Chapter 2

11 1 0
                                    

Jaydee's POV

PAPASOK na si Jaydee sa compound ng apartment na uupahan niya.-inuupahan din ng kanyang ina sakay ng kanyang kotse. Hindi paman siya nakakarating sa parking lot nang sinalubong na siya ni Kharah-ang nagmamay-ari ng apartment na iyon at isa sa kanyang naging kaklase noong nag-aaral pa lamang sila.

Nakangiti itong sinalubong siya at sininyasan kung saan ang direksiyon ng kanyang apartment. Di kasi niya alam kung saan banda ang kanyang magiging apartment sapagkat ang kanyang ina na ang nakipagtransact dito dahil nandito naman na ito noong napagpasyahan niyang kumuha ng apartment na medyo malapit sa school na kanyang pagtuturuan sa pasukan.

Sa katunayan ay magiging magkasama sila ng kanyang ina sa iisang paaralan na pagtuturuan. Ang kanyang ina ay isang Dean ng  College of Education sa paaralang iyon habang siya ay magiging isang professor sa College of Criminology.

Pangalawang paaralang napagturuan na iyon ng binata.Noong nakaraan ay nakapagturo siya sa isang pribadong paaralan.Pero matapos niyang makuha ang Master's degree ay napagpasyahan niyang magtransfer sa isang University at napili nga niyang apply'an ang Unibersidad na pinagtatrabahuan din ng kanyang ina.

"Goodmorning Arah!"nakangiting wika niya sa dalaga nang maipark ang kotse sa designated parking lot ng apartment na iyon at umibis mula sa kanyang kotse.Nasa tapat na ito ng pinto ng kanyang magiging apartment at nakangiting hinihintay ang kanyang paglapit.

"Long time no see!"nakangiting bati nito nang tuluyan na siyang makalapit rito. Itinapat nito sa kanyang dibdib ang susi ng kanyang magiging apartment.

Agad naman niyang kinuha sa mga kamay nito ang susi na hawak nito."But now see now!" pabirong wika niya rito.

"Gago!"trashtalk nito sa kanya. Hindi pa rin talaga ito nagbabago. Kahit isa na itong ganap na Policewoman at siya ay isa nang ganap na propessor ay para pa rin silang magkaklase sa college kung umasta sa isa't-isa.Sabay silang nagtawanang dalawa.

"Malinis na ba ito,Arah?Baka ako pa ang papalinisin mo nito ha." aniya nang lampasan ang dalaga at tinungo na ang pinto ng apartment niya.

"Malinis na po yan Kamahalan.Nilinis na yan ng aking mabait na kapatid."anitong ala prinsesa kung umasta. Kahit naman hindi ito umastang prinsesa eh alam naman niyang prinsesa talaga ito ng mga Bostamante.

"Ng kapatid mo? Inalila mo pa talaga ang kapatid mo ha."natatawang sagot niya rito at binuksan na ang pinto ng kanyang apartment at tuloy-tuloy na pumasok at bumungad sa kanyang paningin ang maluwag na sala.

"Mabuti na rin yong may ginagawang mapakinabangan kesa naman sa maghapong nakatunganga kakaisip ng isusulat daw na nobela niya." naiiling na sagot nito habang sumunod sa kanyang pagpasok sa loob ng apartment.

"Nobela? Ano naman yon?" baliwalang-sagot niya habang nilalapag ang kanyang bitbit na bag sa sofa.

"Ikukuha kita ng tubig? Meron na akong pinalamig na tubig dito sa ref mo."alok nito at hindi paman siya nakasagot ay tuloy-tuloy na itong lumapit sa kinaroroonan ng ref. Hindi na niya ito inawat. Sinundan na lamang niya ito ng tingin.

Bilib na bilib siya sa babaeng ito. Kahit anak ito ng isang sikat na Businessman sa lugar na iyon,ay hindi iyon makikita sa personalidad nito. Isa parin itong napakasimpleng babae. Swerte ng kanyang kaibigang si Jhio dahil napa-Oo nito ang dalaga nang alukin nito ng pagmamahal.Simple lamang ang buhay na meron ang kaibigan niyang iyon pero sa dinami-dami nang nanliligaw dito sa dalaga ay siya ang sinagot nito.

"Kasama ba ang serbisyo mo'ng 'to sa babayaran ko dito buwan-buwan.?"biro niya rito nang binalikan siya ng dalaga at inabot sa kanya ang isang baso ng malamig na tubig.

"Baliw!syempre hindi!"maagap na sagot nito sa kanya at inirapan siya."Nga pala,pasensiya ka na pero binawasan ata ng kapatid ko ang tubig na pinalamig ko kanina.Inuhaw siguro nong naglinis siya dito."dagdag nito.

"Okay lang yon."maagap na sagot niya.At tinungga na ang laman ng basong hawak. "Nga pala ano yong sinasabi mo kaninang sumusulat ng Nobela ang kapatid mo.? You mean,a story Novel.?" naalala niya sa naging topiko nila kanina.

"Yes. She's too young para subukin ang bagay na yon. Mas mabuti pang magsulat na muna siya ng mga tula." natatawang wika nito.

"Hayaan mo na..Malay mo,passion niya yon."aniya rito. Nilapag niya ang basong nangalahati nalang ang laman sa maliit na lamesang napapagitnaan ng tatlong sofang naroon.."Nga pala,diba sabi mo baka magiging estudyante ko yang kapatid mo this pasukan.?" naalala niyang itanong rito. Nasabi kasi iyon ng kanyang mama..

"Yup! So ikaw na'ng bahala sa kapatid ko."anito habang nagkikibit-balikat. "Wag na wag mo siyang ibabagsak ha.! Mahal pa naman ang martrikula sa Unibersidad na yon." anito.

"Dependi,kung mag-aaral ng maayos ang kapatid mo.."bali-walang sagot niya rito.

"Alam kong hindi mo magagawa yon."nakangiting sagot nito sa kanya. "O siya,aalis na ako at nang makapagpahinga ka na diyan." nagsimula na itong tunguhin ang pinto palabas.

Nakangiti rin na binalingan niya ito."Bye!"

"Bye.?"Kunot-noong baling nito sa kanya."Nasa kabila lang ako,gago!"nakangiting bulyaw nito..Napahagalpak naman siya ng tawa sa trashtalk nito.Inikot nito ang mga mata bago siya muling tinalikuran at lumabas na nang tuluyan.

NAIWANG nag-iisa si Jaydee sa apartment na iyon.Iniikot niya ang mga paningin sa paligid.

Ito na ang magiging bahay niya simula ngayon. Hindi man sila magkasama ng kanyang ina ay hindi naman ito malayo sa kanya. Sa katunayan nasa iisang compound lang sila ng mama niya. Ayon rito,ang kwarto raw nito ay iyon ding kasunod ng kanyang kwarto.

Sinilip niya mula sa bintana ang tinutukoy nito.At nakita nga niya ang sasakyan ng kanyang ina na nakapark sa gilid ng apartment nito. Pero wala ang kanyang mama doon ngayon. Maglilimang araw na itong nasa conferrence na dinaluhan sa Maynila.

Naupo siyang muli sa sofa.At muli rin namang tumayo nang mapagpasyahan niyang ayusin na lamang muna ang kanyang mga gamit bago magpahinga. Kinuha niya sa loob ng kanyang kotse ang kanyang mga gamit at pinasok iyon sa kanyang apartment.

MY IDEAL MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon