Chapter 3

8 1 0
                                    

Amirah's POV

HAWAK-HAWAK parin niya ang hose habang dinidiligan ang panghuling halaman na nasa harapan ng kanilang apartment ng kanyang ate nang biglang may kumalabog sa kanyang likuran.

"Ayyy butiki!" Nabitawan pa niya ang hawak na hose dahil sa pagkabigla.

Nang lingunin niya ang pinanggalingan ng ingay na iyon,ay napag-alaman niyang nagmula iyon sa malakas na pagsara sa pinto ng kotse. At ang nakatalikod na aura ng isang lalaki ang naglakad palayo sa kotseng iyon bitbit ang mga gamit na kinuha nito mula sa kotse.

"Required ba na dapat ganon kalakas magsara ng pinto ng kotse.?" inis na bulong niya sa sarili at pinukol ng masamang tingin ang lalaking palayo. "Masyado namang magaspang kung kumilos ng lalaking 'to."simangot niya at inis na pinulot ang nabitawang hose.

"Ohh pare? Napatawag ka?" bigla na naman siyang napalingon nang marinig ang baritonong tinig na iyon ng lalaki. Alam niyang boses iyon ng lalaking magaspang kung kumilos! "Ahh,si Kharah? Yes, she's here.Kakatapos lang din naming mag-usap."

Kharah? Pangalan yon ng ate niya ah? Kunot-noong tanong niya sa sarili. Alam niyang magkakilala ang ate niya at ang lalaking iyon base na rin sa nakita niyang pag-uusap ng dalawang to kanina.Pero sino naman kaya'ng kausap ng lalaking ito sa kabilang linya?

"Yes pare! Ang ganda parin talaga ng girlfriend mo.At ganon pa rin,mahilig pa rin sa trashtalk."ngingiti-ngiting sagot nito sa kausap sa kabilang linya.

Girlfriend?Ibig sabihin, si kuya Jhio niya ang kausap nito. Ang boyfriend ng kanyang ate Kharah. Sino nga ba talaga ang lalaking ito at bakit kilala nito ang kanyang ate at kuya Jhio? Mabilis siyang nagtago sa likod ng mataas na halamang nasa gilid ng kanilang apartment.

"Hahahahahha! Pare! No! 18 years old pa lang yong kapatid niyang yon.May gatas pa yon sa labi ika nga."narinig niya sagot ulit nito sa kausap sa kabilang linya.

Kapatid? 18 years old? Teka!

"No pare! wag mo 'kong pinagloloko diyan.Hanapan mo na lang ako ng iba,wag lang yong kapatid ni Kharah."natatawang sagot ulit nito sa kausap sa kabilang linya.

Kapatid ni Kharah? Diba siya yon?! Nire-reto siya ng kanyang kuya jhio rito? Napahigpit ang kanyang kapit sa hawak na hose. Magsusumbong siya mamaya sa kanyang ate!

"Gago ka pare! Ang bata-bata pa non.Akalain mo 18years old,ire-reto mo sa mag 23yrs old na? Hahahahahhaha! Ayoko nong tuturuan ko pa kung paano ang humalik!"

Ramdam niya ang pag-akyat ng sariling dugo sa ulo nang marinig ang huling sinabi nito. Pabagsak niyang binitawan ang hose at padabog na rumampa papasok sa apartment nila ng kanyang ate.

Ayaw na niyang marinig ang ano pang pang-iinsulto ng lalaking ito sa kanya!

----------------------------------------------------------------

AYOKO nong tuturuan ko pa kung paano ang humalik.kahit habang naliligo na ay dinig na dinig parin ni Amirah ang mga salitang iyon mula sa lalaking kausap ng kanyang kuya Jhio.Hanapan mo na lang ako ng iba,wag lang yong kapatid ni Khara. Ang kapal naman ng kupag na yon para hindian siya! Ni hindi pa nga nito natatanong kung magugustuhan din ba niya ito!May gatas pa yon sa labi! naihampas niya ang sariling mga kamay sa dingding ng kanilang banyo dahil sa labis na pagkainis rito ."This is too much! Humanda kang g*go ka!" galit na galit na napasigaw siya sa loob ng banyo.

"Amirah? What are you doing?" naitapat niya ang mga palad sa bibig nang marinig ang boses ng kanyang ate. Malamang narinig nito ang kanyang pagsigaw. Wala ka talagang self-control Amirah!Gigil na saway niya sa sarili.

"Amirah?"muli niyang narinig na tawag sa kanya ng ate Kharah niya.Pansin ang pagkabahala sa boses nito.

