Chapter 9

19 10 1
                                    

Handrix Del Valle

Sinundan nya ng tingin ang papalayong si Flyrr hanggang sa maupo ito sa kaninang lamesa na pinanggalingan nila.
Saka lamang huminto ang malakas na kabog ng kanyang dibdib. Napatingin din sya sa gawi nina Gabby na nakatitig din kay Flyrr. Medyo nainis sya sa isiping baka gusto ng kaibigan ang babae.

Inisang lagok nya ang laman ng kopita at naglakad pabalik sa lamesa kung saan sya nakaupo kanina at nakihalubilo sa mga naroon.

"Bakit hindi na lang si Gabby ang gawin mong kasintahan iha"
Wika ng isang businesswoman na naroon.

"Oo nga iha, bagay na bagay naman kayo. Maganda at gwapo."tugon naman ng asawa nito sa gilid at isang halakhak ang namutawi mula sa amang si Philip.

"Ewan ko ba dito kay Flyrr at ayaw pa magnobyo , tumatanda na din naman sya" sang ayon din ng ama.
Hinawakan nya ng mahigpit ang kopita ng alak sa inis sa mga naririnig.

"Naku, magkaibigan lang po kami ni Gabby, diba?" Taas kilay na wika ni flyrr dito dahilan para sumang ayon ang kaibigan.

"Opo. Magkaibigan lang kami"
Ngiting wika nito
Napansin nya din ang pagpukol ng mga titig ng mag asawang fillego sa babae.
Nagsitawanan naman ang mga naroon subalit pilit pa din silang pinagkakaisahan.
Nagngingitngit na umalis sya sa party sapagkat wala ng dahilan para manatili pa roon.

Dumiretso sya ng parking lot at napagdesisyonan ng umuwi. Tunog ng kanyang cellphone ang nagpaantala sa kanya sa pagbubukas ng pinto ng kotse.

"Hello, what's the problem?"
Wika nya sa kabilang linya at inaabagan ang sasabihin ng tauhan na si Miguel.

"Sir, pinasabog ang Min Yung enterprises at naambush ang mga kasamahan ko ng mga terorista. Halos kalahati ng building ang nawasak. Nakitaan din ng mga shabu ang mga empleyado roon kaya nakatutok ang mata sa atin ng gobyerno."
Wika ni Miguel sa kabilang linya. Si Miguel ang isa sa pinagkakatiwalaan nyang tauhan na kaibigan na din ang turing nya.
Naiinis na sinipa nya ang gulong ng sasakyan at huminga ng malalim.

"Sige babalik ako dyan next week. Hinahamon talaga tayo ng bwiset na Leon na yan. Alam kong sya ang may kagagawan ng lahat ng ito. Gawin nyo muna ang lahat ng magagawa nyo. "
Inis na wika niya at sumandal sa kotse. Pinatay  nya ang tawag  ng mapansin si flyrr na palabas ng party.

"Aalis ka? Saan ka pupunta? Iiwan mo na lang ng ganun ang kompanya ko? Hindi ko hahayaang masayang ang mga pinaghirapan ko!"

Naiinis na wika ng babae sa kabila ng pamumungay ng mata dahil sa kalasingan.

"Why are you here? Hindi ka ba nag eenjoy sa loob?"
Tiim bagang na wika nya dito sapagkat kita nya naman kanina na ang lawak ng ngiti nito sa mga guest.

"Hindi! Sagutin mo ang tanong ko. Babalik kana sa france?"
Kunot nuong turan nito at sumandal sa sasakyan na kaharap ng kotse nya. Magkaharapan silang nakasandal subalit hindi gaanong maliwanag sa lugar na iyon kaya malaya nyang natitigan ang mukha ng babae. Papikit pikit na din ito dala ng kalasingan at sa kabila ng pagkahilo na nararamdaman.

"Aalis nga ako, may magagawa ka ba?"
Aniya na nakapagpakunot lalo ng nuo nito.

"Hindi ka pwedeng umalis hanggat hindi mo pinapabalik ang mga suppliers ko. Mauubos ang kita ng kompanya at mawawala ang lahat ng aking pinaghirapan."
Sunod sunod na wika nito at pilit tumayo ng maayos at lumapit sa kanya.

"Yun naman ang plano ko diba. Wala kanang magagawa dun, ibenta mo nalang din sa akin para hindi masayang ang kompanya mo. "

Aniya dito at akmang bubuksan na nya ang pinto ng hawakan sya nito sa braso. Napatingin sya sa kamay nito ng dumaloy ang malakuryenteng boltahe na nakapagpabilis ng tibok ng kanyang puso. Pilit nyang inaalis ang kamay nito subalit mahigpit ang hawak nito at kung piilitin nyang hablutin ang kanyang braso baka maging dahilan ng pagkabagsak nito sa kalasingan.

"Plea---se naman . Kung galit ka sa ama mo wag mo ako idamayyyyy. Hindi naman ni daddy gusto ang n--nnangyyari.
Utal utal na anas nito sa kanya.

"Get off me. I need to go. Umuwi kana sa inyo at lasing kana!"
Wika nya dito at pilit inalis muli  ang kamay nito dahilan para mapasubsob ito sa dibdib nya. Mabilis nyang hinawakan ang baywang nito para hindi mahulog sa sahig. Tinapik nya din ang pisngi nito para bumalik sa katinuan subalit nanatili itong nakapikit.

Naiinis na isinakay nya si flyrr sa kotse at naghanap ng pwede nyang makita kung saan ito nakatira.
Kung mamalasin nga naman . Hindi nya pwedeng dalhin ito sa bahay ng ama sapagkat naiinis pa din sya sa daddy nya.

Wala syang naggawa kundi ang paandarin ang sasakyan at dalhin nalang ito sa bahay nya. Hindi nya ito pwedeng iwanan nalang basta at baka may mangyaring masama pa dito.

Dahan dahan nya itong inihiga sa sofa sa sala malapit sa kwarto nya at tinawag ang maid at pinakuha ng malamig na tubig.
Nagsuka pa ito sa damit kaya hinanapan nya din ng pamalit .
Wala syang mahanap kaya ang jogging pants nya at damit ang mas maayos na pwede nitong isuot. Humanap sya ng mas kakasya dito upang maging komportable sa pagtulog.

Naligo muna sya bago lumabas at pinuntahan na ang babae . Pinupunasan ito ng dalawang maid na naroon at di alintana ang presensya nya.

"Ang gandang bata naman nito. Palagay ko girlfriend ito ni sir."
Natutuwang wika ng maid isang maid sa kausap.

"Siguro nga,  ngayon lang nagdala ng babae dito si sir ei. At sya pa mismo ang nagbuhat samantalang pwede nya naman ipabuhat ito sa mga security o sa butler nya.".
Turan din nung isa

Saka lamang sya lumapit sa mga ito na may simpleng ngiti sa labi na lalong nakapagpalaki ng mata ng dalawa.

"Ako na ang bahala dito, Lea at Chin. Magpahinga na kayo."
wika nya sa mga ito..
Nagbungisngisan pa ito habang naglalakad papalayo sa kanya at naiiling lamang na sinundan nya ito ng tingin.

Binuhat nya ito sa kwarto at inalalayan na makahiga sa kama. Nasapo nya ang ulo ng mapansin na dati pa pala ang suot nitong damit. Hindi pa din ito nakakapagpalit kaya amoy pa din ang suka nito.
Hindi na nya pwedeng pabalikin ang dalawa at pinagpahinga na nya ang mga ito. Naiinis na napatingin sya sa suot ng dalaga. Wala na syang choice kundi ang bihisan ito. Pinatay nya ang ilaw at ang lampshade nalang ang binuhay nya . Daham dahan nyang hinubad ang damit nito kasabay ang pagbukas muli ng ilaw.
Gulat na napatayo sya sa kamang inuupuan at kumuha ng kumot pantakip sa katawan ng dalaga.

"Ano iho ang ginagawa mo? Sino ang babaeng iyan at bakit hinuhubadan mo ay tulog?"
Kunot nuong tanong ni yaya bebang na nagpalaki na halos sa kanya.

"Yaya bat nanggugulat naman kayo. Binibihisan ko sya at di na ako nang abala pa ng maid."
Wika nya dito sa kabila ng kaba.

"Girlfriend mo ba to?"
Pinaningkitan sya nito ng mata.

"Hindi yaya. Sya pala yung inampon ni papa. Flyrr Montero". Wika nya dito.

"Aba kagandang bata. Type mo?"
Ngising wika nito at tinaasan sya ng kilay.

"Yaya anong pinagsasasabi nyo?"
Tangging wika nya dito at lalong nagpabilis ng tibok ng puso nya.

"Iho, kilala kita mula pagkabata. Ako na ang nagpalaki sa iyo kaya hindi mo ako maloloko. Sabi pati nina lea at chin, iba ang ngiti mo kanina. Kaya pumunta ako dito. Ako na ang magbibihis dito."
Wika ng matanda sa kanya at tiningnan sya ng nanunukat .

"Sige po. " wika nya din dito at patay malisyang tiningnan ang matanda.

"Ano pang ginagawa mo dito. Labas na at bibihisan ko ito."

Pinaningkitan uli sya ng mata ng matanda kaya wala syang naggawa kundi ang lumabas. Saka lamang sya nakahinga ng maluwag ng maisara na nya ang pinto.

Mon Soleil (My Sun)Where stories live. Discover now