4

4 1 0
                                    


"A-ano?!" Para akong nabingi sa sinabi ni Matti sa 'kin. Sana namali lang talaga ako ng dinig.

"Adina ang sabi ko, gusto ko nang makipaghiwalay." Seryosong sagot n'ya sa akin habang naka tingin sa sahig na para bang ayaw niyang tumingin sa mga mata ko.

Hindi ko alam pero parang sinusuntok ng paulit-ulit ang puso ko dahil sa sinabi ni Matti. Eto ang unang beses na nasaktan ako ng labis maliban sa hindi pag balik ni nanay at tatay.

"P-pero b-bakit?" "May kulang ba sa akin?" "Nagsasawa kana ba sa relasyong ito?" "Hindi mo na ako m-mahal?" "M-may nakita kana bang iba?" Hindi ko mapigilan na bumuhos ang mga luha ko habang tinatanong ko siya ng walang humpay.

"Wala. Wala sa mga sinabi mo ang dahilan, pero kailangan." Kahit hindi naka tingin sa mga mata ko si Matti ay alam kong pinipigilan niyang umiyak sa harapan ko. Bakit ba kase hahantong sa ganito?

"E kong wala sa sinabi ko, e ano?!!" Di ko mapigilan na magalit kay Matti. Ganito nalang? Agad agad niyang itatapon ang dalawang taon na pinagsamahan namin? Kung may problema ay dapat ayusin namin hindi 'yong maghihiwalay agad.

"Ipapadala ako ng ama ko sa Alkand upang maging isang Narob." Dismayadong sagot sa akin ni Matti. Alam kong ayaw niyang sundin ang yapak ng kaniyang ama sa pagiging isang tanyag na Narob sa Alkand dahil malalayo siya sa pamilya niya ngunit wala siyang magagawa dahil matagal na nila itong napagkasunduan.

"Ano naman ang meron kong ipapadala ka sa Alkand upang maging Narob? Bakit kailangan pa tayong maghiwalay?!" Nagugulugan kong tanong.

"Kasi ..... 'yon ang isang ipinagbilin ni ama sa 'kin" Malungkot na tugon ni Matti ngunit hindi parin nawawala ang sakit na dinaranas ng puso ko ngayon.

"Wala ka bang paninindigan sa relasyon natin?! Hindi mo lang ba kayang ipaglaban sa ama mo?" Mas lalong bumuhos ang mga luha ko at wala akong pakialam kong humagulhol man ako sa harapan niya.

"Meron akong paninindigan sa relasyon natin! Pero kinakailangan talaga...." Gustuhin man ni Matti na magwala at sigawan ako ay hindi niya magawa. Nakikita ko sa mga mata niya ang pagpipigil na masaktan ako ng husto.

"Kaya nga langga, bakit? Bakit gusto mo nang tapusin ito? Parang awa mo na sagutin mo ako 'ga..... " Nanghihinang tanong ko kay Matti dahil napaos na ako sa kaiiyak.

"Dahil ayaw kong maghintay ka sa wala Adina. Walang kasiguraduhan na makakabalik ako dito, sayo. Mahabang panahon ang kinailangan namin para makompleto ang lahat ng ensayo sa pagiging Narob at ayaw kong paghintayin ka sa mahabang panahon, kasi kahit ngayon nakakulong ka parin sa nakaraan ng mga magulang mo at ayaw ko itong dagdagan pa, alam kong napapagod ka na." Hindi mapigilan ni Matti ang pagbuhos ng kaniyang mga luha na kanina pa niya pinipigilan.

Lumambot ng konti ang puso ko sa mga sinabi ni Matti at agad kong siyang tinungo upang yakapin ng mahigpit . Hindi ko akalaing may mga bagay siyang napapansin sa 'kin kahit hindi ko man ito sinasabi sa kaniya.

"Ga, h'wag kang mag alala, hindi naman tayo magkakalayo e, sa katunayan nga pinapalipat na ako ni sir Palanos sa resto bar nila sa Alkand." Mahinahon kong sabi kay Matti habang niyayap siya. "Kaya parang awa mo na  h'wag na tayong maghiwalay." Pag mamakaawa ko sa kaniya.

"Pasensya na Adina  pero buo na ang desisyon ko, makikipaghiwalay parin ako. Hindi na ito mababago pa kahit na malipat ka man sa Alkand katulad ko." Seryosong sabi ni Matti sa akin na ikinagulat ko ng husto. Akala ko maayos na ang lahat pero bat parang lumala?

"P-pero M-matti. Bat naman ganon?"

