Pag dating ko sa bahay ay bumungad sakin ang mga tambak na kahon at naka hilera sa loob ng bahay. Pumunta ako sa kusina at nakita doon si mama na nagluluto ng hapunan.
"Oh andyan kana pala"inilapag nya ang mga pagkain sa lamesa.
"Ma,saan nyo po yan nakuha lahat?"
"Regalo yan nak"
"At sino naman po ang gagastos ng ganyan kalaki para lang satin?"
"Galing yan kay Alexander,yung gwapong sikat daw sa university nyo" ipinakita nya sakin ang litrato ni Alexander sa cellphone nya.
"Mama,bagong release yang cellphone ah,binili nyo po?"
"Ano kaba,di ako gagastos ng malaki para lang dito,kasama ito sa pinadala ni Alexander"
"Baliw na ata ang lalaking yun" bulong ko sa sarili
"Hali ka nak,eto oh may mga beauty products para sayo,mukha kana kasing matanda,stress kana"
"Mama naman,18 years old palang ako tsaka di na po yan magkakasya sa bahay natin,ibalik nyo na lang yan"
"Wag mong tatanggihan ang grasya"
"Hayst" pumunta na ako sa kwarto ko at inilagay sa lamesa ang bag at libro. Biglang nag v𝘮𝘦
te ang cellphone ko kaya agad ko itong kinuha. Naka receive ako ng message galing kay Alexander.𝘕𝘢𝘬𝘶𝘩𝘢 𝘮𝘰 𝘯𝘢 𝘣𝘢?
𝘈𝘭𝘪𝘴𝘪𝘯 𝘮𝘰 𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘴𝘶𝘳𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘰
𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘮𝘢𝘮𝘢𝘩𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘮𝘪𝘯
𝘙𝘦𝘭𝘢𝘹 𝘳𝘦𝘨𝘢𝘭𝘰 𝘬𝘰 𝘺𝘢𝘯 𝘴𝘢
𝘧𝘶𝘵𝘶𝘳𝘦 𝘮𝘰𝘵𝘩𝘦𝘳 𝘬𝘰 𝘵𝘴𝘢𝘬𝘢
𝘴𝘢 𝘧𝘶𝘵𝘶𝘳𝘦 𝘸𝘪𝘧𝘦 𝘬𝘰
𝘌𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘵𝘢𝘯𝘥𝘢𝘢𝘯 𝘮𝘰 𝘩𝘢,𝘩𝘪𝘯𝘥𝘪
𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘨𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘣𝘪𝘣𝘪𝘭𝘪 𝘯𝘨 𝘱𝘦𝘳𝘢,
𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘬𝘶𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘰 𝘴𝘢𝘺𝘰,𝘢𝘭𝘪𝘴𝘪𝘯 𝘮𝘰 𝘯𝘢
𝘭𝘢𝘩𝘢𝘵 𝘯𝘨 𝘮𝘨𝘢 𝘣𝘢𝘴𝘶𝘳𝘢𝘯𝘨
𝘵𝘪𝘯𝘢𝘮𝘣𝘢𝘬 𝘮𝘰 𝘴𝘢 𝘣𝘢𝘩𝘢𝘺 𝘬𝘰
𝘊𝘩𝘪𝘭𝘭,𝘺𝘰𝘶 𝘤𝘢𝘯 𝘴𝘭𝘦𝘦𝘱
𝘱𝘦𝘢𝘤𝘦𝘧𝘶𝘭𝘭𝘺 𝘣𝘢𝘴𝘵𝘢
𝘵𝘢𝘵𝘢𝘣𝘪𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘬𝘪𝘵𝘢
𝘉𝘸𝘪𝘴𝘪𝘵 𝘬𝘢 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢!Hay nako nakaka bwisit ng araw,hintayin nya lang talaga na mapuno ako.
***
Maaga akong nagising para makahanda,buti nga gising na din si mama at naka luto na ng pagkain.
"Di nya pa po ba inalis ang mga basurang yan?" I asked while eating my breakfast.
"At bakit yan aalisin?nak minsan lang 'to kaya hayaan mo nalang""Pero ayoko pong mag karon ng utang na loob sakanya"
"Regalo lahat ng yan kaya kung ako sayo tapusin mo na ang kinakain mo at hinihintay kana ni Kheizer sa labas"
"Papasukin nyo na muna po sya,maliligo lang ako" kinuha ko ang towel at toothbrush ko sa lababo bago pumasok ng c.r
Di parin talaga mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Alexander sakin.𝘐 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘮𝘢𝘬𝘦 𝘺𝘰𝘶 𝘧𝘢𝘭𝘭 𝘪𝘯 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘮𝘦
𝘐 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘮𝘢𝘬𝘦 𝘺𝘰𝘶 𝘧𝘢𝘭𝘭 𝘪𝘯 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘮𝘦
𝘐 𝘸𝘪𝘭𝘭 𝘮𝘢𝘬𝘦 𝘺𝘰𝘶 𝘧𝘢𝘭𝘭 𝘪𝘯 𝘭𝘰𝘷𝘦 𝘸𝘪𝘵𝘩 𝘮𝘦Nakaka bwisit!shhh....Lykyle wag mo ng iisipin yun. Huminga ako ng malalim.
Pag katapos kong mag ayos ay agad na akong lumabas ng kwarto. Gaya ng dati sabay kaming pumunta ni Kheizer sa university.
"Napag isipan mo na ba?""Ang alin?"
"Kung lalaban tayo"
"Diba sinabi na ng babaeng naka usap natin na kailangan na muna nating maka receive ng invitation galing sakanila?"
"Pero—" di nya natuloy ang sasabihin when someone stopped in front of us.
"Accept this invitation,I'll see you this afternoon" he said,aalis na sana sya ng biglang may nahulog galing sa coat nya. It's my perfume. Agad ko itong kinuha at ipinakita sakanya.
"Saan mo 'to nakuha?""Pasalamat ka ako ang naka kuha nyan"
"So ano?ako pa dapat ang humingi ng utang na loob sayo?eh ikaw yung nag nakaw ah"
"What did you said?"
"Magnanakaw"
"Repeat it"
"Magnanakaw!" Nagsitinginan ang mga tao sa paligid namin,agad nyang tinakpan ang bibig ko para di gaano halata na ako ang sumigaw. Inalis ko rin ang kamay nya sa bibig ko.
"Kheizer tawagan mo ang admin para maturuan ng leksyon ang magnanakaw na ito" kinuha ni Kheizer ang cellphone nya at tinawagan ang admin. Tinitignan ko lang sya ng matalim habang sya ay chill lang na nakasandal sa pader.
"Lykyle pumunta na daw tayo dun" sabi ni Kheizer paka baba ng telepono nya.
"See you" I smirked.Pagdating namin sa office ay bumungad samin ang admin na nakatayo at nakapakrus ang kamay.
"Sit" sabi nito kaya umupo din agad kami.
"What happened?" She asked."Eto kasing pasikat na leader ng 5 a's ninakaw ang pabango ko" sabi ko ng may pagmamataas ng boses
"Ms. Dela Fhwerde lower your voice and you"sabay turo kay Alexander"explain your reason" umupo ang admin at inantay ang sagot nya.
"Hurting and giving punishments to your fellow school mates is normal but stealing is an abnormal thinking" I murmured.
"Shut up,let Mr. Montevherde explain his reason"nanahimik nalang ako.
"Nasa cafeteria kami noon ng mapasigaw sya kaya naagaw nya ang atensyon ko,nakita kong ginagamot ni Kheizer ang tuhod nya kaya agad akong lumapit sakanya para lagyan ng band aid ang tuhod nya kaso nag sungit nanaman sya,umalis at dinala nya ang bag nya kaso di ata nya nahalata na nahulog ang pabangong galing sa bag nya" he explained.
"Is that the real incident?" Tanong ng admin.
"Kahit tignan nyo pa ang mga CCTV footage"
"Ok,settle down and say sorry to each other"
Huminga ako ng malalim at sumagot "Sorry"
"With emotions Ms. Dela Fhwerde"
"Sooorrryyyy"
"More feelings"
"Sooorrrryyyyy poooooooo"
"Medyo ok na din,ikaw din Mr. Montevherde,say sorry"
"Pag katapos nya akong pag sabihan ng kung ano ano tapos sorry lang ang sasabihin nya?"sabi Alexander.
"Eh anong gusto mo?" Di nya na ako sinagot ng bigla nalang syang umalis sa opisina. Agad ko naman syang hinabol. "Hoy sorry na nga!" Sigaw ko sakanya. "Accept my invitation and I will forgive you" rinig kong sabi nya,hinahabol ko parin sya,ang bilis nya kasing mag lakad,palibhasa ang lapad ng hita. "Teka lang" hindi ko namalayan na merong pa umbok na semento ang nadaanan ko kaya ito ang dahilan ng ikina tapilok ko. Tumilapon ang bag at librong dala ko sa daanan. Agad naman syang lumapit saakin " Then ano ang kapalit?" Tanong ko sakanya habang pinupunasan ang tuhod ko
"If you win,do whatever you want to do,di kita pipigilan,and if I win,you will do everything I want you to do,is that clear?" He said while looking at my eyes straightly.
"Ano namang klaseng kapalit yan?"
"Eh kung ayaw mo,di kita papatawarin,bahala ka dyan" aalis na sana sya ng bigla ko syang pigilan. "Payag na ako" humarap sya saakin at ngumisi. "See you this afternoon in gymnasium" tumalikod na sya at nag lakad ulit habang ako nakatayo parin at iniisip ang gagawin. You can do this Lykyle,hindi pwedeng matalo ka,huminga ako ng malalim at pinalakas ang loob
YOU ARE READING
Meet me in Heaven
Teen FictionAlexander Montevherde and Maxine Janniah Lykyle Dela Fhwerde are the main characters in this story. They will teach us how to fight for love and staying inlove to someone who left. Pano kaya kung kailan na nasanay kanang andyan sya tapos bigla syang...