CHAPTER 6
Pumunta ako sa office ng TA namin para mag sorry sa pag liban ko sa klase ng dahil kay Alexander.
"It's fine Lykyle,tsaka wag kang matakot,di ako mahilig mang bagsak ng estudyante" hinawakan nito ang braso ko na nagbigay sakin ng kaba. Pinaggagawa ng lalaking to.
"Ah s-sige,salamat po" dahan dahan kung inialis ang kamay nya sa braso ko at nag paalam.
Iba na ang kutob ko sa TA na yun kaya agad na rin akong umalis. Isipin nyo mag sasalita lang may pahawak pa sa braso. Pero wala naman ako sa lugar para mag salita ng kung ano ano o mang husga sakanya,di ko pa naman kilala ang tao eh,TA ko lang yun.
Habang naglalakad ako sa palabas ng campus ay biglang may humarang sakin. Dalawang lalaki na maayos ang damit. Akala ko sa mga telebisyon ko lang ito makikita,parang mga private guards ng isang presidente.
"Ms. Maxine Janniah Lykyle Dela Fhwerde right?" Tanong ng isa sa kanan."Oo bakit?anong kailangan nyo sakin?"
"Sumama po kayo saamin,hinihintay kana ni Sir Alexander"
"Bat ako sasama sainyo?" Aalis na sana ako ng biglang hinila nila ako. Di na rin ako nakapalag,ang lalakas kasi ng mga taong 'to.
"Teka nga lang" kumalas ako sa pag kakahawak nila sakin.
"Cool down" huminga ako ng paulit ulit. "Let's go" nauna na akong pumasok sa kotse pero ang dalawang lalaking 'to ay nasa labas parin at tulala.
"Akala ko ba hinihintay nya na ako?sino mag d-drive?ako?" Nagtinginan ang dalawa sa isa't isa at napa kamot sa buhok,ay pasmado,wala pala silang buhok.Pag dating ko sa isang malaking bahay ay naka abang na sakin ang isang matandang babae na nag aantay ata saamin.
Sinamahan nya ako papasok at tumigil sa gitna ng bahay na kung saan makikita ang isang malaking chandelier.
"Hintayin mo na lang sya dito" naka ngiting sabi nito,ngumiti din naman ako pabalik. Di ko inaasahan na dito ako pupunta. Parang nasa isang palasyo lang ako. Inilibot ko ang atensyon sa paligid,mga libro at mga babasaging mga bagay ang naka display. Di ba takot ang may tag ari nito na mabasag lang lahat ng bagay na ito?mukhang kasing mga mamahalin at bihira lang makita.
Naagaw ng atensyon ko ang mga litrato sa gilid na nakapatong sa parang dyamante ang kulay na cabinet. Agad naman akong lumapit at nakita ang litrato ng isang pamilya. Hinawakan ko ito at hinaplos.Ang nanay at tatay sa gilid,yakap nila ang isang batang lalaki na parang tuwang tuwa dahil kapiling nya ang kanyang mga magulang. At ang babae dito sa litrato parang nakita ko na sya dati,ewan ko kung kailan at saan,pero pamilyar sya sakin eh. Ang saya siguro sa feeling na buo ang pamilya,kaso pinag kait na yun saamin ng pagkakataon."Stop touching that" napa tigil ako ng biglang may nag salita sa likod ko. Dahan dahan ko naman inilapag ulit ang litratong hawak ko.
"Bat mo ako pinadala dito?" Napakunot noo kong tanong.
"Sasamahan mo akong mag lunch"
"Di kana bata para samahan pa"
"Eh kung gusto ko?"
"Bahala ka nga,hahanapin na ako ni mama" tatakbo na sana ako para tumakas kaso nahawakan nya agad ang bag ko at ibinalik ako sa pwesto ko
"Si tita ba?don't worry nag paalam na ako sakanya"
"Ano namang sinabi mo kay mama?"
