Capítulo 6

1 0 0
                                    

Brother

Habang naglalakbay patungo sa Ottoline, marami kaming nadaaanan na mga baryo ng mga ordinaryong tao. Sinabihan namin sila na huwag lalabas ng kanilang mga bahay, nang dahil na rin sa baka... umabot rito ang labanan.

Malapit na kami sa Ottoline at maghahanap ng maaaring tuluyan sa pansamantala at kinaumagahan ay hahayo na papuntang centro.

We doesn't even know how strong are they. Habang naguusap si Morgan at Victoria, eto ako, nananahimik sa isang tabi at palaisipan parin ang mga maaaring mangyari bukas.

Nakakita kami ng isang lumang bahay na malaki, it's not that old house that has wooden floor. It's like an spanish like and we think it's like an inn.

“Magdidilim na, let's go” ani ni Morgan.

Naglakad kami papaloob at may isang babae na naka-uniporme ang sumalubong saamin. Isang matamis na ngiti ang bungad niya saamin.

I kept my poker face infront of her.

“Magandang hapon sainyo, ako si Casa one of the receptionist here, ma'am how may i help you?” ani niya at sinagot naman ni Victoria.

“We want to have three bedrooms, only single bed and... you know.. the cheaper one” dumungaw ako sa front office at tila maraming mga tao ang nakapila roon, hindi ko alam pero maaari bang magkasya sa isang bahay na ito ang ganito kadaming tao?

Maybe that's why meron nang nakaassign dito, at may hawak na pen at maliit na notebook.

Tumango ang receptionist at nakangiti pa rin.

“3 silvers per night, maam, iyon na po ang aming pinakamurang offer sainyo” ngumiti ulit ito.

Napangiwi naman si Victoria sa unahan ko at tahimik na kumuha na lamang si Morgan ng barya at ibinigay sa babae.

Nasa kaniya lahat ng aming salapi. Sakaniya naman ibinibigay halos lahat.

Nang naibigay na sa akin ang susi ay pandalas na akong naglakad patungo sa aking silid.

Hinanap ko ang numero na keychain na kasamang palawit sa susi, napatapat ako sa isang pinto na kaparehas ng numero ng aking susi.

Binuksan ko na iyon at dali-daling inilapag sa may lamesang maliit na pawang pang lumang tv lamang ang sukat.

Kaagad akong nagpalit ng damit na pantulog, inihanda ang aking mga damit para mamayang umaga, hindi na siguro kami aabutin ng mga alas sais rito. Bago mag alas singko ay aalis na rin kami.

Magkakahiwalay kami ng mga silid, dahil na rin siguro sa walang bakante na magkakatabi. Dumami siguro ang mga taong narito dahil sa pahayag na pinapakalat rin. Na manatili sa kanilang bahay.

Napagmasdan ko rin kanina ang ibang mga tao na nakapili na may baga-bagaheng dala, at ang iba'y may dalang mga kalakal.

Mabuti na rin na may matutuluyan sila na pansamantalang ganito. Sana naman ay walang mapahamak bukas.

Sana'y di mabulilyaso ang aming plano.

Tumagilid na ako, at pumwesto sa kama sa aking kumportableng pwesto upang madaling makatulog.

“You're my queen, Acadia” napangiti ako sa rahan ng paghaplos ng kaniyang kamay sa aking buhok.

Unan ko ang kanyang mga hita at nasa ilalim kami ng isang puno, nakahiga ako sa madamong palibot ng puno. Tila'y hapon na sapagkat di nakakasakit sa balat ang init.

Ibinaba niya ang kaniyang kamay at hinawakan ang aking kamay na nasa aking tiyan, napatingin ako roon. I feel the calloused palm of him that gives me a little tickle on my hand, and the veins that are showing when he squeeze his hand with mine.

Compulsive EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon