Chapter 1

13 0 0
                                    



"Jusmeyo Lykyle,tirik na ang araw,bumangon kana,baka ma late ka"bungad sakin ni mama. Hay nako ma,pagod pa ako,gusto ko pang matulog. "Five minu-" di ko na natuloy ang sasabihin ko ng kinaladkad ako ni mama palabas ng kwarto at pina upo sa sala "Kumain kana,handa na lahat ng gamit mo kunin mo nalang sa lamesa ng kwarto" napaka caring ni mama,palibhasa only child lang ako. Di kami mayaman,di rin mahirap,nasa gitna lang kami. Nabibili din ni mama lahat ng pangangailangan ko. Wala na akong tatay,simula daw ng ilabas ako ni mama sa mundo,di na daw sya nag pakita.
"Tapos kana ba dyan?"tanong ni mama

"Maliligo nalang po"agad akong pumasok sa CR. It's my first day of school,and this is dream come true,papasok ako sa isang sikat na university. Sana magkaron ako ng kaibigan. Agad na akong nag ayos ng sarili at nagbihis

"Anak hinihintay kana ni Kheizer sa labas" huminga ako ng malalim,𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘬𝘰 '𝘵𝘰𝘩
Lumabas na ako ng bahay at sabay kami ni Kheizer papuntang university.
Pag pasok namin ay agad akong nabighani sa laki at ganda ng university na ito. "Ang laki naman nito" ang sarap lang sa pakiramdam na na eenjoy mo ang mga bagay na pinaghirapan mo. Papasok ako dito para mag aral ng mabuti at maging normal na estudyante.

Sa sobrang tuwa,di ko na alam kung asan ako hanggang biglang may nakabangga ako,"S-sorry"

"Sorry?you think its enough?kilala mo ba ako?"

"So?wala akong pake,ang sakin lang ako na lang nga ang nag sorry,ikaw pa yung galit" nagsitinginan samin ang mga tao sa paligid. Agad nyang hinawakan ng mahigpit ang kamay ko at pumunta sa lugar kung saan walang gaanong tao,𝘚𝘩𝘵 𝘮𝘢𝘺 𝘱𝘢𝘴𝘢 𝘢𝘬𝘰
"Nakakahiya ka"

"Pake ko?" aalis na sana ako ng biglang pinigilan nya ako.

"You know what?bring yourself to your limitations hindi yung kung sino sino ang binabangga mo"

"Di ko naman sinasadya,nag sosorry na nga ako,ikaw pa ang galit" tumakbo ako at pumunta kay Kheizer
"Anong ginawa nya sayo?sinaktan kaba nya?" sabi nya habang chinicheck ako. "Ang OA mo naman,pasa lang 'to" huminga sya ng malalim tsaka inalalayan akong papunta sa locker.
"Kheizer kilala mo yung lalaking nakabangga ko kanina?" Tanong ko sakanya habang kinukuha ang libro para sa class namin.
"Di ko nga rin alam eh"
"Lagot talaga sya sakin pag napuno ako"tinikom ko ang mga kamao ko sa gigil
"Kung plano nyong bumawi sa 5 a's wag nyo ng ituloy"singit ng isang babae na kanina pa ata nakikinig sa usapan namin.
"Freshmen kayo diba?"dagdag nya. Tumango lang ako tsaka si Kheizer. "Mas mabuting manahimik nalang kayo para di kayo mapahiya" babala nya tsaka naglakad paalis. "Teka lang,bakit 5 a's ang pangalan nila?" Tanong ko habang sinasabayan sya sa paglakad
"They called 5 a's dahil lima sila at pare parehas na nag sisimula sa A ang mga pangalan nila,si Alex,Andrew,Ace,Angelo and Alexander. Si Alex na mahinhin at mahilig mag basa ng libro,likas din syang kalmado pero pag dating sa debate,mga salita nya ang tumatatak. Si Andrew na medyo playboy pero asahan mo ang bait at galang nya. Si Ace na may great skills na kahit sino mang humamon ay hindi tumatagal. Si Angelo na matalino at laging mataas ang grado,mataas din ang IQ nya at huli,Si Alexander the group leader,matangkad at gwapo pero minsan suplado. Marami na ang sumubok na kalabanin sila pero puro walang binatbat. Yung iba tumatakas pero kadalasan ang mga natatalo ay napapahiya sa buong University,sisikat ka dito dahil sa kahihiyan" she explained.
"Pero bakit ganon sila?" I asked

"That's great question,lahat sila wala ng mga magulang,sabay sabay namatay ang mga magulang nila sa isang trahedya,kahit sinong tao dito di alam ang eksaktong nangyari,tanging 5a's lang ang nakakaalam" humarap sya samin at tinuro ang kabilang building "In that building,3rd floor,7th room ang office nila" tsaka sya nag lakad palayo.
Pinagusapan namin ni Kheizer kung lalaban ba kami o hindi. "Laban na tayo para makabawi ka sa pasa mo"
"Eh ano naman ang kapalit?"
"Susundin nya ang gusto mo o kaya ipahiya sya sa buong university"
"Hayst,di naman ako ganung tao eh"
"Eh pano yang pasa mo?pano kung tanungin ka ng mama mo kung saan galing yan?"
"Ako na ang bahala dun" tsaka na ako umalis,maga start na din kasi ang klase namin. "Hintayin mo ako Lykyle" rinig kong sabi ni Kheizer kaya tumakbo ako para di nya ako mahabol. Kaso dahil sa bilis ko di ko na napansin na may nabangga nanaman pala ako.
"Ikaw nanaman!" Bulalas nya.
"Siguro parehas tayong school na pinapasukan" sarkastikong sagot ko tsaka isinawalang bahala sya at nag lakad
"Hoy ikaw!"
"Yes?"
Lumapit sya at hinawakan ang batok ko "Prove that you are strong and I will give you what you want" tsaka sya umalis kasunod ang ka myembro nya sa 5 a's.
Tumakbo papalapit saakin si Kheizer para I check ako"Sinaktan kaba nya ulit?"tanong nya
"Ayos lang ako"

"Nakakabwisit na talaga sya"

"Hayaan mo na" tumayo sya na parang di nya narinig ang sinabi ko. "Hoy gago!" Sigaw nya at dahan dahang lumingon si Alexander kasabay ang ka grupo nya.

"Ako?tinawag mong gago?"

"Sino paba ang porket gwapo at sikat ay wala ng galang sa--" di nya na natuloy ang sinasabi ng biglang lumapit si Alexander at sinuntok si Kheizer,agad akong umawat sakanila"Tumigil kana nga" saway ko sakanya. "Pakealam mo ba?sino kaba?pandak at walang alam right?" Bigla ko syang nasapak,di ko alam kung bakit,siguro nadala ako sa emosyon ko" Sumosobra kana ah,sa tingin mo ikakasikat mo ang mga pinaggagawa nyo?hindi porke may kapangyarihan kayong manakit ay pwede nyo na kaming tapak tapakan. Tao din kami na nangangailangan ng respeto sa ano mang aspeto. Sayang ng gandang panlabas mo kung ubod ng kasamaan ang nasa puso mo" agad kong inalalayan si Kheizer paalis,bakit pa kasi nangyayari 'to,I just want to be a normal student.

Alexander P. O. V

"Nakita nyo yung pandak na yun?akala nya kung sino sya,nagtatapang tapangan" nagsitawanan lang silang apat,we're in our office right now. "May nakakatawa?" Agad nilang tinikom ang mga bibig nila at umupo sa kanya kanyang upuan. "Freshmen yun lexan,siguro wala pa yung alam satin" sabi ni Angelo.
"I think she's pretty good for me" sabi naman ni Andrew na nakangiti at tulala sa taas,sabay sabay namin syang binatukan para mabuhay ang diwa.
"Siraulo kaba?" Tumawa lang sila at ibinaling ko ang atensyon kay Alex na nagbabasa "Hoy Alex" tawag ko sakanya."Oh?" Agad nyang sibat habang nasa libro parin ang atensyon.
"Ano kaya kung buma--" biglang nagsalita sya"Don't make wrong decisions para lang sa babaeng yun,she's freshman diba?so let her know who is us" ipinatong nya ang libro sa lamesa at nilisan ang opisina
"Problema ng lalaking yun?" Napakibit-balikat nalang sila.

Lykyle's P. O. V

"Ok kalang ba?" Pag aalala ko habang pinupunasan ang dugo sa may bibig ni Kheizer. He nodded. "What if lumaban na tayo?"
"Di yun madali Kheizer"

"What do you mean?"he asked while raising his eyebrows

"You need to get the invitation" sibat naman ng babaeng naka usap namin kanina

"Bat ba sipot kanalang ng sipot?" I asked and she sighed.

"Tinutulungan kayo"napatingin kami ni Kheizer sa isa't isa

"By the way,saan namin makukuha ang invitation?" Ngumisi lang ang babae"May nakakatawa?" Dagdag ko.

"Gusto nyo talagang bumawi?well,you need to prove that you are strong,nakasalalay sa 5 a's kung bibigyan kayo ng invitation o hindi" agad namang umalis ang babae.
"Teka,sino ka pala?" Pag pigil ko sakanya
"You knew it" at dumiretso na syang umalis.
Sabay na din kaming umalis ni Kheizer at pumunta sa classroom. Pag pasok namin ay dinig ko ang mga bulungan ng mga kaklase ko.

"𝘉𝘢𝘨𝘶𝘩𝘢𝘯 𝘱𝘢𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘦𝘳𝘰 𝘯𝘢𝘱𝘢𝘬𝘢 𝘱𝘢𝘴𝘪𝘬𝘢𝘵 𝘯𝘢"
"𝘚𝘢 𝘵𝘪𝘯𝘨𝘪𝘯 𝘯𝘺𝘢 𝘮𝘢𝘱𝘢𝘱𝘢𝘣𝘢𝘨𝘴𝘢𝘬 𝘯𝘺𝘢 𝘢𝘯𝘨 5 𝘢'𝘴?"
"𝘋𝘪 𝘯𝘺𝘢 𝘬𝘪𝘭𝘢𝘭𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘭𝘢𝘣𝘢𝘯 𝘯𝘺𝘢"
"𝘒𝘢𝘬𝘭𝘢𝘴𝘦 𝘱𝘢𝘭𝘢 𝘯𝘢𝘵𝘪𝘯 𝘴𝘺𝘢,𝘺𝘶𝘬𝘴𝘴"

Binaliwala ko lang sila at tsaka na umupo. Hinawakan ni Kheizer ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya "Matapang ka Lykyle,kaya mo yan" tumango lang ako bilang sagot

Meet me in HeavenWhere stories live. Discover now