Dalawa't kalahating oras akong napa-aga ng pasok sa trabaho ngayon kompara sa nakasanayan kong kalahating oras. Wala kasi akong importanteng gagawin sa bahay kaya umalis nalang ako at imbis na sumakay sa tricycle ay naglakad nalang ako papunta dito para makatipid na rin at tutal maaga pa naman kaya okay lang.
"Wow hanep, ang aga mo naman ngayon Adina!" Di makapaniwalang sabi ni Miko sa akin ng magkasalubong kaming pumasok sa resto bar. "Ako nga din, hindi makapaniwala na dadating pala ang araw na papasok ako dito ng mas maaga pa sayo hahaha" patawang tugon ko kay Miko. Si Miko lang naman ang kahera ng resto bar, mag t-tatlong taon na siyang kahera dito. Kilala si Miko dito sa pagiging early bird kung pumasok daig niya pa nga ang may-ari dito dahil mas nauuna pa siyang dumating kahit na nakaserado pa ang resto bar.
Inaayos ko ngayon at nilalagyan ng mga panakip na berdeng tela ang mga upuan at lamesa habang si Miko nama'y inaaayos ang kaha nga pera at nilalagyan ito ng naka rolyo na papel para maging resebo.
Kahit naging regular na akong empleyado dito ay mas pinili ko parin na magpatuloy na maging taga linis at taga hugas ng mga pinggan dahil gusto ko paring gawin ang mga bagay na naging dahilan kung bakit ko naabot ang mga pangarap ko. Kahit na ilang beses na akong inalok ni Sir Palanos na maging manager dahil gusto na niyang palitan si Manager Tadin dahil medyo may katandaan na ito at gusto na nitong manatili nalang sa bahay pero hindi niya magawa dahil wala pang nakikitang pamalit sa kaniya.
"Adina pinapatawag ka pala ni Manager sa opisina" Sabi ni Kokoy na isang waiter dito habang inaayos ko ang huling lamesa. "Ngayon na?" Tanong ko kay Kokoy at agad din naman siyang tumango
Bakit kaya ako pinapatawag ni manager? Eh malimit lang niya naman akong hanapin kasi tagalinis lang ako ng resto bar at wala akong mabigat na responsibilidad na dinadala dito.
Pagkatapos kong kumatok ng tatlong beses ay pumasok na ako sa opisina ni manager at agad na nagtanong "Manager, pinapatawag niyo po daw ako?"
"Yes Adina, I have something very important to discuss with you, please have a seat. And wait for a while because I have to sign all of this. " Sabi ni manager habang pumipirma ng mga nakatambak na papeles.
Ewan ko, alam kong wala naman akong nagawang kasalanan pero kinakabahan talaga ako ngayon.
Dumaan ang sampong minuto bago niya natapos ang pag pirma. At heto ako ngayon, mas lalong kinakabahan.
"Adina, I want to propose a deal with you, and I'm counting on you." seryosong panimula ni manager sa akin.
"P-po?" tanong ko kay manager at makikita sa mukha ko ang pagkalito.
"We all know that you started from scratches, Adina. Nakita ko kung paano ka nag pursigido na alamin at gawin ang lahat ng mga bagay na pinapatrabaho sayo dito sa resto bar. Noon isa ka lang binhi dito, pero tingnan mo na ngayon, umusbong ka'na at namumulaklak. At dahil sa mga pinapakita mong potensyal ay buong puso naming masasabi ni Ivo na ikaw ang tamang tao na karapatdapat na pumalit sa akin bilang manager dito, maliban kay Grego. Alam naming kaya mo ang trabahong ito, natatakot ka lang." nakangiting sabi ni manager sa akin at hindi ko talaga inaasahan 'yon. Si Grego ay ang nag iisang anak ni Manager Tadin na isa ring Manager sa isa pang resto bar ni Sir Palanos sa Alkand.
" P-pero....." Kahit mandami akong gustong sabihin ay 'yon lang ang nasabi ko dahil sa pagkabigla ng mga inanunsyo ni manager Tadin sa akin.
" I don't want to be rude to you, but I want you to take my position as the manager and to have a switch assigned branch with Grego." walang preno na sabi sa akin ni manager habang ako nakatulala at hindi alam kung anong matinong isasagot.
YOU ARE READING
The Truth Untold
Mystery / ThrillerAdina Lorette is looking for a person who's responsible for her parents disappearance five years ago. Join her journey as she unfolds the mystery of her life. ******* Date Started: May 27 2020 Date Finished: ******* Written by: emjeebee ALL RIGHTS R...