Chapter 7

6 1 0
                                    

Uwian na iyon, kaya nagkanya-kanyang hiwalay na sila ng kanyang mga kaibigan. Si Gail at Abby ay kapwa sinundo na ng mga magulang nito. Habang siya ay patungo pa lamang sa parking lot kung saan naghihintay ang kanyang kotse. Nagdala siya ng sarili niyang kotse dahil wala siyang aasahan na magsusundo at maghahatid sa kanya dahil mag-isa siyang pupunta at uuwi galing sa eskwelahan. Nasa office pa ang kanyang Daddy sa mga oras na iyon at ang kanyang ate ay hindi na niya inaasahan na sunduin siya nito dahil alas singko ng hapon pa ang uwian nito galing sa opisina nito.

Kaya naman niya ang kanyang sarili,dahil handa siya sa bagay na iyon.Lumaki nga siyang independent kaya sanay siyang hindi umaasa sa iba.

Nang marating ang kanyang kotse ay mabilis na siyang sumakay rito at tinunton ang daan palabas ng eskwelahang iyon. Nasa gate na siya ng eskwelahan nang mamataan niyang madilim na ang paligid.

Yon pala ay bumubuhos na ang malakas na ulan.

"Magsusulat ako ng nobela pagdating sa bahay mamaya." kausap niya sa kanyang sarili at binilisan na ang patakbo ng kanyang kotse.

Hindi paman siya nakakalayo sa pinanggalingan ay namatay ang makina ng kanyang kotse. "What's happening.?" tanong niya sa sarili saka dahan-dahang kinabig ang manibela sa tabi ng daan. "Ohhh shit! Kung minamalas ka nga naman!" nasabunutan niya ang kanyang sarili nang mapagtantong naubusan siya ng gas. Sinubsob niya ang kanyang mukha sa manibela.

Ilang sandali siyang nakaganoon nang marinig niyang may kumatok sa salamin ng kanyang kotse.

Sa kanyang pag-angat ay bumulaga sa kanyang paningin ang mukha ng kanyang propessor.May hawak itong payong habang nakatingin sa kanya sa loob ng kotse at meron itong sinisenyas.

Nandon na naman yong malakas na pagtibok ng kanyang puso. Ramdam niya yong parang may hahabol sa kanya. Ayaw niyang makausap ito. Iniwas niya ang mga tingin dito saka natatarantang muling binuhay ang makina ng kotse. Baka sakaling umandar na itong muli. Umandar ka na! Ngunit sa makailang beses niyang pagsubok na paandarin iyon ay hindi man lang natupad ang kanyang hiling.

Ilang beses pang kumatok ang binata kaya marahas niyang binaba ang salamin ng kotse. Agad namang dumungaw doon ang binata.

"Wag mo nang pilitin ang ayaw. Umibis ka na diyan at sa kotse ko na sumakay." anitong ilang inches lang ang iniwang pagitan ng mukha nito sa kanyang mukha. Kaya bahagyang dumampi ang mainit na hininga nito sa kanyang mukha. Lalong lumakas naman ang pintig ng kanyang puso. Nakakabingi iyon kaya ilang sandali pa siyang nakatitig lamang rito.

Kung hindi pa nito pinitik ang mga daliri sa harap ng kanyang mukha ay hindi pa siya kumurap.

"Oh ano na? Tititigan mo na lang ba ako hanggang matapos itong ulan?" napakurap siya nang mahagip ng kanyang atensiyon ang sinabi nito. Napalunok siya saka inirapan ito.

"Hayaan mo na ako dito!" pasupladang turan niya rito. Akmang isasara na niyang muli ang bintana ng kotse nang iharang nito ang kalahating katawan.

"Araaay!" tili niya nang bahagyang nagkauntugan ang kanilang mga ulo."Ano ka ba!" sinapol niya ang ulong tinamaan din ng ulo nito. Mas lalo naman nitong nilapit ang mukha sa kanya. Napalingon siya rito.

"Bababa ka o ako na lang ang papasok diyan sa kotse mo?" wika nito at unti-unting bumaba ang mga mata nito sa kanyang nga labi. Nagtambulan bigla ang pintig ng kanyang puso. Napaatras siya nang mas lalong inilapit nito ang mukha sa kanyang mukha.

"B-Bababa n-na!" natatarantang-wika niya saka marahas na tinulak ito sa dibdib.

Nakangiti namang lumayo ang binata sa kanya habang hinihintay ang kanyang pagbaba sa kotse.

Mabilis na pinagdadampot niya ang kanyang mga gamit bago umibis sa kanyang sasakyan. Agad naman siyang inalalayan ng binata at kinuha ang bitbit niyang mga gamit saka hawak sa sikong inakay siya papunta sa kinaroroonan ng kotse nito.

Napalingon siya nang mapansing may tumutulong tubig-ulan sa kalahating katawan nito. Nang tingalain niya ang bitbit nitong payong at nakita niyang sa kanya mas nakasentro iyon para proteksiyonan siya sa ulan.

May pa gentleman effect ka pa.wika ng kontrabida niyang isip habang ang puso niya ay lihim na nagagalak.

Nang marating nila ang kotse nito ay basang pumasok na rin ito sa driver seat matapos siyang isakay sa front seat. Wala siyang imik habang pinakikiramdaman ang binatang may kung anong kinukuha sa likurang bahagi ng kotse nito.

"Close your eyes,maghuhubad ako."
mabilis na napalingon siya sa rito.

"H-Huh?!" wala sa sariling nasagot niya rito. Bakit ito maghuhubad?! Kuya! Wag po!!

"Gusto mong makita? Ahh okay."bago pa man siya nakasagot ay nakapaghubad na ang binata. Tumambad sa kanyang paningin ang nag-uumbukang mga muscles nito sa braso,dibdib at sa itaas ng puson. Napapangangang pinagmasdan niya ang magandang porma ng katawan nito. Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang katawan. Lalo na nang mapagmasdang maigi ang nag-uumbukang anim na pandesal nito sa tiyan.

(😂😂naunsa naman ni? 😂✌️ Wait lang readers ha!🤦Okay, let's continue.)

Napaangat siya ng mukha nang tumikhim ito. "Aren't you satisfied yet?" anito habang hawak-hawak ang damit na isusuot na ito.

Kumurap siya't tumikhim at napapahiyang iniwas niya ang kanyang mga mata patungo sa labas ng kotse. "They're not as beautiful as I expected." Whooaaaah! Grabe ka Amirah! Matapos mong pagnasaan ang katawan niya?!

Narinig niya ang malakas na pagtawa nito. 

"Syempre,hindi mo pa talaga maappreciate ito kasi nga may gatas-"

"Shut up!" mabilis na putol niya sa sasabihin sana nito saka pinukol ito ng nakamamatay na tingin. "Will you?!"

Pigil naman ang tawang tinikom nito ang bibig at inaksyon ang animo pagzi-zipper nito dito. Saka siya binigyan nito ng "peace" sign.

Mabilis nitong isinuot ang kanina pang hawak-hawak na damit saka tinapunan siya ng tingin bago pinaandar ang kotse nito.

Ilang saglit pa ay narating na nila ang apartment. Isa-isa niyang pinagdadampot ang kanyang mga gamit bago umibis sa kotse nito at walang lingon-likod na tinungo ang kanilang apartment.

MY IDEAL MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon