Competition.
"Grabe makatitig si Angelo roon kay Danna ano" napansin din pala ito ni Kristine. Tumango na lang ako bilang pagsang ayon.
"Hayaan mo, kayo pa rin ang gusto kong magkatuluyan." Napangiti naman ako at napailing iling.
"Huwag ka nang umasa." Tinapik ko sya sa balikat.
Alam kong alam nya na nasasaktan ako. Huwag ka nang umasa, wow? Sa kanya ko pa talaga sinabi iyon, dapat sa akin dahil ako ang umaasa.
"Nakakainis si Kenzo. Hanggang ngayon pinipilit nyang sa akin ipartner." Pagiiba nya nang topic namin. Nagpapahinga lamang kami bago ulit magsimula ang practice. Papatapos na rin kami dahil ilang araw na lang ay competition na.
"Ayaw mo kasing maniwala sa aking may gusto nga sayo yung tao. Pogi naman si kenzo ah."
"Pogi kapag tulog. Anong pogi dun? May dimples lang pero hindi sya pogi. Nognog pa."
"Hindi naman gaanong maitim ah. Sobrang exagerrated ka lang talaga magisip."
"Oo nga noh... anyways, makukit sya nakakainis pa rin."
Ang dami nyang rant about kay kenzo pero halata naman na sya ayaw nyang pang umamin. Grabe raw kasi makalapit ang kapartner nito si Allyssa kaya sobrang naiinis sya, kapit tuko kumbaga kay Kenzo. Sa tuwing kakausapin sya ng lalaki lagi na lang nakabuntot sa kanya ang babae. Napapangiti na lamang ako pag patuloy pa rin syang nagrarant about kay Kenzo.
Tinawag na kami hudyat na kailangan na naming magbalik muli sa pwesto.
Hindi ko mapigilan sa tuwing magsasayaw na kami ang pagsulyap kay Angelo.Ang galing talaga nila. Yung emosyon nandoon kasabay nang kanilang pagkembot. Magaling sa larangang ito ang dalawa. Well, nakakainggit talaga.
Iniwas ko na lang ang tingin at tinignan ang aking kapareha. Ilang minuto na lang din naman ay matatapos na itong sayaw. Nang nagbow na kami ay biglang tinawag nang coach silang dalawa, kinausap ito. May tinatanong ngunit hindi ko naririnig. Isinawalang bahala ko na lamang iyon at pareha na kaming bumababa ng stage ni Matthew.
Muling naghanda ang dalawa, lahat kami napatingin sa stage. Kita ko ang malalim na paghinga ni Danna, si Angelo ganoon pa rin kung umasta parang hindi kinakabahang magkamali. Nang magsimula na ang tugtog naging fierce ang kanilang mga mukha. Contemporary dance ang kanilang tema ng sayaw about sa love.
Ang huling performance pala ay sila na lang ang magsasayaw sa part na iyon. Hindi ko mapigilang mainggit, na sana ako na lang. Sana ako nalang ang nandoon, kasama nyang sumayaw.
"Sus, mas magaling ka ba dyan?" Umiling lang ako. Kung magaling ako kaysa sa kanya kami pa rin ang magkapareha at kami ang naroon.
"Well," nagkibikit balikat sya. Parang naniwala agad sa sinabi ko. So, hindi talaga ako magaling? Bumalik na lamang ang tingin nya roon sa stage. Tinignan ko naman ang paligid, tahimik at lahat ay manghangmangha sa dalawang nagsasayaw.
Kung kanina ay emosyonal na, mas emosyonal ang sayaw nila ngayon. Maluha luha na ang gilid ng mata ng babae samantalang matapang pa rin ang mukha ng lalaki. Ngunit sa huli ay naging masaya ang awitin nang muli silang nagbalik sa isa't isa. Nagyakapang nakangiti, unti unting magkakalapit ang kanilang mukha at hindi ko na alam kung bakit ako nasasaktan. It's just a dance. Normal lamang iyon pero ang hindi normal yung umiiyak na ako. Iniwas ko na lang ang tingin ko.
"Ang galing ni--" napahinto sya nang marinig ang hikbi ko. Nagpalakpakan naman ang iba sa napakagandang performance ngunit ako naiiyak sa aking upuan. Hinagod nya ang likod ko, alam nya na kung bakit ako naiiyak.
BINABASA MO ANG
Calf Love
Roman pour AdolescentsFirst Love will never dies. But now, First Love can be buried.