Chapter 5

7 1 0
                                    

Nasa loob na ng kanyang kwarto si Amirah nang mga sandaling yon. Nakaupo sa gilid ng kanyang kama habang yakap-yakap ang kanyang unan.Malakas na malakas parin ang kabog ng kanyang dibdib.

Nasuntok niya ng mariin ang yakap na unan sabay ng pagpatak ng kanyang mga luha. Isang malaking pagkakamali ang kanyang nagawang paghihiganti sana sa binata. Hindi dapat sa ganoong paraan! Pero huli na ang lahat. Nagawa na niya at siya pa rin ang nadehado.

Sunod-sunod na katok ang pumukaw sa kanyang malalim na pag-iisip. Ngunit hindi niya ito pinansin. Ayaw niyang makita ng sinuman ang kanyang kalagayan. Not this time! Nahihirapan siyang ibalik sa normal ang kanyang itsura.

Hiyang-hiya siya sa kanyang sarili. Siya itong matapang na sumugod sa binata pero siya rin itong umatras na animo kuting na nilapa ng isang tigre.Magulong-magulo rin ang kanyang isip. Hindi niya maintindihan ang kanyang nararamdaman. Abot-langit ang kanyang kaba,ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib.

Nakagat niya ang kanyang pang-ibabang labi nang mag-flash muli sa kanyang isip ang nangyari. Kung paano inangkin ng binata ang kanyang mga labi. Mariin siyang napapikit at humugot ng napakalalim na hininga.Mabilis niyang pinahid ang mumunting butil ng luhang naiwan sa kanyang pisngi.

Napapiksi siya nang maulit muli ang pagkatok sa kanilang main door. Tumayo siya't inayos ang sarili bago lumabas ng kanyang kwarto upang pagbuksan ang kumakatok.Wala siyang ideya sa isip kung sino ang kumakatok.

Marahan niyang binuksan ang pinto nang marating iyon. Biglang kumabog ang kanyang dibdib nang mapagsino ang nasa labas niyon.

"From your Dad."anito. Lumipad ang kanyang tingin sa bitbit nitong isang supot na jollibee. "I saw him knocking at your door pero hindi mo binubuksan ang pinto."anitong bahagyang lumapit sa kanya upang iabot ang hawak-hawak nito. "Nagmamadali din daw kasi siya kaya nakisuyo nalang na ako na ang magbibigay sayo." sunod-sunod na wika nito habang matamang nakatingin sa kanyang mukha.

Tumango siya at iniwas ang tinging kinuha niya ang supot sa kamay nito.

"S-Salamat."tanging nasabi na lamang niya.Akmang isasara na niya ang pinto nang pigilin siya nito.

"Did you cry.?" napaangat siya ng mukha dahil sa tanong nito? Nakita niya ang munting pag-aalala sa mukha nito.

"Nope! "Kaila niya.Syempre magkakaila talaga siya.Alangan namang aaminin niyang umiyak nga siya pagkatapos ng nangyari.Eh di baka pagtawanan pa siya nito."Why should I.?" nakataas ang kilay na balik tanong niya rito. Doon siya magaling. Sa pagpe-pretend wag lamang lumabas na katawa-tawa sa iba.

Kumibot ang mga labi nito habang matamang nakatitig pa rin sa kanya."Hmmmm.Maybe because of the kiss.?" ewan ba niya kung tanong o statement ba ang naulinigan niyang tono sa pagtatanong na iyon ng binata.

Matapang na sinalubong niya ang mga titig nito.Kumibot din ang kanyang mga labi. Pero ilang sandali ang lumipas ay wala siyang mahagilap na isasagot sa sinabi nito. Napalakas tuloy ang kanyang paghawak sa seradora ng pinto.

Nagbaba siya ng tingin dahil ramdam niya ang unti-unti pamumula ng kanyang pisngi.

"Ikaw itong nag-first move pero ikaw pa itong apektado? "Napaangat muli ang kanyang ulo dahil sa sinabi nito. At lalo siyang namula nang makita ang pilyong ngiti sa mga labi ng binata." You just prove me that I'm right. May gatas ka pa nga talaga sa labi." pang-iinis na turan nito sa kanya bago sinundan iyon ng tawa.

Sa ikalawang pagkakataon ay napahiya na naman siya. Gusto niyang hilingin na sana ay kainin na lamang siya ng lupa upang matakasan ang pagkapahiya niyang iyon.

Pero dahil naiinis na siya ay walang ano-anong nasipa niya ang binata sa harapan nito. Sapol ang pinakamamahal nitong sandata!

"A-Amirah!!!!!!!!!" sigaw nito sa kanyang pangalan habang hawak-hawak nito ang tinamaang alaga. Hindi na siya nag-aksaya ng panahon upang tanungin kung paano nitong nalaman ang kanyang pangalan. Paika-ika itong naglulundag paikot-ikot sa kinatatayuan habang tinitiis ang sakit mula roon.

"That's for you! Jerk!"sigaw rin niya rito at marahas na pinagsarhan ito ng pinto.Napasandig siya sa likod niyon habang hawak-hawak ang kanyang dibdib.

"A-Amirah! Pagbabayaran mo ang ginawa mong 'to!" napapitlag siya at mabilis na lumayo sa pinto nang marinig ang sigaw na iyon ng binata. Kumaripas siya ng takbo papuntang kusina na para bang hinahabol siya nito.

MY IDEAL MANTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon