which I'm sure na si Neon 'yon.
Ang bilis ah. Paano niya alam na gusto ko ng chocolate?
Pagpasok niya ay may dala siyang paper bag na medyo malaki. Ha? Ano yan? Gift ba?
"Hindi 'to gift, these are chocolates. Bumili ako ng three kinds of chocolates so that you could eat it when you get hungry, pang snack lang 'to ha" masaya niyang sabi.
"Heidi lang nalang ang itawag mo sakin and thanks a lot for this"
"Saan ko ba to ilalagay Neon?" Sumulpot na rin si Vaughn na hawak-hawak ang familiar na gray travelling bag, Teka bag ko 'yon ah.
"Pakilagay na lang doon sa loob ng closet" tinuro niya ang closet na nandito sa gilid ng wall dito sa kwarto na 'to.
"And to answer your question Ms. Heidi, sayo iyang bag at nasa loob mga damit mo. Don't worry, ako ang naglagay sa bag at pati na rin ang toiletry bag nandyan." Kumunot ang noo ko. Bakit nandito mga yan?
"We already asked permission to the landlady na kukunin namin ang mga gamit mo" ano bang nangyayari?
"T-Teka..dito na ba ako titira? Bakit niyo kinuha mga gamit ko sa apartment ---"
"Yes, for the mean time until makakahanap kami ng bahay na mananatili ka. May possibility na may after sayo again. Hindi pa kasi sigurado kung naubos na ba lahat ng Crimson Gang. For your safety, dito ka na muna" pagpapaliwanag ni Vaughn.
"Si kuya na bahala sayo" Si Zane? So ibig sabihin dito rin siya?
"Sige, we'll go on. Bye!" Hindi ko namalayan na may lollipop pala siyang hawak at ngayon ay nasa bibig niya.
"Get well soon" ani Vaughn bago lumabas ng kwarto.
'What just happened again?'
"Oh wait! I forgot to give you this" pumasok ulit si Neon at may maliit na box sa kamay.
She handed it to me pero nakatingin lang ako sa kanya, nagtatanong ang expression ko.
"This is your new phone. Nasira kasi phone mo sa lumang building kung saan ka nakidnap. But no worry, na e-hack ko naman ang mga laman sa dati mong phone kahit sira and I transferred it all sa new phone mo" paliwanag niya at no choice kung hindi tanggapin ito dahil nasira naman pala yung phone ko.
"S-salamat. Hindi mo naman kailangan bumili, " nahihiyang sabi ko.
She smiled and shook her head "no problem. Kasalanan naman namin kung bakit nasira yung phone mo. If you hadn't kidnapped hindi ka mapupunta sa lumang building na 'yon"
One last bid and she left.
__
Makalipas ng ilang minutong pagkulong ko sa kwarto, naisipan kong maglibot-libot na lang dito sa malaking lumang mansion para kahit papaano ay may magawa.
Nasa isang kwarto si Zane may kausap ata sa telepono dahil narinig kong nagsasalita siya. Umuwi na kasi yung pinsan at kapatid niya.
Ewan ko nga bakit magkaiba ng tinitirahan ang magkapatid, dapat iisa lang. Pero wala na ako don para makialam pa ng ibang buhay.
Sa totoo lang marami akong gustong malaman tungkol kay Zane. I'm very curious about him but I need to shrug it off. Baka mapahamak pa buhay ko.
Paglabas ko ng kwarto kung saan ako nanatili ngayon ay may nakita akong isang pinto sa right side na may kalayuang mga limang steps. Dahan-dahan akong naglalakad papunta sa pinto na 'yon at hinawakan ang doorknob. Parang gusto kong makita kung anong nasa loob nito.
Pagpihit ko ng knob ay ayaw umikot. May ginto ba dito o mamahaling mga gamit kaya nakalock. Hinayaan ko na lang, wala akong magawa alangan naman pipilitin ko pa eh wala ng pag-asa pa dahil nakakandado .
Sa pinakadulo naman mismo ng left side ay nandoon yung kwarto ni Zane, nakita ko na siya kanina na pumasok don.
Bumaba ako ng staircase na sobrang kalaki-laki at grandeng pang-royal, pacurve pa ang design at structure nito. Ang yaman siguro ng pamilya nitong Zane. Nagtataka ako bakit hindi niya kasama mga magulang niya dito , e ang laki-laki naman ng mansion. Mag-isa lang siya dito naninirahan, kung ganon pinagkakatiwalaan ata nila si Zane.
Sa sala, may carpet na parang ancient galing ata sa Greece at yung mala royal na mga sofa, malaki na malambot ang nasa gitna. Mahaba ng konti at ang nasa magkabila naman nito ay mga bilog na sofa, malambot din. May mga nakalagay na tiny pillow bawat isa rito. Sa harap naman ay hugis na dalawang oval na mesa.
Pagkatapos ng paglibot sa sala ay ang mga iba pang parte ng mansion. Hindi ko na kailangan i-describe lahat basta isa lamang ang masasabi ko this is one heck of a Grand Old Mansion.
__
It's been an hour simula nung naglibot ako sa malaking mansion na ito and now nililibang ko na lang ang sarili ko by playing games in my phone. Wala eh, nabobored ako, gusto sana lumabas para kahit papaano makasinghap ng fresh air from outside pero parang hindi ata ako papayagan ni Zane.
Prenteng naka-upo lang sa sofa dito sa living room habang naglalaro ng criminal case na game. After kong nasolve ang isang case ay chineck ko ang oras, malapit ng mag 5 pm. Mahigit isang oras na akong naglalaro. Tumayo ako upang mag stretch ng aking braso at mga paa. Ang tagal ko kasing nakaupo.
"What are you doing?" Diretso akong napatigil pagkarinig ng boses ni Zane sa likod ko.
I face him at nagtatakang tinignan ang suot niyang damit.
"May pupuntahan ka?" Naka suit kasi siya, yung formal attire if may events. Yung buhok niya nga lang hindi nag-iba, ganon parin.
"I'm attending an important events, I'll be home late so be aware if someone knocked or rang a doorbell. Just don't respond and don't open the door"
Tumingin ako sa sahig, ano ba yan. Natakot ako bigla, paano kung may dalang mga weapons. Parang nanghina yung legs ko sa isipang yung grupong yun ay baka pumasok at sirain yung pinto.
Inayos niya muna ang kanyang neck tie at ibinulsa ang cellphone bago lumabas na ng bahay.
BINABASA MO ANG
EYE REVENGE {ON HOLD}
RandomA girl in which accidentally cross path with a mysterious guy in her apartment that night when she came home from work. It was the night she would never forgot because that was where her life changed, her life was in danger because of him. Little...