"Dahil alam kong masasaktan ka lang kapag pinagpatuloy pa natin 'to"

"Wala akong pakialam kung masaktan man ako, hanggat kasama kita kakayanin ko! Yon nga ang punto ng pagmamahal Matti, kailangan mong makaranas na masaktan para maramdaman mo ang totoong pagmamahal!"

"Pero hindi ko kakayanin, ang makita kang sinasaktan ng mga taong may galit sa 'kin!" Mas lalong akong naguluhan sa sinabi ni Matti

"A-anong ibig mong sabihin, Matti?"

Mahabang katahimikan ang bumalot sa 'ming dalawa bago siya nagsalita.

"Normal lang sa mga Narob na magkaroon ng mga kaaway dahil sa trabahong pinagawa sa kanila. Isa na dito ang a-ama ko. Tatlo sana kaming magkakapatid, ako si Denver at si k-kuya, pero sa kasamaang palad ay namatay siya habang nasa sinapupunan palang siya ni ina. Namatay si kuya dahil sinaksak ng isang taong galit kay ama ang tiyan ni ina na siyang dahilan ng pagkamatay ni kuya." Mangiyakngiyak si Matti habang kinukwento sa akin ito. "Mas gugustuhin kong tapusin ang relasyon natin kaysa mapahamak ka ng dahil sa 'kin. Sana maintindihan mo kung saan ako nangagaling."

Hindi ko mawari kung ano ang dapat kong sabihin kay Matti. Eto ang unang beses na sinabihan niya ako tungol sa nakakatanda niyang kapatid. Pinilit kong intindihin si Matti dahil sa malagim na nangyari sa kanila ng kaniyang pamilya, pero kahit na may mabigat siyang rason ay nasasaktan parin ako.

Masyado ko kasi siyang minahal kaya ako nasasaktan nga ganito.

"Hindi naman sa pagiging insensitibo Matti, pero baka hindi mangyari sa atin ang  nangyari sa inyo noon. Baka sadyang masamang tao lang talaga ang nakapatay sa kuya mo. Sana naman h'wag mong gawing basehan ang nangyari sa inyo noon sa kung anong meron tayo ngayon." Matigas na sabi ko kay Matti na sana maging dahilan ng pagbago ng desisyon niya.

"Patawarin mo ako Adina, pero nangako na ako kay ama na hihiwalan kita para malayo kita sa gulong papasukin ko."

"Pero nangako ka rin sa akin Matti! Na walang iwanan, walang mapapagod na intindihin ang isat-isa, walang bibitiw kahit ano pang pagsubok na dumating a-at tayo parin hanggang d-dulo..." Pahikbi kong sabi at hindi ko mapigilang mapaluhod dahil nanghihina na ako sa kaiiyak.

"Parang awa mo na Adina, h'wag mo itong gawin, sinasaktan mo ng husto ang sarili mo. Pakawalan mo na ako, please..." Pilit akong pinatayo ni Matti at pinaupo sa sofa at binigyan ng tubig. "Marami pang ibang lalaki diyan na maari mong mahalin at hindi ilalagay sa kapahamakan ang buhay mo.

"Pero ikaw lang ang gusto kong mahalin 'ga, wala ng iba" Sagot ko kay Matti habang niyayakap niya ako.

"Gustuhin ko mang samahan ka hanggang sa pagtanda ay alam kong magiging impossible dahil sa magiging tungkulan ko sa Astra. Ayaw kong maranasan mo ang mga sinapit ni ina, mahalaga ka sa akin at gagawin ko lahat para sa ikakabuti ng buhay mo at mangyayari lang 'yon kapag wala na ako sa tabi mo." Ramdam ko ang sakit bawat salita at ang mas masakit ay ang unti-unting pagkalas ng mga yakap niya sa akin.

"Hindi na ba mababago 'yang desisyun mo Matti?"

"Hindi na." Pasimple niyang ngiti na bahid ang kalungkutan. Akmang aalis na si Matti ng magbitiw ako ng mga salita na maari kong pagsisihan buong buhay.

"Kapag umalis ka ngayon, wala kanang Adina'ng babalikan kahit kailan. At puputulin ko ang ugnayan nating dalawa." Alam kong mali itong ginagawa ko pero sana sa panghahamon ko ay mabago ang desisyun ni Matti.

"Alagaan mo ang sarili mo at mag ingat ka parati. Tandaan mo mahal na mahal kita Langga." Yan ang huling kataga ni Matti bago niya nilisan ang bahay ko.

Sa lahat ng pwedeng kong sabihin, 'bat yon pa?  Ang tanga mo Adina.

******

<3

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Truth Untold Where stories live. Discover now