Chapter 5

6 0 0
                                    

Eyes.

Isang linggo rin bago mawala ang pigsa nya. Pasalamat naman akong napisa ito dahil sa katangahan ko. At pasalamat din ako dito sa katabi ko.

"President, tawag ka." Tawag sa kanya ni Aldrin. Ang escort namin. Ito rin yung lalaking hahangaan mo talaga. Matangkad at matipuno ang katawan. Tama lang para sa edad namin. Mukhang sporty like at ang perpektong hugis ng mukha ay nababagay para sa kanyang itsura. Ngunit mas pogi pa rin ang president.

Tumayo na ang katabi ko pagkatapos magbuntong hininga. Ayaw ata noon na naiistorbo sa pagbabasa baka mamaya ako na naman pagbuntungan nun.

Ilang minuto syang nawala sa akin, sa tabi ko. Naaninag ko naman ang korte ng pangangatawan nya, tama ako sya. Nagtungo sya sa mesa sa harap parang may announcement na magaganap.

"May sinabi sa akin si Maam na maari na kayong sumali sa mga clubs. 2-3 clubs lang ang pwede nyong salihan and this week pwede na kayong magpalista. And it is required para sa lahat ng students ng Malaya."

Umingay naman ang room dahil sa bulungan nang iilan.  Namimili na sila kung anong pwedeng salihan parang ako.

"Silence." Pagkasabi nun ni Angelo nanahimik naman ang lahat. Bumaling muli ang tingin naman sa kanya.

"There are ten clubs. In academics club there are four categories: math, science, english and writing club. In Sports and Music clubs there are six categories: singing, dancing, instruments club, basketball, volleyball and badminton. That's all."

Umingay na namang muli. Hindi nya na iyon sinaway pa. At umupo nasa upuan. Pinagpatuloy nya muli ang pagbabasa nya. Hindi ba sya interesadong sumali? Nagiisip na kaya sya kung saan?Saan kaya sya sasali? Required! kakasabi nya lang hindi naman maaring exempted sya. Math? Science? Kapag academics sya sasali mukhang hindi ko sya masusundan.

"Saan ka sasali?" Nakayuko ako habang sinasabi iyon. Hindi ako makatingin sa kanya nang hindi kinakabahan o matataranta so mas mabuti itong ganito.

"Huh?" Nagangat naman ako ng tingin sa kanya. And still he's reading.

"Saan ka sasaling club?" Huwag sa academics. No to Math and Science ako. Kahit sa english at writing, wala akong pwedeng ipagmalaki roon.

Binaba nya ang librong binabasa. Hinawakan mo na nya ang baba nya na mistula'y nagiisip bago tumingin sa akin.

"Sa tingin mo saan?" Inirapan ko naman sya.

Kailan ko ba makakausap ito ng matino? Nagtatanong ako tas tatanungin din ako. Mababaliw na talaga ako sa kanya. Literal na baliw na ko sa kanya.

"Tinatanong tapos sasagutin ka nang patanong din." I murmured whike my head is on the left side so he don't hear it.

"What?" Nakakunot na ang kanyang noo nang tinignan ko sya.

"Nothing." Winagayway ko pa yung kamay ko. In defensinve mode.

Tumango lang sya then nagbalik ulit sya sa kanyang pagbabasa. Ako naman nakapalumbaba habang tinitignan syang seryosong nagbabasa. Nakita ko naman sa gilid nya si Kristine na nakangising nang namataan ko sya ay tumigil. Bumuka ang kanya pulang labi tila ay may sinasabi.

"Ano?" Mahina kong sabi para hindi makaistorbo sa isa.

"Club? Saan ka sasali?" Nilakasan nya nang kaunti para magkarinigan kami.

Nagkibit balikat lang ako sa kanya. Baka tanungin ko na lamang sya mamaya. Kapag tapos na ang oras. Dumating na ang susunod naming teacher.

And as usual, lumilipad ang isip ko. Hindi ko alam kung bakit pa ako pumapasok kung ganito lang din ang utak ko. Kung hindi nakatulala ay inaantok. Bawat bukas nang bibig ng aming guro ay napapapikit ako.

History subject kasi ngayon and I'm also not interested with that subject. Pinagsiklop ko ang aking mga palad para tungtungan ng aking baba. Makakatulog na ako kailangan kong magising para hindi ako mapagalitan.

Ilang minuto na syang nagtuturo roon pero ang isip ko ay nasa kama na. Kaunting baba na lang ng talukap ko ay makakatulog na ako. Sa isa kong kurap ay hindi na muli ako nakadilat.

"Ms. Ramirez?" Nagulat ako sa pagtawag na iyon kaya bigla akong napatayo. Pinunasan ko muna ang bibig ko bago magsalita.

"Yes Ma'am?"

"Bakit ka natutulog sa klase ko?" Nakataas na ang kanyang manipis na kilay sa akin.

"Natutulog po? Ako?" Tinuro ko pa ang sarili ko at umiling iling.

"Hindi po ah. Nakapikit lang po ako. Medyo nagblublur po kasi yung paningin ko e." Nagpilit akong ngumiti para paniwalaan nya ngunit hindi sya kumbinsido sa dahilan ko.

"Ilang beses na kitang tinatawag pero hindi ka tumatayo."

"B-Baka po hindi ko lang narinig." Napakamot nalang ako ng ulo sa dahilan na iyon. Habang nagkakamot ako ng ulo nakita ko naman ang katabing kong nakangisi sa akin at umiiling na para bang mali ang sinagot ko. Pinanlakihan ko sya ng mata. Gamit ang mata ay pinagbabantaan ko syang papatayin mamaya.

"Leave." Isang katagang nakapagpataas ng mga balahibo ko.

Kaya naman bigla akong napatakbo sa labas. Hindi ko na muling nilingon ang mga kaklase ko. Isang kahihiyan ang mapalabas ng guro. Sobrang nakakahiya. Lumayo ako sa kwartong iyon at naupo sa nakita kong upuan.

Maraming puno sa parteng ito ng escuelahan. Sa kakalakad ko kanina para may mapuntahan ay dito ako napadpad. Para bang hinanap ako ng hangin at ang lagalas ng mga dahon sa puno para mapunta rito.

Humilig ako sa malaking punong nasa likuran ng inuupuan ko. Dinama ang napakasariwang hangin. At pinayapa ang aking pandinig sa pamamagitan ng mga dahong sumasabay sa hangin.

Nakatulog na ba ako kanina? Isang pikit lang nakatulog na ako non? I didn't know how many minutes did I closed my eyes 'till my teacher called my name.

Inaalala ko kung ipapatawag paba ang mga magulang ko dahil dito. Inaalala ko kung baba ba ang grado ko dahil sa nakatulog ako sa subject nya. Inaalala ko kung mapapagalitan ako at madidisappoint sila sa pagpapaaral sa akin.

Kinamot ko ang ulo ko ng marahas para bang mawawala ang mga alalahanin sa ganitong paraan.

"Huwag na kasing matutulog sa klase."

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa gulat sa boses na narinig ko galing sa likuran ko. Nakita ko naman doon si Angelo na nakahalukipkip ang mga braso habang tinatanaw ang kapaligiran.

"Ano bang ginagawa mo rito? Nakakagulat ka." Naupo na ulit ako para mapakalma ang aking sarili.

"Bakit bawal na bang magpunta rito? May nakalagay ba?" Tumaas ang kanang kilay nya tsaka sya tumingin sa akin.

Iyang mga mata na iyan ang nagpapahamak sa akin. Mga matang hindi ako pinapatulog dahil sa matinding kabog ng aking puso. Mga matang laging nasa isipan ko. Mga matang nagpapahulog sa akin lalo.

Calf LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon