Five: Inside

7 5 0
                                    


Maaga akong nakarating sa school. Medyo makulimlim rin at parang may nag babadyang ulan. One subject after another, hanggang matapos ang buong araw. Ipinaiwan naman ng Class President namin ang mga naka duty na maglilinis ngayon dahil bukas ay may meeting ang mga magulang.

Ibinaba ko ang mga gamit ko dahil isa ako sa mga Cleaners, every Thursday. Sinimulan ko ng punasan ang whiteboard. I'll leave after this


Pupunta kaya ang mga magulang ko? I never got to talk to them, I'll just send an email.

"Psst, tingin mo magpapakita na kaya ang magulang ng loner na 'yan? Pustahan hindi yan pupunta" Abala ako sa pagpupunas ng biglang nagsalita ng pabulong ang classmate ko medyo malapit lang siya saakin kaya narinig ko ang sinabi nito

"Nag-abala ka pa talagang makipag pustahan eh alam naman nating lahat na imposibleng pumunta ang mga magulang niyan. Feeling ko nga wala siyang mga magulang eh, nagkukunware lang" humagikgik ito ng mahina. Akala siguro nila hindi ko sila naririnig


Bumuntong hininga nalang ako at hinigpitan ang hawak sa eraser. Pilit kong itinuon ang atensyon sa pagpupunas

Sana makapunta sila dahil siguradong ako na naman ang magiging laman ng usapin ng mga kaklase ko at pati narin mga guro, and I really hate that. I wonder what they are doing at this time.

Hindi ko naman sinasadyang matabig ang timba na may laman ng maruming tubig at matapon sa sahig

You made a mess like what you always do

"Hoy ano ba?!" Bulyaw saakin ng kaklase ko dahilan para pagtinginan kami ng iba pang mga tao sa room. I just stood, expressionless, unable to think

Tuluyan nga ngang bumuhos ang ulan na kanina pa bumabadya

PATHETIC

What would I do or say in this situation?

"Tatayo ka nalang ba?! Galit ka ba saamin dahil pinag-uusapan ka namin? Well sorry naman" mas humigpit ang hawak ko sa eraser at kinakagat ko na rin ang ibabang labi ko

Clean your mess!


"Kung galit ka sabihin mo hindi 'yong manggugulo ka ng trabaho ng iba" napansin kong naluluha na siya kaya nilapitan siya ng isa ko pang kaklase at pilit pinapatahan

How can she do that? Playing the victim

HAHAHAHHAHHA


May mga ibang estudyante na rin ang naka dungaw sa labas

"Kami pa ba ang maglilinis niyan?"

"Hoy hindi ka prinsesa dito ah"  I hate this


You're a mess, AGAPE

"I-it was an accident" I tried to sound firm, as much as possible ayaw ko mag break down dito


Sabihin mo na kasing gumanti ka lang sa kanila


"Ayoko na mag linis ulit, bahala kayo dyan"

Did they heard me?

"Ikaw na bahala maglinis rito"


Words after one another. They won't even listen to me. Ibinaba nila ang kanilang mga panlinis. Kanya kanya silang umalis at sinukbit ang mga bag. Papalabas na sila ngunit sa kung anong dahilan pare parehas silang napahinto sa pintuan

Till the fifth day of October (Incomplete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon