1

9 2 1
                                    

Present.

Limang taon na ang lumipas ngunit heto parin ako umaasa na babalik pa ang mga magulang ko. Pilit na binabangon at tinitibayan ang sarili hanggat wala akong nakikitang bangkay nila ay naniniwala akong buhay pa sila at darating ang panahon na magkakasama ulit kami.

Hindi naging madali ang buhay ko simula ng umalis sila. Natuto akong mamuhay at lumaban mag-isa. Kahit ilang ulit akong kinumbense ni Tiyo Leo na duon manirahan sa kanila upang mayroon akong makakasama ay tinanggihan ko nalang, dahil ayaw kong iwan ang bahay namin dahil marami kaming ala-ala dito na ayaw kong iwan kahit medyo nahihirapan na ako.

Masaya ako dahil kahit ganito ang naging sitwasyon ko ay napagtapos ko ang sarili ko ng koleheyo, dahil sa sipag, tiyaga at marami rin ang tumulong sa akin lalo na sa mga gastusing penansyal.

Malaki rin ang utang na loob ko kay Sir Palanos dahil tinanggap niya parin ako sa resto bar kahit na minorde edad pa ako noon kasi alam ko na malimit lang ang tumatanggap ng mga katulad ko dahil bata pa. Noong unang tatlong taon ko palang sa resto bar ay rumaraket palang ako pero nang tumuntong na ako ng labingwalong taong gulang ay ginawa niya na akong regular na empleyado. Umalis na rin si Kera at Gino sa resto bar matapos ang dalawang taon dahil may nakita silang ibang oportunidad bukod dito na nagpa usbong sa karera nila sa buhay. Naging kilalang mananahi si Kera dito sa Cavalen at nakapagpatayo pa ng maliit na pwesto at si Gino naman ay naging tanyag na pintor at madalas na pumupunta sa Alkand dahil nandoon ang kaniyang mayayamang na kliyente.

"Langga tapos ka na ba d'yan?" tanong ni Matti sa akin habang sinisilid ko sa mga karton ang mga gamit ng magulang ko dahil naisipan kong linisin ang kwarto nila. Si Matti Dabis ay ang aking nobyo at mag d-dalawang taon na kami. Nakilala ko siya sa Boranbis dahil minsan naghahatid ako ng mga pagkain na inorder nila sa resto bar at napag alaman ko rin na anak si Matti sa isa sa mga tanyag na narob doon. Naging magkaibigan kami nung una at nagka hulugan na rin ng loob.

"Hindi pa langga, pero malapit na dahil konti nalang ang hindi ko nasisilid." tugon ko kay Matti habang siya naman ay nagwawalis ng mga alikabok na nahuhulog mula sa mga gamit na isinisilid ko.

Kahit ako nalang mag-isa ay hindi ko minsan naisipan na iwanan ang bahay namin at humanap nga mas maliit at maayos na bahay dahil naging sentemetal na sa akin ang bahay. Dahil sa pagsisikap ko ay nabili ko na rin ang bahay namin at makalipas ang isang taon ay nabalitaan ko nalang na pumanaw na Aling Consing dahil sa kanser. Kahit naging masama ang pakikitungo niya sa amin ay nanghihinayang parin ako sa pagkamatay niya dahil hindi pa siya masyadong matanda at ang huling pagkikita namin ay malakas pa siya.

Hindi naman siguro totoo na matagal mamatay ang masamang damo.

........

Nandito kami ni Matti sa pabrika ng mga tela dito sa Cavalen na pagmamay-ari ng pamilya niya dahil bibisitahin namin ang ina niya na nag iisang nagpapalago ng kanilang negosyo. Kapag nandito si Matti sa Cavalen ay dito siya sa pabrika namamalagi kapag hindi kami magkasama.

Galing kami sa opisina ni Tita Ely pero hindi namin siya nadatnan doon dahil nandoon siya sa mismong gawaan ng mga tela at papunta na kami doon.

"Hija nandito na pala kayo, akala ko mamaya pa kayong hapon dadating" masayang tugon ni Tita Ely ng makita kami at sabay yakap sa amin. "Natapos kaagad 'ung ginagawa ni Adina kaya napa-aga kami dito ma" sagot ni Matti sa niya.

Pinauna na kaming pinabalik ni Tita Ely sa kaniyang opisina dahil hahanapin pa niya si Denver na bunsong kapatid ni Matti.

