Chapter 4

4 0 0
                                    

Pag dating ko sa gymnasium ay nakita ko ang mga estudyanteng tila sabik sabik na sa sagupaan namin ng 5 a's. Tumingin din ako sa unahan at nakita sila kasama si Kheizer na kanina pa ata ako hinihintay,pumakawala ako ng hangin at pumunta sa pwesto namin ni Kheizer.

"Saan kaba galing?kanina pa kita hinahanap para makapag practice man lang tayo" agad nyang tanong sakin ng makalapit na ako sakanya

"Di pa nga natin alam ang topic tapos practice agad?" Sagot ko. Halata naman na gwapo ang best friend kong ito pero parang ang utak laging nasa kabilang planeta,minsan mag salita pa,out of the blue.

"Ok let's start the debate since the players are now here" the MC declared kaya ang mga atensyon ng mga estudyante ay nasa amin na "Let me introduce the players,In the left side,the 5 a's" nagsihiyawan ang mga tao "At sa kanan naman ang mga humahamon. Our topic for this unexpected debate is love" napanganga ang ibang tao sa paligid sa narinig. Sino ba naman ang di mabibigla sa gantong usapan?nakalaban na sila worldwide tsaka ang daming mahihirap na topic tapos love pa?what a childish brain. "The left side will defend that love is existing in your first sight and the right side will defend the opposite of it,love is not existing in your first sight" tumingin samin ang MC at ngumisi. "Let's start the debate"
Kinakabahan parin ako sa pwedeng mangyari,baka kasi magkamali ako or what,sana walang aberya sa mga sasabihin ko. Lord help me to win this nonsense debate para makabawi ako sa mokong Alexander na yun. I looked at Alexander at sakto naman tumingin sya sakin,he just smirked and that smirked made me irritated and angry!. Nag step forward sya na ibig sabihin ay sya ang dedepensa sa grupo nila. Huminga ako ng malalim at nag sign of the cross. "Lykyle ako nalang" bulong sakin ni Kheizer,tumingin ako sakanya at binigyan ng matamis na ngiti na agad nya namang ikinagulat " Don't worry,kakayanin ko 'to" humakbang ako paunahan na nagsasabing ako ang lalaban para saamin.

"Love is existing in your first sight kasi isipin nyo marami ng mga relasyon ang tumagal at naging masaya in just first time to see someone,sa unang sulyap mo palang doon mo na malalaman na mahal mo talaga ang tao" he said. Yan lang ba?di man lang powerful ang words nya,hay nako mas mabuti na yun kesa si Alex ang makalaban ko,baka unang talakan palang,tablado na ako.

"Love is not existing in your first sight kasi alam mo maraming tao ang nasasaktan ng dahil dyan. Isipin mo ah,unang kita mo palang na fall kana tapos di mo pa naman yun kilala eh. Pano kung sa huli mali pala yung naramdaman mo?pano kung kaibigan lang talaga ang dapat na relasyon na inilaan ng tadhana sainyo? Diba napaka weird namang isipin yun?" I defended. Sige lang self,push mo yan

"I don't care about her,i just care about what I feel to that someone,kailanman hindi naging mali ang magmahal. Pano mo malalaman ang dapat para saiyo kung sa una palang bibigay kana?diba ang unfair nun?mahal ka ng tao tapos wala kalang pake?"

"That's selfishness,iniisip mo lang ang sariling damdamin mo pero hindi mo man lang naisip ang mararamdaman nya. Mr. Alexander Montevherde,isa lang na letra ang nagkaiba sa nakaraan at nakalaan. Ang nakaraan na dapat ibaon na sa limot at tuluyan ng kalimutan kasi ano naman ang sense ng pag move on kung aalalahanin mo parin ang mga alaala ng nakalipas ng panahon. Ang salitang nakalaan na dapat yun ang pinapakinggan,hindi man madali ang makuha ito pero asahan mong makikita at makikita mo ang tamang tao para sayo hindi yung aayon kalang sa nararamdaman mo"

"How do you know that we should follow the word 'nakalaan' than following the word 'nararamdaman'?"

"Dahil minsan na rin akong nagkamali dahil sa salitang 'nararamdaman'. Pinakita ko ang damdamin ko sakanya ng mga sandaling magkasama kami pero gumawa parin ang tadhana ng paraan para ipaghiwalay kami. Kaya para sakin hindi fair ang pagnanakaw ng puso nya sa unang pagkikita nyo palang"

"But you stole my heart" napatingin ako sakanya ng direkta. Parang naghina ako sa sinabi nya. Bakit?bakit nagkakaganto ako?
Sinubukan din akong tapikin ni Kheizer pero wala akong maisagot,parang napipi tuloy ako."And the winner is 5 a's" rinig kong sabi ng MC. Di ko na mapigil ang emosyon ko,kaya tumakbo ako palabas ng gymnasium at pumunta sa rooftop. Dun kasi lagi akong pumupunta kapag gusto kong mapag isa. Bakit nya kaya yun nasabi?may gusto ba syang ipalabas?gago talaga ang lalaking yun,bwisit!
Mga ilang minuto kong pamamalagi sa rooftop ay biglang nag bell na hudyat ng klase namin kaya naman bumaba na ako at pumunta sa classroom. Pag dating ko doon ay kunti pa naman ang mga estudyante kaya napag isipan kong mag basa muna ng libro. Tumabi ako kay Kheizer na busy sa pag sulat ng thesis namin. "Alam mo ba ang sinabi nya kanina sa lahat?" Tanong nya nang maka upo na ako sa tabi nya.

