Chapter 12

2 0 0
                                    

Exam.

Syempre pagkatapos nang kasiyahan hindi pwede mawala si kalungkutan. Kalungkutan dahil magaaral na naman. Hell day kumbaga. Magpupuyat ka hindi dahil sa cellphone kundi sa notebook at libro.

Alas Otso na ngunit isang subject palang ang pinagaaral ko. Ewan ko ba hindi ko sya makuha e, inuna ko kasi ang science. Hindi ko porte ang memorization, mahina rin ako roon.

"Ugh," napakamot ako nang marahas sa aking ulo at napayuko. Naramdaman ko naman ang malamig na palad sa aking kaliwang balikat kaya napabalikwas ako. Muntikan pa akong mahulog sa kinauupuan ko.

"Ayos ka lang ba, ate?" Napalingon ako sa kanya sabay hawak sa dibdib at hinihingal.

"Naman e. Nakakagulat ka naman." Kinakamot ko pa rin ang aking ulo baka sakaling maimbsan ang kabobohan.

"Bakit ba? Kanina ka pa kasi dumadaing dyan. Tsaka nagulat din ako sayo ang seryoso mong magaral ngayon ah, changing for someone?"

"Ano ka ba? Changing for someone? Oo, para kay papa. Okay na? Matulog ka na nga roon." Tinaboy ko sya na parang aso.

"Shoo," umalis naman sya at nahiga na sa kanyang kama. Buti pa sya nakapantulog na ako hindi pa nakauniporme pa rin ako dahil ayokong masangayan ng oras. Time is gold, we should treasure it.

Nang Alas Onse na. Nasa pangalawang notebook na ako, english naman. Madali lang ito para sa akin kaunting basa lang, okay na.

"Go," bulong ko.

Then suddenly, Angelo appeared in my mind. Nagaaral pa kaya iyon? Sa tingin mo, madelaine. Nagaaral pa ba ang mga matatalino? Napanguso ako sa katagang matalino. Paano ba maging matalino? May paraan kaya?

"Shit." I should focus. Focus on your notes.

Nagbasa ako ulit, nakaiilang palang ako ng pahina, humikab na ako. Mamasa masa na rin ang magkabila kong mata dahil sa luha galing sa kaantukan.

"Siguro pwede namang maidlip nang 5 minutes, noh?" Kinausap ko ang ballpen then I immediately fall asleep.

Nakarinig ako nang tilaok ng manok. Ayaw ko pa sanang magising ngunit nang makapag ko ang notebook ko sa aking pisngi ay napabalikwas ako.

"Shit. Anong oras na?" Natataranta akong kumuha ng cellphone para makita ang oras.

Nakauniporme pa rin ako ngayon. Nagpupunas ako ng laway nang matamaan ko ang basa sa aking notebook. Pinagpagan ko ito at napagpasyahang ilagay muna sa electricfan. Nakita ko naman ang cellphone ko at sinilip ang oras. 5:00 am na. Sabi ko 5 minutes lang, limang oras na akong natutulog.

"My god." Kinuha ko na agad ang tuwalya na nakasabit sa likod ng pinto.

Papalabas na sana ako nang makita ko ang kapatid kong natutulog pa rin. Nilapitan ko ito at tinapik.

"Hoy, gumising ka na." Napabalikwas naman sya ng bangon. Tumakbo agad sya palabas, nanlaki naman ang mata ko roon.

"Ako muna! May exam ako!" Inunahan ko na sya sa pagpasok sa banyo. Kumakatok pa rin sya doon at ngumangawa, mga ilang minuto rin bago nawala iyon.

Pagkatapos kong maligo at magbihis, deretso takbo na ako palabas hindi na rin ako nakapagpaalam pa.

Pagkapasok ko nang room saktong nagbibigay ng papel ang teacher ko.
Nang mapadaan ang tingin ng mga kaklase ko sa akin ay bigla silang nagtawanan. Nagkunot noo ako at dumeretso na sa akin upuan. Pagkaupo ko ay biglang may panyo na tumama sa bandang dibdib ko. Napahawak naman ako don kasama ng panyo. Nanlaki ang mga mata ko sa lalaking nakaupo, sa katabi ko. Tatanggalin ko na sana ang panyo sa dibdib nang nakita ko ang dalawang butones na hindi nakasara. Namula naman ako at hindi na nakabawi pa.

"Bakit hindi ka pa maupo?" Kundi nagsalita ang aming guro ay malamang mahimatay na lang ako sa kahihiyan.

Shit, nagtricycle ako kanina pero maraming nakakita sa akin at ang bra ko sumisilip na pala hindi ko pa alam. Naupo naman na ako, niyuko ang mukha para hindi na makita ang mga lalaking nakakita kanina.

"Isara mo na iyan. Baka gusto mong makita ko pa kung gaano kaliit yan." Napabalikwas ako doon at minadaling isara ang butones. Mapapaluha na sana ako sa naranasang kahihiyan ngunit napigilan nya iyon.

"Huwag ka nang magalala pa roon. Wala namang titingin riyan dahil maliit." Hindi nga ako iiyak ngunit maiinis naman ako dahil sa kanya. Habang nakayuko ako, pinalipad ko ang braso ko sa kanyang dibdib. Napalakas yata kaya narinig ko ang daing nya.

"Pass your paper." Pinasa naman ang papel at nakayuko pa rin ako. Mukhang babagsak ako dahil sa pangyayaring iyon. Napasa na ang papel ngunit ako hindi pa rin nakakalagpas sa matinding kahihiyan.

Kinuha nya ang papel na para sa akin at binigay na. Nagsasagot na sya. Ngunit ako nakatulala pa rin sa papel.

Hindi na ba ako virgin kapag ganoon? Ano ba itong iniisip ko? Napailing na lang ako sa sariling kaisipan.

Sampung minuto na akong natulala sa aking papel na walang sagot. May namataan naman akong papel sa aking kanan.. tinignan ko iyon at nagtatakang galing iyon mula sa aking katabi. Marami nang sagot? Sampung minuto palang ang nakakalipas ngunit natapos na sya? Nakayuko na sya habang ang papel ay nakabuklat.

"Kumopya ka na." Napaderetso ako nang upo dahil sa narinig na boses galing sa kanya. Kopya ako? Ako ba kausap nito?

"7 minutes to answer that." Kaya naman nataranta na ako hindi na alam ang gagawin. Balisa akong kinuhan ang ballpen at tinignan muli ang papel nyang nakatabi sa akin.

"Bilisan mo na." Iritado nyang isinatinig.

"H-huh? Seryoso ka ba?" Hindi sya sumagot.

"Sige, salamat." Minadali ko na ang pagsusulat. At nang sa wakas ay natapos na ako, syang salita naman ng aming guro na tapos na ang oras. Nakahinga ako ng malalim dahil doon.

Math pa man din iyong pinakopya nya, talagang malaking tulong iyon para tumaas ang grado ko.

"Bakit mo ko pinakopya?" Inaangat nya ang tingin nya sa akin, na kanina ay nakayuko sa mesa.

"Wala lang. Alam kong kailangan mo iyon para sa grades mo, hindi ba?" I am shoked at that moment.

"Paanong.." magsasalita na sana ako kaso lang pautal utal ito kaya naunahan nya ako.

"Basta. Alam ko lang. Kaya huwag mo na akong tanungin nang ganyan kapag sinabi kong kopyahin mo, kopyahin mo. Huwag ka ring papahuli dahil dalaw tayo mananagot. Sikreto lang dapat."

Bakit? Gusto ko sanang itanong kaso wala nang lumabas pang boses sa akin. Hindi ko mawari kung saan ko pa ilalagay ang kilig ko sa kalagayan kong ito. Binato nya sa akin ang panyo upang matakpan ang bahagyang nakalantad kong dibdib. Pinakopya ako marahil nakita nyang wala akong ganang sumagot dahil doon. Wala na akong masabi. Wala na akong ibang maisip pang dahil. Basta ang alam ko, nagiging mabuti sya sa akin and ayokong magassume na baka kahit kaunti ay mayroon. Sana nga...

Calf LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon