Chapter 23

2 0 0
                                    

Disgrace.

"Anong nangyari? Bakit tinawagan ako ng teacher mo at sinabing nangodigo ka daw?" Bungad sa akin ni Papa. Papaakyat pa lang sana ako sa kwarto ngunit nakita nya na ako. Nakupo sya sa may upuan sa mesa parang inaabangan talaga ang pagdating ko.

"Wala lang po iyon." Sagot ko at matapang na tinignan si Papa. Pumikit naman ito at mistulang sumakit ang ulo dahil sa paghawak nya sa noo nya.

"Anong wala? Ipaintindi mo sa akin ngayon." Mahinahong sabi nya. Nakita ko naman si Mama na lumabas mula sa kusina.

"Wala as in wala kaya dapat hindi na pinaguusapan dahil wala lang" pabiro kong sabi na kahit ako ay hindi natutuwa sa tinuran ko.

"Aba at nakuha mo pang sumagot nang pabalang. You caught cheating and that is disgrace to our family!" Sigaw nya ngunit hindi ako nagpatinag doon.

"Wow, english." Pabiro ko na naman sabi hindi na makapagpigil si Papa kaya tinawag nya na si Mama.

"Salvacion! Pagsabihan mo ang anak mong iyan." Turo nya sa akin. Nagulat naman si Mama sa tinuran ko sa kanila.

"No need, Papa. At anong sinabi sabi nyong disgrace, hindi naman tayo kilala sa bansa. We're poor, right?"
Mukhang mahihimatay na si Papa sa mga sinabi ko at ako naman napahalakhak pa kunwari.

"Hindi lang isang bese ka nagcheat, Madelaine. Kaya ka pala nakakuha ng honor dahil dyan sa pangongopya at pangongodigo mo! Kahit ako nagulat sa mga grades mo noon, biglang taas! Iyon naman pala ang inaatupag mo! Lintek ka!" Sigaw na sigaw na si Papa ngunit ako chill pa rin. Ayoko ng umiyak, Im tired of crying. Wala na nga yatang ilalabas ito kahit gustuhin ko mang maiyak ngayon. Ngumisi muna ako sa kanya.

"Pa? Hindi ka pa ba masaya? Nagawa kong itaas ang grades ko, noon. Para sa inyo, para hindi nyo na ako pagalitan ng ganito, para hindi ko maramdaman na naaout of place ako sa pamilyang ito. Sa tuwing nandyan sila tita't tito lagi nyo silang pinagmamalaki habang ako lumalaki na lang at hindi ko pa maramdaman na naging importante ako sa inyo, na anak nyo ako! Nagawa ko ang lahat ng iyon dahil sa inyo! Oo, nangopya ako noon kasi.. iniisip ko kayo! Gusto kong maging proud kayo sa akin!" Napaos na ako kakasigaw kaya binabaan ko muna ang huling sasabihin ko.

"Kaya lang walang sikretong hindi nabubunyag. Sumabog sya ng parang bulkan, parang kayo. Isang taon nanahimik kaya ganyan ang pagbulusok mo ng galit sa akin ngayon!" Napatayo na si Papa sa kinauupuan nya kaya bago pa sya makalapit, umakyat na ako sa kwarto.

Nakita ko ang mga gulat sa mukha ng magulang nang umamin ako sa kanila. Mas mabuti nang paniwalaan na lang nila ang Mali kaysa sa anak nilang paulit ulit na tatanggi ngunit hindi naman paniniwalaan, nakakapagod lang.

Nagtatanggal na ako ng uniporme nang maisip ko ang isang demonyo. Si Angelo, Im started to hate him, so much hate. Pati pagkagusto ko sa kanya, nakwestyon ko na. Gusto ko nga syang palakpakan sa pagiging honest kanina kaya lang medyo mali ang pagkahonest nya dahil hindi naman nya talaga nakita ang nangyayari. Yung katabi ko namang impakta, ayon hindi man lang naguilty. Hindi nga humingi ng sorry, matapos kong gawin sa kanya lahat. Tinulungan ko sya sa bawat favor nya para maging close sila ng demonyong iyon pero guess what? Napalapit nga sila sa isa't isa sa impyerno nga lang ng buhay ko.

Napakalat pa yata nya ang ginawa ko last year, hindi ko pa rin alam kung paano nya nalaman iyon. Si Angelo nagsabi ganoon? Pero hindi madadamay ang pangalan nya kung sya. Nahihiwagaan pa rin ako sa katabi kong impakta. Wala naman din akong magagawa kahit gusto kong itanggi kung ang paniniwala nila ay nasa isang side lang mahirap makumbinsi iyon.

Naging masaya na kaya sya sa pangpepeste sa buhay ko? Sana naman noh. Makuntento na sya roon. Nawala na ang papuri sa akin ng mga magulang ko because of her. Ayokong magtanim ng galit pero sa tuwing makikita ko na sya siguro parang puno iyong nasa puso ko, palaki ng palaki. Huwag nya lang ako puruhan kundi... ano bang magagawa ko? Im just a weak lady. Hindi ko kayang makipagbubugan o makipagaway sa mga ginalit ako.

Pabagsak akong nahiga sa kama. Naririnig ko pa rin ang bangayan ng dalawa sa baba. Yung isa galit na galit, yung isa naman mahinahong nagpapaamo ng baboy ramo, tupa pala.

Nagring ang phone ko. Pagod kong kinuha iyon sa drawer. Si Kristine?

"Hello?"

"Hoy! Ikaw bakit mo ko iniwan kaninang uwian? Hindi pa ako nakakapagtanong kung ano ba talaga totoong nangyari. Hindi ako naniniwala sa impaktang iyon na kamukha ni sudakong pudpod ang bangs." Napahagikgik naman ako roon kung galit ako, mas galit sya. Sadakong pudpod ang bangs.

"Hinay hinay ka nga dyan. Baka magpakita sayo iyon." Natahimik naman sya. Siguro nasa kwarto sya ngayon at magisa lang sya roon kaya natakot.

"Hu-huwag mong ibahin ang usapan ah. Bakit nga?" Napatigil naman ako sa pagtawa. Bumalik na rin ang mahinahon at seryoso nyang boses.

"Hindi ko alam na ganoon pala ang ugali nun. Binaliktad ako. Kinwento ang mali para mailigtas ang sarili."

"Nako, nako. Iyan na nga ba sinasabi ko. Bakit kasi hindi ka nakikinig sa akin? Dapat matagal ka nang lumayo dyan sa impaktang yan. Nangyari pa tuloy ang nangyari. Edi ikaw ngayon ang hindi pinaniniwalan, mas nauna syang nagkwento. Alam mo bang nagpaawa pa iyan kanina sa harap ni Angelo. Sus, kung nakita mong umarte masusuka ka na lang sa sobrang panget nya, nung pagarte pala." Yung galit nya kanina ay napalitan ng sobrang lakas na pagtawa.

Napaisip naman ako sa sinabi nya. Tama naman talaga kung ano kasing nauna, iyon lang ang paniniwalaan. Ewan ko ba sa mga tao ngayon, hindi marunong makinig sa isa pa bago manghusga.

Hindi pa rin tapos tumawa si Kristine. Sobrang saya nito ah. Pagnakakalait talaga sya nang kinaiinisan nya ganyan na yan kasaya.

"Grabe, diba? Nakakatawa." Hingal na hingal nyang sinabi. "Ikaw naman, kwento mo naman ." Napahinto na sya at alam kong makikinig na sya sa kwento ko.

Kinwento ko sa kanya ang lahat ng TOTOONG nangyari. Napapasinghap naman sya sa bawat sasabihin ko, alam nyang hindi totoo ang sinasabi ni Louise sa kanila kanina pero hindi pa rin sya makapaniwalang magagawa iyon ng katabi ko. Pati sya ay nagulat at nagtaka kung bakit naging ganoon ang kaibigan namin? I have really no idea about her changes. O hindi naman talaga sya nagbago dahil ganoon na talaga sya? Masamang manghusga pero kung nakikita mo nang ganoon parang maijajudge mo na lang sya.

"Hindi ko sya makayanan. Kung ako ginawan ako ng katulad ng iyo, binaliktad sa dulo. Nako, baka hindi ko na alam pa ang gagawin ko. Sabunutan sya hanggang sa mawala yung wig nya pati yung bangs nyang pudpos aayusin ko. Lintek. Napakasama ng ugali." Galit na galit na sabi nya.

"Siguro hayaan na lang natin sya. Wala na rin naman akong, tayong magagawa." Napabuntong hininga ako dahil sa kawalan ng pagasa. Na alam kong bukas, ang mahuhusgahan ay ako at hindi sya. Isa lang si Kristine, marami sila kaya napapanghinaan ako ng loob.

"Sige na matutulog na muna ako." Nagkunwari akong humikab.

"Sige." Ineend nya na yung call. Ramdam ko ang lungkot nya para sa akin. Ramdam ko ang pagaalala nya para sa akin bukas. Ngunit hindi ko hahayaan iyon, lalakasan ko ang loob ko.

Calf LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon