CHAPTER 11: CLEMENTE HIGH

435 69 9
                                    

Astrid Pov.

Months passed at malapit na ang pasukan. I already buy school materials kahit ayoko. Matagal na akong graduate dahil na rin sa kakaibang utak ang meron ako. Hindi ko alam kung anong meron at anim na buwan ang binigay sakin ni papa. Kayang kaya kong patayin ang lalaking yun sa isang araw lang.

I'm here in my car driving to our school. Clemente High.

Clemante High is a school for deliquents and mafia's na makapangyarihan gaya ko. Dahil kakaiba ang seguridad sa paaralan na yun. Nandun din ang imperial guards ko kaya siguro walang alinlangan nilang pinasok ang mga anak nila doon.

Hininto ko ang kotse ko sa harapan ng gate kaya nakakuha ako ng atensyon dito.

"Bess ang ganda ng kotse kanino kaya yan?"

"Siguro hottie yung nandyan hihi."

"Ganda ng sasakyan dre, sports car."

"Baka chic yan dre astig."

Napa tsk nalang ako at lumabas ng kotse ko nakita ko naman silang natigilan at tumawa ng malakas.

"Tae akala ko chic pare bruha yan eh."

"Ay akala ko hottie, gross."

"Ganda ng sasakyan dre sayang ang panget ng may ari."

Panget?

Ponytail.

Long skirt.

Lose blouse.

Big eyeglasses.

Anong panget dun? Tsk mga standards nila ng panget hindi pumapasa sakin. Tsk idiots.

I have to disguise and hide my identity para mas mabilis kung mapapatay yung lalaking yun ng tahimik.

Dumiretso na ako ng lakad at hindi pinansin ang mga bulungan. Hindi naman ako mabubusog kapag pinakinggan ko sila.

Pupunta muna ako ng headmaster office para malaman ang schedule ko at makuha ko narin ung uniform ko. Nang makita ko ung sign sa taas ng pintuan ay hindi na ako kumatok at direstong pumasok.

"As expected, my niece are rude tsk" sabi ni Tita Kathy at umiling. What?

"I'm just lazy to knock old maid." halatang nagulat naman sya sa sinabi ko.

"Caily? Old maid? Excuse me, may boyfriend ako." sabi nya at pinakita ang singsing sa daliri nya.

"You already have 20 ex's and 10 ex-fiance. So don't expect to much tsk." hindi nya ako pinansin at may hinalungkat sa drawer nya, ilang minuto ang nakalipas ng meron syang binigay sakin na gold envelope with our school symbol.

"That's your schedule and this.." sabi nya at kumuha naman ng apat na pares ng uniform at dalawang pares ng P.E "That's your uniform and your P.E uniform. Dalawa lang sana ang ibibigay ko sayo kaso knowing you? Ayaw mo ng naglalaba kaya apat nalang."

"Ok, Grow up old maid." sabi ko at umalis na, naririnig ko pa syang sumisigaw ng kung ano ano. Tsk hindi ba sya nadadala?

Sabi sakin ni Daddy, siya ang nangsuggest na pumasok ako dito para mapalapit kay Kyle. Hindi ko alam kung bakit, at wala rin akong pake basta matapos na agad ito.

Bukas na ang pasukan namin at pumunta lang ako dito para kunin ang uniform at schedule ko.

Palabas na sana ako ng bigla akong nakaramdam ng gutom. I want to eat chocolates.

Ilang beses din ako nagtalo sa isipan ko kung kakain ba ako o aalis na, sa huli nakita ko nalang ang sarili kong pumasok ulit at nagsimula nang maglakad papuntang cafeteria. Tsk I'm hungry.

The Heiress In DisguiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon