Ken's POV
"Anong ginagawa mo dito? Dito ka nakatira?" tanong nya sakin. Nasobrahan naman ata sa hyper tong si Billie.
"Hindi. May dinalaw lang ako." sabi ko sa kanya.
"Ikaw, anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.
"Yung CEO kasi ng kumpanya namin dito nakatira, mag so-sorry lang sana ko dahil hindi maganda yung naging unang araw ko kanina." sabi nya naman.
"Anong pangalan?" may kutob kasi akong kilala ko na kung sino man ang tinutukoy nya.
"Ma'am Daniela" sabi na eh.
"Sige na Billie. Gagabihin na ko masyado e. Kung ako sayo bukas nalang ako hihingi ng paumanhin dyan sa boss mo."
"Talaga? Sa tingin mo din?" tumango lang ako.
"Sige na nga. Tara sabay na tayo." nagsimula na kaming maglakad palabas sa highway.
Hindi pa rin sya nagbabago. Ubod pa din ng daldal. Natatawa naman ako sa ibang kwento nya pero ewan ko ba, sumasagi pa rin sa isip ko yung nangyari kanina samin ni Daniela.
Napapangiti na lang ako pag naaalala ko.
"--tapos ayun pinalabas nya na lang ako." pagtatapos ni Billie. Kinukwento nya kasi yung unang araw nya kanina.
"Feeling ko mag me-menopause na yun si Ma'am kaya ubod ng sungit. O kaya baka walang lovelife.
Pero maganda sya eh. Imposibleng wala syang lovelife" sabi nya habang patuloy lang na naglalakad. Pa sway sway pa yung kamay nya.
"Alam mo, hindi naman porket masungit eh masama ng tao baka may pinagdadaanan lang."
"Aba aba, Ken Chan!!! Hahaha makapag salita. Kilala mo ba si Ma'am Daniela? Kanina mo pa pinagtatanggol eh."
Umiling naman ako.
"Basta naiinis ako sa kanya. Kahit maganda sya, iba parin yung maganda na may mabuting puso."
Hahahaha kung naririnig lang ni Daniela ang sinasabi nitong si Billie alam ko na ang sasabihin nun.
"Wala akong pake." Yan. Hahahaha.
Pagdating namin sa highway ay parehas kaming sumakay ng bus. Sa pagkakaalala ko ay malapit lang din naman sya sa kung saan ako bababa.
Kaklase ko sya nung 4th year high school, we used to be so close that time kasi umamin sya sakin na gusto nya ko at para daw mawala yung pagkagusto nya sakin ay gusto nyang mas maging close kami.
Hanggang sa grumaduate kami ay may sinabi sya sakin. Hindi daw nya nagawang tanggalin yung pagkagusto nya sakin.
Pagbaba namin sa Monumento ay inaya nya muna kong kumain ng fishball.
Namiss ko rin ang fishball kaya naman pumayag na ko."Grabe namiss ko 'to." sabi nya habang may lamang fishball pa ang bibig nya.
Naisip ko na naman si Daniela. Magagawa nya kayang kumain sa ganto?
Napailing na naman ako. Syempre hindi Ken Chan. Daniela yun eh.
Pagkatapos namin ay dumiretso na kami sa sakayan ng jeep. Dun na kami maghihiwalay.
"Uy Ken, salamat ha. Nag enjoy akong nakausap ulit kita." nakangiti nyang sabi.
"Halata nga. Hahaha sige na. Ingat ka!" sabi ko sabay talikod sa kanya.
Habang naglalakad ako ay hindi parin nawawala sa isip ko si Daniela. Jusko hanggang Monumento ba naman Daniela. Magpahinga ka naman, kanina kapa tumatakbo sa isip ko.