Chapter 4

39 25 0
                                    

Flyrr Zyvoe Montero

Nandito sya ngayon sa  harap ng GZF corporation at tanaw ang mga engineer na busy sa kani kanilang ginagawa. Dumaan sya sa counter upang magtanong subalit iginiya na sya nito papasok sa elevator patungo sa office ni Mr. Fillego.

"Maam pasok na po kayo. Inaasahan na ni sir ang pagdating nyo"
Maligayang wika ni Cassy ang secretary ni Mr Fillego.

"Thank you cassy."
Kumatok muna sya ng tatlong beses bago pumasok . Naabutan nya itong nagsusulat ng kung ano sa papel. Napatingin ito sa kanya at inalalayan syang umupo sa upuan sa harap ng table nito

"Good morning Ms. Montero , Im glad to see you again. "Paunang bati nito sa kanya.

"Good morning Mr. Fillego . Me too . I guess you are busy? "
Pag aalin langan nyang wika dito

"Not really. Heres the design and I want to discuss it with you and you can tell me what the design you want."
Inilahad nito ang isang brown envelop na kanyang pakay. Kailangan mabilis nyang mamemorya ang bawat detalye upang mapadali ang kanyang mga gagawin.

"Pwede bang bukas kona sabihin kung ano ang nais ko? Pag aaralan ko pang mabuti ang design na gusto ko at mga ipapabago"
Nangingiting turan nya dito.

"Ms. Montero , may mga disenyo pa naman ako dito. Labag sa trabaho ko na ipakita ang disenyo na iyan sa bahay ni Mr. Del Valle. May mga kasing ganda nyan dito kaya makakapili kapa ng magaganda."tangging wika nito sa kanya.

"Mr. Fillego, kaya nga ipapabago ko . Hindi ko naman iwawala at nais ko lang ay ganito. Please"
Pagmamakaawa nya na dito.
Isang katok sa pinto ang nagibabaw sa kanilang pag uusap.Napatulala sya ng Pumasok sa loob ang isang lalaking puno ng awtoridad ang itsura. Matangkad ito at moreno. Napakatikas tingnan sa suot na black suit.

"Hey man , Welcome back. Kelan ka pa dumating? Hows France?"
Malugod na wika ni Mr. Fillego sa dumating kaya natinag sya sa kinauupuan.

"Thank you man, Nung isang araw pa ako dumating ,nagpahinga lang kaya hindi nakadalaw agad. Maayos naman ang France ganun pa din. Kamusta?"
Ganting bati nito sa kausap at umupo sa harap nya na kaharap din ng upuan ni Mr Fillego.

"Im good. By the way , she is Ms. Flyrr Montero. Ms. Montero he is the one Handrix Del Valle. "
Pagpapakilala nya sa lalaki na nakapag palaglag ng panga nya. Hindi sya makapaniwala sa nakikita. Ito pala ang anak ng Daddy nya at nais magpabagsak sa kanila. Ibang iba sa inaakala nya. Nakita na nya ito sa magazine pero sa personal hindi mo aakalaing sya na ang kaharap. Napakakisig at nakakatakot ang awra subalit napakagwapo pa din tingnan.

"Nice to meet you"
Handrix said without smiling.

"Nice to meet you too Mr. Del Valle , Mr. Fillego , I need to go . Thank you for your time but I guess you are really busy. I will be back tomorrow."
Hindi nya na ito pinagsalita at tuluyang nilisan ang pinto. Nakahinga lamang sya ng maluwag ng makarating sa pasilyo palabas ng building. Nakuha na nya ang pakay , dapat na nyang paghandaan ang mga gagawin. Hindi na kailangang mag aksaya ng panahon .

****
Handrix Del Valle

He enters in the office of his friend gabby after he rest for two days. Hindi pa sya nagpapakita at nagpaparamdam dito. Wala itong kaalam alam na dumating na sya.

"Hey man , Welcome back. Kelan ka pa dumating? Hows France?"
Wika agad nito sa kanya at nasisiyahang lumapit.

"Thank you man, Nung isang araw pa ako dumating ,nagpahinga lang kaya hindi nakadalaw agad. Maayos naman ang France ganun pa din. Kamusta?"
Wika din nya dito at naupo sa harap ng lamesa nito. Saka lang nya napansin ang babaeng matamang nakatingin sa kanya. Magkaharap sila kaya natitigan nyang mabuti ang itsura nito. Kulot ang medyo maabo abong buhok nito, maputi ang balat at may kakaibang ganda. Napakasimple pero malakas ang dating . Nakipag sukatan ito ng tingin kaya biglag lumakas ang kabog ng dibdib nya. Hindi sya mapakali kung ano ang mararamdaman .

"Im good. By the way , she is Ms. Flyrr Montero. Ms. Montero he is the one Handrix Del Valle. "
Napatigil sya sa pagtitig ng magsalita ang kaibigan . Nagbalik tingin sya dito and still the girl starring at him .

"Nice to meet you"
Cold na wika nya dito sa kabila ng kaba na nararamdaman. Hindi familiar ang mukha nito pero may kakaiba sa nararamdaman nya.

"Nice to meet you too Mr. Del Valle , Mr. Fillego , I need to go . Thank you for your time but I guess you are really busy. I will be back tomorrow."
Nagmamadali na itong umalis at hindi tinanggap ang kamay nyang nakalahad. Napatingin sila pareho ng kaibigan sa pintong nilabasan nito .

"Pre hindi ka kinamayan. Hindi yata nadala ng charm mo"
Tatawa tawang wika ni Gabby sa kanya.

"Hindi nya nakita kaya hindi nya tinanggap. "
Naiinis na wika nya dito

"Talaga lang ha. Ang ganda nya diba? Natulala ka nga ei"
Pang aasar pa din nito na ikinasimangot nya.

"Siraulo. Mas madaming magaganda sa France kaya normal na lang sa akin ganda nya. Hindi ako natutulala sa babae"
Pagdedeny nya dito.

"Ano pala ang ginagawa nya dito? Dito sya nagtatrabaho?"
Kuryusong wika nya dito para maiba ang usapan.

"Curious kana din no. Magpapagawa sya ng bahay at pareho kayo ng taste ha." Nakangising wika ng kaibigan sa kanya.

"Ano palang plano mo at biglaan kang bumalik dito? Hindi ka nagpasabi ,edi pinaghanda sana kita ng banda sa airport" natatawang wika nito

"Madami akong plano. At uumpisahan ko yun sa kompanya ni Daddy. Kailangan ko ang tulong mo kaya ako nandito."

"Ano naman ang maitutulong ko? Ano ba ang plano mo?"
Naguguluhang wika nito.

"I need a shares of all board of directors in FZM's corp. I want also to establish a building near from them as soon as possible to compete and win."

"You mean pababagsakin mo si tito at kukunin ang kompanya nya? "
Naguguluhan pa ring wika nito at kunot nuong tiningnan sya ng masama.

"Definitely. I will do my best to make him suffer really hard. Kukuhanin ko ang lahat ng kayaman nya at wala akong ititirang kahit na ano."

Mon Soleil (My Sun)Where stories live. Discover now