"Na ako na ang bahala sayo,sinabi ko ding boyfriend mo ako,ang gwapo ko pa nga daw"
"Hay nako,si mama talaga" napahinga nalang ako ng malalim at umupo.
"Mag ayos ka muna,mukha kanang dugyot" patawa nyang sabi na ikina dagdag ng pagka bwisit ko sakanya
"Pakealam mo ba?tsaka wala akong dalang pangpalit" tinalikuran ko lang sya ngunit sa di inaasahan ay natabig ko ang isa sa naka display sa may lamesa at nabasag.
Ano namang nagawa mo Lykyle,napaka tanga mo naman.
"S—sorry" di ako makapaniwalang mag sosorry ako sa taong ito. Pero kailangan kasi naka perwisyo na ako dahil sa pagiging makulit at matigas ang ulo. Wala lang syang ekpresyon,naka blangko lang ang mukha nya na nag bigay sakin ng kaba,baka kasi anong gawin nya,nakatitig lang sya saking direkta. Napa yuko ako kasi wala talaga akong magawa,di ko naman toh kayang bayaran,mas mahal pa ata yan sa bahay namin eh.
"Sorry talaga" dadamputin ko na sana ang mga bubog ng bigla nya akong pigilan.
"Masusugatan ka" kinuha nya ang kamay ko at pinatayo. "Be careful next time" tumango lang ako bilang sagot. Di ko inaasahan na may tinatago pala itong bait sa kabila ng pagiging suplado. Siguro tama din yung mga sinasabi sakin ni mama minsan,na gaano ka sama ang tao,meron at meron parin yang natatagong bait."Manang.." Bigla namang dumating ang matandang babae na sumama sakin kanina
"Ano po?"
"Pa ayusan nyo na po sya"
"Wag mo kayong mag aalala,aayusan namin sya" nakangiting sagot nito. Parang sa bawat oras ay laging naka ngiti ang babaeng iyon. Laging may naka ukit na ngiti sa labi,sana ganon din ako,sana lagi din akong masaya,sana lagi din akong positibo sa buhay.
Inalalayan nya akong tumayo at pinapunta sa isang kwarto na may isang malaking salamin.
"Ang ganda nyo po" napa tingin ako sakanya at ngumiti
"Lykyle nalang po ang tawagin nyo sakin,pero sa totoo di naman po ako maganda eh,simpleng babae lang"
"Simplicity can be the true meaning of beauty" kinuha nya ang kamay ko at itinutok nya sa may dibdib "Sundan mo ito at malalaman mo ang totoo mong mararamdaman"
Pinaupo nya na ako sa isang upuan at pinapikit ang mga mata.
Tama nga sya,simplicity can be the true meaning of beauty. Kailangan ko lang sundan ang puso ko para malaman ang totoong nararamdaman ko.
Kahit na ang puso ang nagiging dahilan ng pait at sakit na minsan ko na ring naramdaman.
Pag mulat ko ng mga mata ay nakita ko ang sarili ko,maayos na pagkakatali ng buhok at medyo mapulang mga labi. Pinatayo nya ako at ipinakita ang isang puting bestida,napaka simple lang pero napaka ganda. "Isuot mo ito" tumingin ako ulit dito at dahan dahan kong inisuot.
"Ikaw ang unang babaeng dinala ni Alexander dito at pangalawang babae na nag suot ng bestidang yan" medyo na curious lang ako sa sinabi nito,so its means ako lang ang babaeng dinala nya sa bahay na ito pero ako na ang pangalawang babae na nag suot ng damit na suot ko ngayon?
"Anong ibig nyo pong sabihin?di lang ako ang nag suot ng damit na ito?""Oo"
"Sino pa po yung unang sumuot nito?"
"Ang nanay nya"
YOU ARE READING
Meet me in Heaven
Teen FictionAlexander Montevherde and Maxine Janniah Lykyle Dela Fhwerde are the main characters in this story. They will teach us how to fight for love and staying inlove to someone who left. Pano kaya kung kailan na nasanay kanang andyan sya tapos bigla syang...