chapter 12

177 2 0
                                    

Justine’s POV

    Medyo pagod na ako. Dalawang oras na kasi ako nagsyu-shoot dito sa Divisoria. I look at my watch almost four in the afternoon.

    Nagpahinga ako sandal at bumili ng softdrinks sa isang karindeya. Kung tutuusing ay wala akong karapatan mapagod ngayon. Kahapon pagdating ko galing sa Hong Kong habang nagpapahinga ako sa bahay, tinawagan ako ng isang writer na barkada ko sa Psychedelic.

    Launch kasi ng isang bagong bar sa Libis kagabi at naimbitahan ang mga taga-Psychedelic na umattend to cover the event. At dahil nga hindi pa naman nawawala ang contact ko sa dating pinagtatrabahuhan, isinama pa rin ako ng mga ito kapag ganitong may mga gimmick.

    Pero mali ang desisyon kong sumama sa gimik kagabi. Dahil kasi doon ay medaling araw na akong nakauwi. Dahil medaling araw akong nakauwi, medaling araw na rin akong nakatulog. Dahil dito ay late na akong nagising. I overslept.

    Nagmadali akong kumilos. Nakakahiya naman kasi dahil first time kong raraket for Strode Magazine. Isang interior design magazine ito na pina-publish ng isang maliit na publishing house.

    Dahil nga first raket ko ito for this magazine, ayaw kong mapahiya sa editor. And more anything, nakakahiya kay Daigo, ang writer na makakasama ko sa shoot.

    Nang hindi ako sumasagot sa text nito kanina dahil nga tulog pa ako, akala nito ay hindi na matutuloy ang shoot namin ngayon. Nang magising ako at makita ang mga text messages ni Daigo, I immediately call her and inform her na pwede pa kaming mag-shoot.

    At sa totoo lang, kahit late na kaming magsa-start ay kaya ko pang makunan ang lahat ng mga element sa Divisoria na kailangan sa istorya ni Daigo.

    Mabait naman ito at in good mood today. Pumayag ito and they both agreed na makita ng alas-dos ng hapon sa Divisoria.

“Justine, medyo marami pa tayong dapat na kunan. Kaya lang I have a 5 pm meeting. Pa’no?”

“It’s okay, Daigo. Sabihin mo na lang sa akin kung ano pa ang mga kailangan mo. Tapos ako na ang bahala.”

“Hindi ka natatakot dito?”

    Umiling ako. “Hindi. Ako pa. Kakaibiganin mo lang naman ang mga yan, hindi ka na tatablahin,” ang tintukoy ko ay ang mga loko dito. “Atsaka maliban dito sa camera ko na lagi kong hawak, walang madudukot o mahohold-up sa akin. Isandaan lang ang dala kong pera.”

“Sigurado ka ha?” paninigurado nito sa akin. “O pa’no? I better get going. Ang layo pa kasi ng parking ko. Sigurado by the time I get there magpo-four-thirty na. Habol na lang siguro ko sa meeting ko dahil siguradong mali-late na ako.”

“Pasensiya ka na ha. May shoot din kasi ako kagabi e.” I said, not telling her of the real reason why I’m late. At hindi rin kasalan ni Daigo kung dapat akong iwan nito. Na-delay ang shoot namin dahil sa akin.

“It’s okay. No harm done. Basta’t mag-ingat ka na lang dito ha. Maraming snatchers dito.” She warned me.

“Ako pa! sila ang mag-ingat sa akin. Wala silang mapapala sa akin!” I said matter-of-factly. Simot ang pera ko from my Hong Kong trip at sa isang linggo pa ako magkaka-tseke. Kita ko mula sa isa sa mga raket ko.

    Umalis na si Daigo at naiwan na ako. Dalawang article tungkol sa Divisoria ang assignment nito para sa next issue ng magazine.

*    *           *          *          *          *

    Patapos ko nang kunan ang mga vases nang hindi sinasadya ay napatingin ako sa isang stall sa hindi kalayuan. Hindi ko agad naialis ang tingin dahil na-attract ako sa nakita- isang foreigner a lalaking tumitingin ng mga paninda sa isang native store. Kahit nakatalikod ito ay halatang foreigner ito dahil sa tangkad, kulay ng balat at kulay ng blonde na buhok.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Royal PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon