(Warning: Grammatical and typographical errors ahead)
Note: Characters, places and scenes are only fictional and only a product of author's creative and colorful imagination. Any resemblance to an actual person, living or dead, or actual events are purely coincidenced. No parts of this story may be reproduce or transmitted in any form or by any means without the permission of the author itself.
*******
Ang Astra ay ang lugar na kung saan kaming mga Astratist ay naninirahan at binubuo ito nang tatlong rehiyon; Alkand ang lugar na kung saan naninirahan ang mga mayayamang tao at ang mga bumubuo nang kaharian na kung saan kilala bilang Kingdom of Etterol Rulers at dito rin ang sentro ng Astra, Boranbis ay ang natatanging lugar na kung saan naninirahan ang pamilya ng mga Narob na kilala bilang mga magigiting at tanyag na mga kawal ng kaharian, at ang panghuli ang kinalakihan kong rehiyon ang Cavalen, dito kaming mga mababang uri ng tao naninirahan, kung saan araw-araw mayroong kaguluhan na nangyayari at dito rin itinatapon ang mga nagkasalang mamayanan ng Alkand at Boranbis.
******
5 years ago.....
"Kung hindi lang din naman kayo Magbabayad pwes umalis na kayo sa bahay na ito! Tatlong buwan na kayong hindi nagbabayad!" padabog na sabi ni Aling Consing sa aking nanay
"Wag po! Pinapangako ko na magbabayad ako sa susunod na linggo, gipit lang po talaga kami ngayon" mangiyak-ngiyak na sabi ni nanay habang naka luhod na pilit rin na inaabot ang mga kamay ni Aling Consing
"Paulit-ulit na nalang na ganyang ang rason niyo sa akin! Paano ba kayo makakabayad kung ang pag lalaba at paglilinis lang ng sasakyan ang kinukuhanan niyo ng kapipiranggot na pera?!" Bulyaw na sabi ni Aling Consing sabay tulak kay nanay na naging dahilan ng kanyang pagkatumba
"Tama na 'yan Aling Consing! Pwede naman natin to idaan sa maayos na usapan para wala nang magkasakitan pa" sabi ko habang tinutulungan si nanay na tumayo
"Kung sana nag bayad lang kayo edi sana hindi na tayo humantong pa sa ganito" pataray na sabi ni Aling Consing habang pinapaypayan ang sarili dahil sa init "At siguraduhin niyo na makakabayad kayo sa susunod na linggo" sabay alis niya
Bakit ba kasi ganito ang mga tao? Alam naman nila na pare-pareho kaming naghihirap pero imbis na magtulungan kami ay ginigipit kami ng ginigipit
"pasensya kana Adina at naranasan mo pa ang ganitong sitwasyon de-bale anak hahanap ka agad kami ng tatay mo ng paraan" Saad ni nanay habang iniinom ang tubig na sinalin ko para sa kanya
"Bakit hindi niyo sinabi sa akin nay? Edi sana nakatulong pa ako at hindi na umabot sa ganito!" sabi ko na may bahid na pagka dismaya
YOU ARE READING
The Truth Untold
Mystery / ThrillerAdina Lorette is looking for a person who's responsible for her parents disappearance five years ago. Join her journey as she unfolds the mystery of her life. ******* Date Started: May 27 2020 Date Finished: ******* Written by: emjeebee ALL RIGHTS R...