"Yes ate.? Im fine.! Nagdadrama lang po ako dito."nakangiwing may kalakasan ang boses na sagot niya rito upang marinig siya nito sa labas.

"G*go ka talagang bata ka! Akala ko napano ka na diyan!"galit na wika nito.

Pigil naman ang tawang itinapat na niya ang sariling katawan sa shower.At mabilis na tinapos ang pagliligo. Ayaw na niyang magsumbong sa kanyang ate dahil baka mag away lamang ang mga ito dahil sa kanya. Hahayaan niyang sa sarili niyang mga palad mananagot ang lalaking iyon!

Nang makapagbihis si Amirah ay napagpasyahan niyang umakyat sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.Mayroon din kasing balcony doon. Iyon ang lagi niyang pinupuntahan kapag gusto niyang mapag-isa. Malamig at presko rin kasi ang hangin doon.

Hindi paman niya natanggal ang towel na nakabalot sa kanyang buhok ay tinungo na niya ang hagdan paakyat ng balcony habang dala-dala niya ang kanyang laptop.Agad niyang inilapag ang laptop sa mesang naroroon at nakapamaywang na tumingin sa malayo na animo nag-iisip nang malalim. Ngayon na niya itutuloy ang naudlot na pagsusulat ng kanyang nobela. Hindi pa niya matapos2x ang chapter one sa kwento niyang iyon,pero ramdam na niyang nahihirapan siya.

Paano nga ba kasi niya mailalarawan ang bidang lalaki sa kanyang kwento?

Tanong niya sa sarili habang tinatanggal ang nakabunbong tuwalya sa kanyang buhok. Bumasak ang ilang hibla niyon sa kanyang mukha. At agad namang hinawi doon at inipit sa kanyang tenga.Sariling kamay na lamang niya ang ginawa niyang panuklay dahil nakalimutan niyang dalhin ang kanyang suklay doon.

Habang nag-iisip ay lumipad ang kanyang tingin sa kabilang balcony. Balcony ng katabi nilang apartment. At sa pagtutok ng kanyang mga mata doon ay nahuli niyang nakatingin sa kanya ang isang lalaki.

Nakaupo ito at tuwid na nakapatong ang mga paa sa mesang naroroon na pareho rin ng sa kanya.May laptop din itong nakalapag sa mesa nito na may nakaconnect na headseat na nakakabit din sa magkabilang tenga nito ang dulo.

Pairap na iniiwas niya ang paningin mula rito. "The nerve!"anas niya nang mapagsino ang lalaking yon.Wala siyang pakialam kung isipin nito na masama ang ugali niya. Pero talagang naiinis siya sa lalaking ito!
-----------------------------------------------------------------

Jaydee's POV

Napagod siya sa kakaarrange ng kanyang mga gamit kaya napagpasyahan niyang pumunta sa ikalawang palapag ng apartment niyang iyon. Dahil alam niyang may balcony doon at tiyak makakapagrelax siya ng maayos. Manonood na muna siya ng action na pelikula habang nagpapahinga dahil mayamaya ay lalabas siya upang bumili ng mga groceries.

Ilang sandali pa lamang siyang nanonood nang may biglang mahagip ang gilid ng kanyang mga mata.

Isang dalaga ang lumabas sa katabi ng kanyang balcony.Katamtaman ang taas nito. Ang katawan nito ay katamtaman din.Hindi masasabing payat,ngunit hindi rin matatawag na mataba. Yong sakto lang. Sa unang tingin,akala niya ay si Kharah ito.Ngunit nang bahagya itong humarap sa kinaroroonan niya matapos tanggalin ang tuwalyang nakabalot sa buhok nito ay napagtanto niyang hindi ito si Kharah.

Alam niyang kapatid ito ng dalaga,dahil maliban sa may hawig ito sa mukha ng dalaga ay dahil ang balcony na kinaroroonan ng dalagita ay ang balcony ng apartment ni Kharah.At ang buhok nito ay hanggang balikat lamang habang ang buhok ng ate nito ay hanggang bewang.

Napakunot ang kanyang noo dahil hindi niya lubos maisip na dalaga na pala kung tingnan ito. Nagkakaroon na rin kasi ng mga hugis ang katawan nito. Ngunit hindi maikakaila sa itsura nito na ito ay labin-walong taon pa lamang. Makikitaan mo kasi ito ng mumunting baby fats sa maamong mukha. Ngunit hindi iyon nakabawas sa angkin nitong ganda. Ang maliit pero matangos nitong ilong,ang mga labi nitong natural na namumula,at ang mga mata nitong---

Tila tumigil ang mundo ni Jaydee nang mapadako sa kinaroroonan niya ang mga mata ng dalaga.

MY IDEAL MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon