Daniela's Escort: Eighteen

1.3K 48 17
                                        

Ken's POV

"Ate Crush"

Napabalikwas ako sa kinayuyukuan ko ng marinig kong magsalita si Bea.

Gising na sya. Pero mas nagulat ako ng tumingin ako sa dako kung san sya nakatingin.

"Daniela?" lumapit sya kay Bea at saka nito hinawi ang buhok ni Bea.

"Mamaya na tayo mag usap Ken." sabi nya ng hindi tumitingin sakin. Nakangiti itong nakatingin kay Bea.

Kitang kita ko din sa mga mata ni Bea ang labis na kaligayahan na makita si Daniela.

"Wait lang, tatawagin ko lang yung doktor."
Sabi ko at saka lumabas. Paglabas ko ng kwartong yun ay napahawak ako sa dibdib ko.

Pano nya nalaman na nandito kami? At bakit sya nandito?

Napahawak ako sa mukha ko.

Nako Ken, hindi kana bente tres para mamula pa.

---
"Iha, you need stay here muna ng 1 night ha? Kailangan ka pa din naming obserbahan. But all your tests are ok naman, pero again reminder, wag masyadong matuwa, o wag masyadong malungkot. Learn to control your emotions iha, para hindi ka na nahihirapan. Ok?"

Tumango naman si Bea. Mabuti naman at bukas ay makakalabas na kami.

Lumabas na ang doktor at lumapit naman si Daniela kay Bea.

Kinuha ni Bea ang kamay ni Daniela. Hanggang ngayon talaga ay mahalaga sa kanya ang babaeng 'to. Well, parehas naman kaming nagmamahal sa kanya. Kung gaano ko sya minahal ay ganun din sya minahal ni Bea.

"Ate Crush, bakit ang tagal mong nawala?" ramdam ko sa boses ni Bea na anytime ay maiiyak na sya.

Umupo si Daniela at saka kinuha ang mga kamay ni Bea.

"Bea, kasi may inasikaso si Ate Crush. Actually, madami akong inasikaso." napaka lambot na naman ng boses ni Daniela. Bakit ba ganto sya kay Bea? Pero pag sakin laging nakasigaw.

"Namiss kita Ate Crush." tuluyan na ngang umiyak si Bea. Matagal nya kasi talagang ginustong makita si Daniela, sya kasi tong naipit saming dalawa.

"I'm sorry Bea. Me too, sa maikling panahon na nakasama kita, tinuring na din kitang kapatid. Kaso ayun nga, may kailangan lang talagang ayusin si Ate. Pero hindi naman na importante kung anong nangyari noon diba? Ang importante yung ngayon." nakangiting sabi ni Daniela.

Sana hindi na nya hayaang maging malapit sa kanya si Bea kung lalayuan nya lang din kaming parehas.

"Ate, may araw ba na naaalala mo ko?"

"Oo naman. Naalala mo yung panyo na nilagay ko noon sa likod mo? Nasakin pa din yun ngayon, at hanggang ngayon sa tuwing nakikita ko yun, naaalala kita."

"Ate crush, paglabas ko ba dito hindi mo na ko ulit pupuntahan? Kasi kung oo, dito na lang ako para lagi kitang makikita."

"Nako kailangan mo ng makalabas dito hahahaha." Tumawa ba sya? Oo nga tumawa sya.

Ano yung binubulong nya kay Bea? Bakit may pagbulong?

"Paglabas mo dito, sa bahay ko tayo didiretso. Kayo ng kuya mo."

Madaya tong dalawang 'to ah. May pagbulong pang nagaganap.

Ngumiti naman bigla sakin si Bea. Ano ba kasing binulong ni Daniela.

"Pahinga ka na muna Bea, mamaya ako magpapakain sayo ok?" tumango lang si Bea at pumikit na ulit.

Umupo naman sa tabi ko si Daniela.

Daniela's EscortWhere stories live. Discover now