CHAPTER 5: MISSION

599 85 54
                                    

Astrid Pov.

Misyon? Bakit kailangan kong sumabak sa isang misyon para lang patunayan na karapat dapat ako?

Naramdaman siguro ni Arisse ang bigat ng aura na bumabalot sakin senyales na naiinis ako kahit hindi halata sa mukha ako. Hinawakan nya ang kamay ko at mahinang bumulong.

"Caily, calm down. We will fix it ok?" pagpapakalma nya sakin.

Pumikit na lang ako at hinyaang kumalma ang sarili. Ilang sandali pa ay biglang nagsalita naman si dad.

"Bakit kailangan dumaan sa isang misyon ang aking anak? Marahil isa syang babae ngunit hindi ito magandang rason para hindi sya karapat dapat bilang susunod na tagapagmana." malamig ngunit mahabang sabi ni dad. Napaatras naman silang lahat at mababakas ang takot sa kanilang mga mukha. Kahit naman sabihing sila ang leader ng kani kanilang mafia ay mas makapangyarihan si dad sa kanila. Kayamanan, lakas, kapangyarihan. Lamang lahat si dad dun, yun din ang rason kung bakit sya ginagalang at kinatatakutan.

"C-chief, marahil nga ay hindi iyon sapat na dahilan ngunit tayo lamang ang nakakaalam kung anong kayang gawin ng tagapagmana, kaya't natatakot lamang kami na baka lumakas ang loob ng mga kaaway sumugod sa teritoryo natin kapag nalaman nila na ang bagong pinuno ng pinakamalakas na mafia ay isang BABAE lamang." may mga diing sabi ni Mr, Sy.

"Sinasabi mo bang napakahina ko at hindi ko kayang protektahan ang palasyong ito?" nakakatakot na sabi ko.

"Hindi, pero hindi mo kayang pangatawanan ang pagiging pinuno lalo na't isa kang babae." mapangasar nyang wika. Kahit na nagaalab na ako sa inis at galit ay pinili kong kumalma. Hindi ko hahayaang magtagumpay sya sa plano nya.

"Chief, Marahil ay nararapat na pagbigyan mo ang aming mga nais, wala naman sigurong mawawala kung sasabak sya sa misyon, hindi ba?" mahabang litanyang sabi Mr, Ruiz habang mainam na tinitignan ang aking reaksyon ngunit wala syang makita kundi isa lamang. Blanko.

"Fine, I will accept your mission Mr, Sy." taas noong sabi ko.

"Caileigh Astrid?"

"Caily tsk."

"Baby girl naman eh."

"Anak are you sure?"

Sari saring komento ang narinig ko kila kuya at dad.

"Of course Chief. I am the heiress, I can make things possible." nakangising sabi ko.

Napabuntong hininga na lang sila kuya at halatang nagustuhan nila Mr, Sy ang aking desisyon.

"Mainam. Madali lamang ang misyon na ibibigay namin sayo" ito na.

"You will kill the heir of Acodism Mafia." that's it.

"Acodism Mafia? "

"Yes. Are you scared?" he said mockingly.

"No. I'll kill that man and after that.." sabi ko habang lumalapit sa kanya.

"I'll kill you. Mark my words asshole" madiing sabi ko. I don't care about his position, I'm still higher than him, we're still higher than them.

Nagsimula na akong maglakad at buksan ang pintuan ngunit bago pa ako umalis ay sumunod na sakin sila kuya.

"Caileigh, We have family meeting"
Kuya Arisse said. I just nod as my response.

Palabas na kami sa building habang nakaakbay sakin si kuya Axcel. Hinayaan ko na lang ito dahil magbuhunganga nanaman pag pinigilan ko tsk.

Sumakay na kami sa kanya kanyang kotse at nagsimulang magmaneho. Ilang minuto lang ay nakalabas na kami ng underground city at papunta na kami ng gubat.

The Heiress In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon