Wala na akong magawa kundi mapa sandal nalang sa pader na nasa likod ko dahil napaka lapit nya na sakin.
"If I want you to be my girlfriend,then do it. If I want you to stay by my side,then do it. Kung gusto kong angkinin ka,magpapa angkin ka. Kung gusto kong agawin ka,magpapaagaw ka. Basta lahat ng gusto kong ipagawa sayo,gagawin mo" ngayon ang mukha nya naman ang inilapit nya sakin. "The short,slow and cute girl is now fucking mine" ipinikit ko na lang ang mata ko ngunit ilang segundo na ang lumipas pero wala pang labing dumadampi saakin."Relax,I will give you your first kiss pero hindi dito sa pangit na lugar na ito" Ganon nya na ba laiitin ang sikat na university na ito?pinapangarap ito ng maraming estudyante tapos tatawagin nya lang na pangit?palibhasa di sya marunong mag appreciate ng mga bagay bagay. Nag lakad na sya papalayo dala ang bag ko.
"Hoy ibigay mo nga yan sakin ang bag ko"
"Ako na ang magdadala,boyfriend mo ako remember?"
"Hintayin mo nga ako!" Napatigil sya sa paglakad at lumapit sakin. Nagulat nalang ako nang bigla nya akong buhatin.
"Sinabi ko bang buhatin mo ako?"
"Eh kung hindi kita bubuhatin baka bukas pa tayo maka punta sa pupuntahan natin"
"Wala akong magagawa,pandak at pandak lang ako"
"Baboy na nga pagong pa" he murmured pero syempre narinig ko
"Anong sabi mo?"
"Nevermind"
"Saan tayo pupunta?"
"Cafeteria"
"Cafeteria lang naman pala,ibaba mo na ako" tumingin sya sakin at dahan dahan nya akong ibinaba.
"Laki lakihan mo naman ang hakbang mo"
"Kasalanan ko bang pinanganak akong hindi malapad ang hita?"
"Manahimik kanalang nga"
Pag dating namin sa cafeteria ay handa na ang kakainin namin. Pinaupo nya muna ako tsaka rin sya umupo.
"Sabay na tayong umuwi" sabi nya habang tinitignan akong kumain.
"Wag mo nga akong titignan ng ganyan"
"Magkaharap tayo syempre titignan kita"
"Kaya kong mag isa"
"Wag ka ngang matigas ang ulo"
"Wag ka nga ring mamilit"
"Your fucking mine"
"And your not my fucking type" napa yuko lang sya at nag iba ang aura. Medyo nabigla din ako sa lumabas sa bibig ko,nako Lykyle,napaka harsh mo. "Hayaan mo,masasanay din ako" umalis sya at iniwan ako. Siguro kailangan nya ng oras para makapag isip pati rin ako,nabigla din ako eh.
Habang naglalakad sa hallway ay bigla akong nakatanggap ng mensahe galing kay Angelo.
"𝘎𝘰 𝘵𝘰 𝘰𝘶𝘳 𝘰𝘧𝘧𝘪𝘤𝘦 𝘳𝘪𝘨𝘩𝘵 𝘯𝘰𝘸"
Kung makapag utos naman sya akala nya kung sino. Wala na akong magagawa kaya pumunta na rin ako doon sa opisina nila. Pag dating ko doon ay nadatnan ko silang apat. "Anong gagawin ko dito?" Bahagya silang ngumiti."Di mo ba hahanapin ang kulang saamin?" Tanong ni Andrew.
"Pagkatapos nya akong iwan sa kanina tapos hahanapin ko sya?"
"Pag katapos mo rin syang masaktan tapos ganyan kapa mag salita?" Mabilis na sagot ni Ace.
"Teka bakit alam nyo?"
"Sino ba kami sa buhay ni Alexander?"
"Fine,asan sya?"
"Hospital" tsaka iniabot ni Alex ang isang susi.
"Anong gagawin ko dito?" I asked while looking at the key.
"Ang slow mo talaga,obvious bang gagamitin mo sa sasakyan?"napabuntong hininga nalang ako tsaka kinuha ang susi at umalis. Pagdating ko sa parking lot ay hindi ko alam kung anong sasakyan dito,sa dami pa naman ng mga estudyante at mga staff sa university na sikat. Bago paman ako tumawag kang Angelo ay agad na akong nakakuha ng message galing sakanya.
"𝘜𝘯𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘪𝘯𝘺𝘢,𝘪𝘬𝘢 𝘢𝘯𝘪𝘮 𝘯𝘢 𝘪𝘵𝘪𝘮 𝘯𝘢 𝘴𝘢𝘴𝘢𝘬𝘺𝘢𝘯"
Nag simula na akong mag bilang sa unang linya at nakuha ang kotse.
Pag pasok ko ay nakaramdam akong kakaiba sa likod kaya tinignan ko ito.
Sa di inaasahan ay nakita ko doon si Alexander na naka upo at duguan. Napasigaw ako sa gulat kaya imbis na manatili lamang sa sasakyan ay agad akong tumawag kina Angelo
"𝘎𝘢𝘨𝘰 𝘬𝘢 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢,𝘢𝘯𝘥𝘪𝘵𝘰 𝘴𝘪 𝘈𝘭𝘦𝘹𝘢𝘯𝘥𝘦𝘳 𝘴𝘢 𝘬𝘰𝘵𝘴𝘦,𝘣𝘪𝘭𝘪𝘴𝘢𝘯 𝘯𝘺𝘰 𝘣𝘢𝘬𝘢 𝘥𝘪 𝘯𝘺𝘰 𝘯𝘢 𝘴𝘺𝘢 𝘮𝘢𝘢𝘣𝘶𝘵𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺" di ko na hinintay ang sagot nila dahil binaba ko na ang cellphone. Pinipilit ko paring gisingin sya pero hindi talaga sya magising hanggang unti unti ng pumapatak ang mga luha ko. "Hoy gumising ka nga dyan,wag muna ngayon,gaganti pa ako sa mga katarantaduhan mo" di parin sya gumagalaw pero ako hindi nawawalan ng pag asa. "Alexander naman oh,di kapa pwedeng mawala" sinuntok suntok ko sya na baka magising ang mokong toh pero hindi. Tinignan ko ang dugo sa may kamay ko na parang kakaiba. Di na ako nag padala sa arte ko kaya inamoy ko ito. WHAT THE FUCKING PRANK,KETCHUP 'TO! . Hinampas ko sya ng malakas para magising ang best actor na ito.
"Aray!""Dapat lang yan sayo,pinagkaisahan nyo pa ako ah"
"Alexander naman oh,di kapa pwedeng mawala" pag gagaya nya sakin na may pag ka childish ang boses.
"Bwisit ka talaga" lumabas na ako sa kotse,rinig ko parin ang halakhak nya sa loob. Parang ang OA ko sa part na yun,nakakahiya talaga.
Nakita ko ring paparating ang apat at kumakaripas sa pag takbo pero binaliwala ko lang sila. Lumabas na rin si Alexander sa kotse.
"Anyare dun?"tanong ni Andrew."Di mo man lang kami hinintay" dugtong ni Ace.
"Ang bagal nyo kasing maglakad"sarkastikong tugon ni Lexan.
"Anong maglakad?eh halos talunin na namin ang 2nd floor maka abot lang dito" sabi naman ni Angelo.
"Bat kasi nahuli tayo agad?"
"Buti nga eh,sa tagal nyang makapunta dito,lalanggamin na ako,bat kasi ketchup ang naisip nyo" yun na lang ang huling salita na narinig ko sakanya. Medyo malayo na din kasi ako sakanila.
YOU ARE READING
Meet me in Heaven
Teen FictionAlexander Montevherde and Maxine Janniah Lykyle Dela Fhwerde are the main characters in this story. They will teach us how to fight for love and staying inlove to someone who left. Pano kaya kung kailan na nasanay kanang andyan sya tapos bigla syang...