"Langga nakita ko pala si Kera kanina pumipili ng mga tela" sabi ni Matti ng tumingin sa akin
"Gano'n ba, bakit hindi mo kaagad sinabi sa akin? kukumustahin ko sana siya." sabi ko "Sasabihin ko sana sayo pero mukhang nagmamadali siya"

Makalipas ang sampong minuto ay dumating na sa opisina si Tita Ely at Denver.

"Ate Adina!" Masayang sambit ni Denver sa akin ng makita ako. Niyakap niya ako ng maghigpit at hinalikan ko siya sa pisngi. Si Denver lang ang nag iisang kapatid ni Matti at bago lang ito nag labinglimang taon. Palaging sa pabrika nila tumatambay si Denver dahil wala itong kasama sa bahay nila sa Boranbis dahil ang ama nila ay parating nasa kaharian at sa gabi lang ito nakakauwi.

"Saan ka pala galing?" tanong ko kay Denver "Nakipaglaro lang ako doon sa mga empleyado na wala masyadong ginagawa ate." sagot ni Denver habang nilalaro niya ang mga koleksyon niya ng maliliit na sasakyan.

Pagkatapos naming kainin ang meryendang ginawa ni Tita Ely ay umalis na kaagad kami ni Matti dahil pinapatawag na siya sa Boranbis ng kaniyang ama dahali mayroon silang mahalagang pag-uusapan.

Kahit na nagmamadali si Matti ay nagawa niya parin akong samahan sa pamamalengke ng mga kinakailangan ko sa buong linggo.

"Langga aalis na ako, babalik nalang ako sa susunod na araw" paalam ni Matti sakin sa ay halik sa aking noo.

"Mag ingat ka parati langga" sabi ko habang kumakaway sa kaniya.

Maswerte ako dahil dumating si Matti sa buhay ko dahil siya ang nagbigay ng panibagong kulay sa madilim kong mundo. Simula kasi ng umalis ang aking nanay at tatay ay naging mailag ako sa mga tao kahit kina Kera at Gino pero hindi ko matukoy kung bakit. Palagi niya pinaparamdam sa akin ang kaniyang pagmamahal at pinapa ala-ala na marami pang tao ang naghihintay at nagpapatuloy na nagmamahal sa akin kahit nauubusan na ako ng pag-asa. At hindi ko lubos maisip kung anong mangyayari sa akin kapag nawala si Matti, siya ang nagbigay kulay muli ng buhay ko at sana h'wag dumating ang araw na iwanan niya din ako dahil baka hindi ko na ito kayanin.

******

Nagising ako ng maaaga ng hindi ko sinasadya. Mamaya pang alas diyes ang pasok ko sa trabaho kaya nakasanayan ko nang gumising ng nga alas otso o mas higit pa pero kahit kailan hindi pa ako nalate ng pasok.

Pagkatapos kong maligo ay nagluto kaagad ako ng pagkain pang almusal at pang tanghalian ko mamaya dahil mas makakapag ipon ako kung hindi ako masyadong gagastos ng mga bagay na maari ko din namang gawin o lutuin dito sa bahay. Nang matapos kong gawin ang mga bagay na madalas kong ginagawa kapag ako ay papasok ay naisipan kong puntahan ang kwarto ng mga magulang ko upang taggalin ang pangungulila ko sa kanila sa pamamagitan ng pag tingin-tingin ng mga gamit na pinagmamay-ari nila. Namimiss ko na talaga kayo, parang awa niyo na bumalik na kayo.....

Habang binubuksan ko ang maliit na drawer ng kabinet nila ay may bagay na nakakuha sa aking pansin.... Isang gintong kwentas?.... Takang tanong ko sa aking sarili dahil ni-minsan hindi ko nakita na sinuot nila ito dahil hindi sila mahilig magsuot ng mga alahas. Hugis bilog ang kwentas na may maliit na dyamante sa harapan at may nakssulat na K.E.R sa parteng likod nito at makikita mo tagala na ang kwentas na ito ay purong ginto dahil mabigat at makinis pa ito kahit medyo luma na.

Anong ibig sabihin ng KER? Parang pamilyar sa akin pero hindi ko ma ala-ala kung saan ko ito nakita o narinig....

******

Author's Note:

Hi EMverybody! I just want to inform you that it might take a week or more for my next update. I'll become more busier for the next few days because I have to prepare a lot of things for my enrollment for the upcoming school year. Please bear with me and I promise to give you all an update as fast as I could. Hoping all of you are safe and God bless you all 😘💖

<3

The Truth Untold Where stories live. Discover now