Daniela's Escort: Fourteen

986 46 32
                                    

Daniela's POV

Habang pinapatulog ko si Kendy ay naalala ko na naman ang naging pagkikita namin ni Ken kanina.

Malaki ang pasasalamat ko kay Ken dahil sa binigyan nya ko ng isang anghel. Pero hindi ko makakalimutan kung paano ako naghirap nung mga panahong pinagbubuntis ko si Kendy. Nung mga panahong kailangan ko sya.

Wala akong kasama nung mga panahong nahihirapan ako, muntik pa kong duguin isang beses.

Akala ko pag pinuntahan ko sya, magiging ayos na ang lahat. Kasi sabi ko sa sarili ko masyado na kong mataas, masyado na kong nagpapakain sa pride ko, kaya naisipan ko syang puntahan.

Pero anong naabutan ko, kayakap nya yung empleyado ko. Si Billie. Tahimik akong umiyak sa loob ng kotse ko nun.

"Bakit ko pa ba kasi sya pinuntahan? Eh hindi nya nga man lang ako nakamusta pagkatapos ng gabing yon. Hindi nya ba man lang naisip na baka pride ko lang ang umiral nung gabing yon. Na baka mas kailangan ko lang ng patunay na mahal nya ko kasi hirap akong magtiwala sa ibang tao." yan yung eksaktong nasabi ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.

Kahit kailan ay hindi ako nainggit sa isang tao. Pero nung nakita ko sila, nakaramdam ako ng inggit kay Billie.

Ako yung mas higit na nangangailangan ng yakap nya nung gabing yon. Na sana ako nalang, ako nalang yung yinayakap nya.

Kaso iba pala talaga yung sinasabi ng bibig, sa ginagawa. The next thing happened ay naramdaman kong may umagos na dugo sa hita ko.

Kahit naiiyak ako, kahit hindi ko alam ang gagawin ko, ay nag drive ako papunta sa ospital. I was crying for help kasi hindi ko kayang lumabas, baka bigla nalang lumabas yung anak ko. Mabuti nalang may nagbuhat saming nurse papasok.

Mas ramdam ko yung sakit ng puso ko nung gabing yon kesa sa sakit ng tyan ko.

Mabuti nalang hindi nawala yung anak ko sakin. Napaka buti ng Dyos na hindi nya kinuha yung nag iisang taong inaasahan kong makakasama ko habambuhay.

"Anak, pasensya kana ha. Kung dahil sakin ay lalaki kang walang kinikilalang ama. Don't worry, I will try my best para maparamdam sayo ang pagmamahal ng magulang."

Hinalikan ko sya noo at saka ipinikit ang mga mata ko.

----

"Mommy..." rinig kong tawag sakin ni Kendy. Tinatapik nya ko sa mukha ko.

"Good morning sweetheart." at kiniss ko sya sa pisngi.

"Tuybash" bulong nya habang isinisiksik ang sarili sakin. Ibinangon ko na ang sarili ko saka binuhat sya papunta sa bathroom.

Pagpasok namin sa bathroom ay agad kong kinuha ang maliit na toothbrush.

"Say ihhhhhh." tinooth brush ko ang mga ngipin nya habang patuloy syang nag  mumurmur ng kung ano ano.

Pakadaldal ng anak ko.

After namin nun ay lumabas na sya at naiwan ako sa loob. Skin care routine, of course 

Paglabas ko ay suot suot na naman nya yung heels na gamit ko kagabi. Jusko, bata palang alam ko na kung anong future nya hahahah. Tama yan anak.

"Sweetheart, I told you not to wear this diba?" sabi ko ng makalapit sa kanya.

"Give me a kiss." she gave me a quick smooch.

"What's your name again?" Madalas ko talagang tanungin ito sa kanya tuwing umaga. Para masanay syang sumagot pag may nagtanong sa kanya.

"Ken..."

Napailing naman ako. Sabi na eh, eto na naman natatandaan nya.

"Baby, its Kendra."

Daniela's EscortWhere stories live. Discover now