Capítulo 7

1 0 0
                                    

Marriage

Pagmulat ko ay purong puti ang nakita ko, bahagya akong naupo at tumingin sa paligid. Nasa healing room ako. Maraming nakakabit sa aking katawan na jelly healing support. Wala akong maalala.

Ang naalala ko lang ay si kuya. I can't believe.

Bakit isa siya sa mga miyembro ng terrorist group na iyon?

Anong pakay nila?

Bakit? Bakit kasama siya?

My head hurts, nasabunutan ko ang aking ulo sa sakit. It's an immediate pang in the head na bigla bigla nalamang nasakit pero nawala din agad.

The door handle clicked and opened, may pumasok na isang healer na babae at nasa likod niya si Morgan.

Napabalikwas ako ng upo, dahilan ng pagsakit ng aking dibdib sa malaking hiwa at baon ng javelin.

"Mahiga ka muna, hindi ka pa pwedeng gumalaw sa lagay mo" ani ng healer. Napadako ang aking tingin kay Morgan sa nakabalot na kanang kamay at nakasabit sa may leeg.

"You're still like a stone, Acadia kahit nakatamo ka ng ganiyang kalaking sugat, ganyan parin ang mata mo" ani niya na nagbibiro.

"What happened to you? Bakit may bali ka" napatingin siya sa kaniyang kamay at ngumiti.

"Nahila ito ng isa sa mga kasama ng kapatid mo, that monster twisted my arm, balak pa nga na tanggalin pero linigtas ako ni Lucas" tumango ako.

Nang dahil sa kabobohan ko, napahamak sila.

"Tell me, anong pakay nila? at bakit kasama ang kapatid mo?" i sighed.

"All i know is, Evander was dead since I was five. Sabi ni mama at papa na patay na siya. I'm confused too, hindi ko alam kung bakit gusto niya rin akong patayin" kumunot ang noo niya na tila ba'y may isang puzzle na kay hirap buuin.

"Nakatakas sila, Diaval became a half demon with one horn. He really wants to protect us" yumuko ako at nanunubig ang aking mga mata.

"How is he? Where is he?" napangisi siya sa aking tanong.

"Dinala siya sa kingdom nila, underworld, hindi kayang gamutin ng healer natin si Diaval lalo na't hindi lamang siya ang sugatan. He lost his consciousness after he fights your brother" thank you!

"Malakas yun! wag ka mag-alala sa demonyo na 'yun" she smiled to assure me that there's nothing to be worried about.

"Si Victoria ay kritikal pa rin ang lagay" ani niya, she shooked her head because of... maybe.. all of her news are all negative?

Umangat ang kaniyang mukha at tumingin saakin na parang may naisip na magandang ibabalita. Chismosa.

"There's a girl from the Harmonia Kingdom, well, she's not just a 'girl' though..." tumango nalang ako at nagpanggap na interesado sa sasabihin niya. "... She's a princess from that kingdom, napakaganda ng mukha, she's also very unobstrosive"

Nagkunwaring humikab ako, pero di pa rin siya natigil sa kakadaldal.

"Alam mo yung parang... di mo dapat hawakan yung balat niya dahil sa sobrang kinis at puti" i stared at her blankly pero di siya tinatablahan.

"Dumating raw siya kahapon, and now naroon na siya sa kaharian nina Diaval, she's helping him daw sa pagpapagaling ni Diaval" my left eyebrow arched because what I heard.

"Oh yeah?" i said sarcastically.

Di ko na napigilan, buti nalang at patuloy siya sa pagku-kuwento at hindi na pinansin ang kahulugan ng aking reaksyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Compulsive EnchantressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon