Chapter 6

26 16 0
                                    

Flyrr Zyvoe Montero

Maaga syang gumising para mag intindi at umattend ng meeting sa PDV  kasama ang mga board of directors at ang President ng kompanya. Sya ang vice president at ang ama ang president kaya kailangan na present  sya at aware sa mga mapag uusapan tungkol sa kompanya.

Iginiya sya ng babae sa counter patungo sa pagmimeetinga na opisina.
Pagdating nya doon, sa kanya lahat nakatutok ang atensyon ng mga ito.
Umupo sya sa gilid ng kanyang ama at pasimpleng bumati sa mga naroon.

Nagsimula na ang meeting subalit hindi pa din nadating si handrix. Ang inaasahan nya ay ito ang pupunta sapagkat nabili na nito ang tig 20 % ng share ng mga Gomez at Lapuz.

"Hindi malulugi ang kompanya at hindi mawawala ang ating mga pinaghirapan."
wika ng ama sa mga ito.

"Paanong hindi Mr. Del Valle, nabalitaan na namin ang nangyari. Pinapabagsak kana ng iyong anak at mas malaki ang impluwensya nito kesa sayo."
singit ng isang matandang lalaki na kasama sa meeting

"Hindi tayo basta basta mapabagsak basta tayo ay magtutulungan. Kinakailangan ko kayo sa kompanya ."
Giit pa din ng ama na nakakunot na ang nuo. Hindi nya masisisi ang mga ito sapagkat malaking pera ang mawawala kung sakali.

"Hindi kami susugal sa kompanya Mr. Del Valle. Mahirap kalaban ang inyong anak kaya sa mas safe kami. Mas mataas na ang porsyento ng itinaas na kita ng HDV kaya doon na lamang kami. Binibili ang aming shares at dun kami balak kunin ng inyong anak. Pasensya na Mr. Del Valle. "
Nagsi-alisan na ang mga ito kasabay naman ng pagpasok ni Gabby Fillego sa loob.

"Sorry I' m late. Tito Pinapunta ako dito ni Handrix upang iabot ito sa inyo. Nais nyang palitan kayo sa  posisyon bilang President sapagkat mas mataas na ang shares nya at kaya na nyang paikutin ito. Nabili na nya ang higit 70% sa mga board of directors . Ito ang mga documents na magpapatunay na sya na ang mas malaki ang naiambag sa kompanya."
Wika ni gabby at binalingan sya.

"Nasan si handrix iho? Bakit hindi sya ang pumunta dito"
malumanay pa ding wika ng ama

"Tito, masakit ang katawan ni handrix. May pumasok na tao sa bahay nya at nabugbog sya. By the way Ms. Montero pakibalik ng files at disenyo ng bahay ni Handrix."
Wika nito at masamang tingin ang ipinukol sa kanya. Nagpalipat lipat naman ang tingin ng kanyang ama sa kanilang dalawa.

"Ibabalik kona mamaya."
irap nya dito at naiinis na nakipag sukatan ng tingin

"Have a good day tito. Pupunta si Handrix dito as soon as possible. Pag magaling na sya. Have a nice day to you Ms. Montero."
Umalis na ito sa silid at silang dalawa na lamang ng ama ang naiwan.
Pinukol sya ng ama ng masamang tingin na nagpabalisa sa kanya.

"Dad hindi ko naman sinasadya. Self deffense yung ginawa ko"
Pagkakaila nya at batid nyang may ideya na ito sa kanyang ginawa.

"Next time  mag iingat ka at ayaw kong may mapahamak isa man sa inyo ni handrix."
naiiling na wika ng ama at ginulo ang buhok nya bago lumisan sa silid.

Umalis na din sya sa silid at dumiretso sa opisina nya.
Pinatawagan nya kay Eunice lahat ng mga board of diretors para makumbinsi nya ito ng maayos.
Kailangang gumawa din sya ng paraan para sa ama at para sa kompanya.

Sa tagal ng magkasama nilang mag ama, hindi nya kinakitaan na itinuring syang iba nito. Pinag aral at binigyan ng maayos na buhay. Batid nyang hindi sya tunay na anak ng kanyang daddy, minahal na nya din ito. Sya ang madalas kasama nito sa mga oras ng kalungkutan at pangungulila. Paminsan minsan lamang kase ito bumisita sa France sapagkat may mga pinamamahalaang mga negosyo. Hanggang sa si Handrix na din lamang ang hinayaan nya para magmanage ng mga ito at magpalawig. Natatanging ang PDV ang nais nitong imanage kung kaya hinayaan na din sya ni Handrix.

Nung nakaraang buwan lamang ay lumipad papunta sa France ang ama para bisitahin ang anak at nagkagulo gulo na ang lahat. Nalaman nyang pinag aaway ni Leon ang mag amang Del Valle sapagkat matagal ng may galit ito sa amang si Philip. Pinababagsak din ito na Handrix at halos kalahati na ang nakuha nito sa lalaki. Sa inis ni Leon, sinabi nito kay Handrix na ang ama nito ang may kagagawan kaya naambush ang sinasakyan nitong kotse. Nagalit ang binata sa ama at maging kay Leon.

Isang katok sa pinto ang magpabalik sa diwa nya. Pumasok sa loob si Eunice na may dala na namang papeles na dapat pirmahan.

"Miss sumagot na sina Mr Fuego at Mrs Langit. Nandyan na ang exact na lugar kung saan kayo magkikita. Sasama pa ba ako sa inyo Miss?"

Iniabot ni Eunice ang isang medyo maliit na card kung saan nakalagay ang pangalan ng restaurant na kanyang pupuntahan.

Medyo malapit lang kaya hindi na nya kailangan ng mahabang preparasyon para dito.

"Wag mo na akong samahan. Maiwan kana dito at sayo ko muna ihahabilin ang mga gawain dito"
saad nya dito at tiningnan ang oras sa relo. Tumayo na din sya at naghanda para sa pupuntahan.

"Ms Montero, hindi talaga namin handang isakripisyo ang matitirang halaga ng aming pera. May mga anak akong nag aaral at kailangan ko iyong tustusan. Kung ilang buwan pa bago tayo makabangon, baka hindi na kayanin ng budget ko ito."

Nandito sya ngayon sa restaurant kung saan ang napag usapan. Sinusubukan nyang kumbinsihin ang ibang board of director upang sa ganun ay hindi mabawasan ang pera sa kompanya na nagmula sa shares ng mga ito. Lalo lamang guguho ang kompanya pag naubos ang budget at nawalan ng stockholder.

"Mr Fuego marami na din ang naiambag sa inyo ng kompanya ni Daddy. Ngayong kailangan nya kayo, ngayon pa kayo aalis?"
wika nya dito ng mahinahong wika

"Im sorry Miss Montero, pamilya ang uunahin ko sa mga ganitong sitwasyon. Wala din naman tayong laban kay Handrix sapagkat mas maimpluwensya sya. Ang mabuting gawin nyo na lamang ay ang makipag ayos sa kay Handrix para hindi tayo pare parehong nagigipit at namomroblema."
saad nito at tumayo na sa inuupuan.

"Maraming salamat Miss Montero, Pasensya na din at hindi kita napagbigyan."

Naiinis na sinundan nya ng tingin ang lalaking lumabas mula sa restaurant. Wala na talaga syang magagawa.

Mon Soleil (My Sun)Where stories live. Discover now