Chapter 11

5 0 0
                                    

August.

Magiisang buwan rin kami nagpraktis para dito. Isa itong programa para sa buwan ng wika. Ang mga estudyante ay naka-saya o di kaya'y naka maria clara. Bongga ang Theme ng escuelahan ngayon dahil sa naggagandahang dekorasyon. Mula sa labas patungo rito sa loob. Mukhang pinaghahandaan talaga ang ganitong programma sa kanila.

Masayang tawanan at papurihan ang aking naririnig habang tinatahak ang mainit, masikip na pasilyo patungo sa aming room.

Pagkarating ko roon. Nakita ko ang aking mga kaklaseng abala sa pagaayos nang kanilang sarili. Samantalang ako ay ayos na. Inayusan ako nang kaibigan ni mama. Maagang nagpunta iyon sa aming bahay kaya medyo nakakahiya. Panay ang papuri noon na ang ganda ko raw mana kay Mama. Alam ko naman iyon. Ngunit kahit ganoon kinakabahan ako dahil makikita ako ng maraming tao. Kanina pa bumabaliktad ang sikmura ko dahil sa kaba. Iniisip kong tumakbo na lang at huwag nang tumuloy pero naisip ko ang kapareha ko, magmukhang kawawa pa.

"Halah, ang ganda mo naman." Pareha kami ng suot ni Kristine. Pinahiram kami para sa sayaw.

"Ayon si Angelo, oh" tinuro nya pa ang lalaki sa may bandang upuan namin, nakatayo. Maraming kumakausap sa kanya, bilangin ko mga babae nya. I mean, mga babaeng nakapalibot.

"Ang daming Fans noh. Ang pogi ba naman sa suot. Lalong gumwapo sa barong nya. Bagay na bagay. Hapit na hapit. Sabihin mo nga sa akin, labintatlo rin ba talaga ang edad nyan. Bakit parang labingwalo na ang pangangatawan? Matured na matured kong titignan. Diba? Kaya pala baliw na baliw ka sa katabi mo." Kiniliti pa ako sa my baywang kaya napaiwas ako at napangiwi. I smirked at her. She always get used to it na kapag nangaasar lagi akong kinikiliti.

"Pinagsasabi mo? Tsaka kapag nakatabi mo iyan, mababaliw ka hindi dahil sa gusto mo sya kundi dahil sa masyado syang nakakairita. Ang boring katabi sa totoo lang. Palaging nakasimangot. Tuwing kakausapin laging tango lang ang isasagot. Laging nagbabasa kahit napakaingay nang classroom, hindi man lang nya masaway. Ganon sya kaweirdo.." magpapatuloy pa sana ako nang nakita ko syang ngumunguso sa aking likuran. Mistula'y may tinuturo.

"And besides, he's not my type. Hindi ko sya magugustuhan." Dahil sa lapad na ng kanyang labi kakaturo ay doon na lang ako napatingin sa likuran ko. Nanlaki ang mata ko nang nakita ko sya roon. Hindi ko napansin ang presensya nya. Ang puso ko ay gusto nang lumabas dahil sa kahihiyan. My jaw dropped and the time was stop.

"Hindi pala magugustuhan." Hinigit nya ako sa palapulsuhan. Hinila ako. Hindi ko alam kung saan kami tutungo basta ang alam ko lang ay sumusunod na ako sa kanya. Nilalagpasan namin ang maraming estudyanteng nakahilera sa pasilyo. Binitawan nya lamang ako nang nasa stage na kami.

"Magsisimula na. Kailangan na nating maghanda." He said it, cooly.

Iniwas ko ang tingin sa kanya, kunwaring nagaayos ng aking sarili kahit pagpag lamang ang ginagawa ko. Huminga na rin ako nang malalim dahil sa pinaghalong kaba. Alam kong magsisimula na kaya naghuhurumitado na namanang puso kong lumabas. At hindi sa malamang dahilan kinabahan ako nang nalaman nya ang kasinungalingan ko.

Magsasalita na sana ako nang bigla nyang hawakan ang kamay ko sabay hila sa akin patungong stage. Nagpaubaya naman ako. Nasa centro kami nakapwesto. Sobrang kitang kita ko ang mga estudyanteng nanonood sa amin.