"Ano bang pakealam ko sakanya?"

"Concern lang naman ako,kalat na kasi sa buong university"

"Bahala na sya,basta wala na akong kinalaman sa bagay na yan" mag babasa na sana ako ng bigla ng dumating ang TA namin.

"Good—" di na namin natuloy ang sasabihin ng pinahinto nya kami.

"It's ok,sit down at ikaw Ms. Dela Fhwerde may naghahanap sayo sa labas" napatingin ako kay Kheizer tsaka tumingin din sa TA namin.

"Ah sir,baka nagkamali lang kayo"

"Di ako nagkakamali,sino paba ang girlfriend ni Mr. Montevherde?" Napanganga ako sa sinabi nya,ano daw?boyfriend?what the heck kailan pa?bat di ako na inform?

"Sige na at kanina pa ata yun nag hihintay" huminga nalang ako ng malalim at kinuha ang bag ko.

"𝘔𝘢𝘺 𝘥𝘢𝘵𝘦 𝘥𝘢𝘸 𝘴𝘪𝘭𝘢 𝘯𝘪 𝘈𝘭𝘦𝘹𝘢𝘯𝘥𝘦𝘳"
"𝘖𝘰 𝘯𝘨𝘢,𝘵𝘢𝘱𝘰𝘴 𝘴𝘢𝘣𝘪 𝘱𝘢 𝘯𝘨𝘢 𝘥𝘢𝘸 𝘣𝘰𝘺𝘧𝘳𝘪𝘦𝘯𝘥 𝘯𝘺𝘢 𝘯𝘢"
"𝘑𝘢𝘤𝘬𝘱𝘰𝘵 𝘴𝘺𝘢 𝘢𝘩"
"𝘗𝘦𝘱𝘦𝘳𝘢𝘩𝘢𝘯 𝘯𝘺𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘺𝘢𝘯,𝘭𝘰𝘰𝘬 𝘢𝘵 𝘩𝘦𝘳,𝘴𝘩𝘦'𝘴 𝘴𝘵𝘶𝘱𝘪𝘥"
Rinig kong mga bulungan ng mga kaklase ko bago paman ako makalabas ng classroom.

"May problema ba?" Bungad saking boses na ikinagulat ko. Jusmeyo naman ang lalaking toh lagi nalang akong ginugulat.

"Kailangan bang gulatin mo ako?"

"Kasalanan ko bang gugulatin ka?tsaka halata naman atang sinabi ng TA mo na nasa labas ako"

"Syempre,eh kung hindi,lalabas ba ako sa gantong oras na simula na ng klase namin?"

"Relax hindi ka naman mamamatay kapag lumiban ka sa klase"

"Sayo pwede yun,pero sakin hindi,kailangan kong makapag tapos para matulungan si mama. Hindi porke maayos ang buhay ko ay aasa nalang ako habang buhay,kailangan ko ding bumawi kay mama"

"Ang drama mo"

"Mas ma drama ka kaya,by the way anong ganap?"

"From now on,your mine"

"Huh?"

"Hayst,ang slow mo talaga" 𝘦𝘩 𝘥𝘪 𝘬𝘰 𝘯𝘨𝘢 𝘢𝘭𝘢𝘮 𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘨𝘴𝘢𝘴𝘢𝘣𝘪 𝘮𝘰,𝘥𝘪𝘳𝘦𝘬𝘵𝘢𝘩𝘪𝘯 𝘮𝘰 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘥𝘻𝘶𝘩𝘩𝘩𝘩

"What do you mean?"

"Girlfriend na kita simula ngayon,tagalog na yan ah" 𝘥𝘪𝘣𝘢 𝘯𝘢𝘪𝘯𝘵𝘪𝘯𝘥𝘪𝘩𝘢𝘯 𝘬𝘰 𝘯𝘢?𝘸𝘢𝘨 𝘬𝘢𝘴𝘪𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘳𝘢𝘮𝘪 𝘱𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢 𝘦𝘤𝘩𝘰𝘴

"Sino nagsabi sayo?"

"Ako" I looked at him straightly na pati sya ata nailang.

"And what with that eyes?"

"Umamin ka nga sakin,nag dadrugs kaba?" Napatawa lang sya sa sinabi ko,bakit may mali ba dun?

"Ikaw lang ang bisyo ko". Alam nyo minsan ang banat nya nakaka bwisit minsan nakakakilig. Hay nako,ano ba Lykyle,yan ang pinaka hate mong tao,wag ka ngang maharot

"Bahala ka nga sa buhay mo,tsaka sino kaba para gawin lahat ng gusto mo sakin?"

"I'm Alexander Montevherde your one and only handsome boyfriend"

"Handsome mo ang mukha mo" tinapakan ko ang paa nya,tinarayan sya at nag lakad paalis. Oh diba pak na pak.

"Teka nga lang" hinila nya ang braso ko na dahilan para mapasandal ako sa dibdib nya. Ilang segundo kaming nagkatinginan ng nawala sa isip ko na si Alexander pala ang kaharap ko kaya tumayo ako ng maayos.

"Do you remember the debate?diba natalo kita?alalahanin mo din ang kapalit para malinawan ka" bigla syang lumapit sakin kaya napasandal nalang sa pader na nasa likod ko.

Meet me in HeavenWhere stories live. Discover now