"Huwag kang kabahan. Feel the moment and your emotion.." ngumiti na lamang sya sa akin nang hindi nya natapos ang sasabihin dahil nagsimula nang tumugtog ang kanta.
Mabagal ang sayaw namin ngayon kaya nakatingin lamang ako sa mga mata nyang tinitignan rin ako. Nakalock ito at kailangan kong makahanap ng susi para makaiwas. Dama ko naman ang nga palad nyang mahigpit na nakahawak sa aking kamay. Hindi ko na maramdamang ang ngatog dahil sa kanya.

Iniikot nya ako nang mabagal. Nang magtama ang tingin naming muli ay doon ko na naramdaman ang kakaibang emosyon na iyon. Biglang pumasok sa isip ko ang mga sinabi ni Mama. Love? Siguro ito na iyon. Ito na iyong tamang panahon para maniwala ako sa salitang love. I just want to feel the moment with him, I don't care if he stab my heart, literally. I don't care if he feel me the pain. I just wanna be happy with him because of the love he feel to me.

Napangiti ako roon ngunit may isang nagpapaalala sa akin na hindi dapat ganoon. Si papa. Nagbago ang tunog, naging mabilis ito kaya nataranta ako. Hinigpitan ni Angelo ang pagkakahawak nya sa aking baywang upang palalahanan akong maging kalmado lamang. Tama, I should relax and take it slowly. Normal lamang ang maging ganito. Ang mainlove. Mga tao rin kami na nakakatanggap at maaring makapagbigay nang pagmamahal.

Natapos nang maayos ang sayaw. Ang koryo naming hindi mapakili kanina ay ngayon ay tuwang tuwa naman. She congratulate us for the wonderful performance.

"Hindi pala ako gusto pero kung makahawak nang kamay ko ngayon parang ayaw na akong pakawalan." Bulong nya sa tainga ko. Bigla ko namang inalis ito at umalis na lang. Pupuntahan ko na lamang si Tine kaysa sa isang ito na walang ginawa kundi tumakbo. Tumakbo sa isip ko.

Gusto kita. Gustong gusto kita. Kaya nga ako nagiging ganito sayo. Gusto kong malaman mo ngunit natatakot akong baka lumayo ka lang at hindi na maituloy ang sinimulang pagkakaibigan. Kaibigan nga ba talaga kami o ako lang ang nagiisip noon?

Iniwan na rin Tine ang kapareha nya at nakabusangot na naman nang makita ko.

"Nakakainis talaga sya. Ang malas ko dahil sya ang nakapareha ko." Pagmamaktol nya sa akin.

"Give him a chance kasi. Malay mo magwork kayo." Sabay halakhak ko.

"Magwork? Wala namang akong gustong iwork sa kanya. Hindi naman sya nanliligaw, so walang ganoon." Nalungkot na ang boses nya kaya its time to take revenge.

"Ikaw ah. So do you like him?" Ngumisi ako nang katulad ng kanya kapag inaasar ako.

Pinalo nya lamang ako sa kanang balikat.

"Ikaw din ah. Ang sweet nyo na." Ngunit isang malaking pagkakamali ang ginawa kong iyon dahil mas naasar ako nang binalingan nya ako pabalik.

"August palang pero parang ganito na oh" inaction ko pa ang hulog na hulog na. Yumuko na ako para ipakita kung gaano na ako kahulog sa taong sinasabi nya. Humalakhak naman sya roon.

"Grabe na tama mo sa kanya, tyeh. Tara na nga. Balita ko may pakain daw si Madame e." Tumawa na lang din ako sa kabaliwan ko.

Siguro nga wala talaga sa panahon, edad kapag magmamahal ka. Kusa muna lang mararamdaman iyon sa tuwing nandyan sya. Lagi kang masaya kapag kasama mo sya. Kuntento ka na sa kanya. Siguro nga maaring bata pa ako pero pagnaramdaman mo na iyon, wala na mahuhulog ka na lang sa patibong nang pagibig.

Calf LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon