Daniela's Escort: Two

1K 49 12
                                    

Ken's POV

Paglabas ko ng condo nya ay agad kong tiningnan ang oras. Mag aalas dos na din pala ng madaling araw.

Tiniklop ko ang perang binigay nya at saka nilagay yun sa bag ko.

Naglakad ako palabas ng condo at may nakasalubong na isang babae. Nginitian ko sya pero punong puno ng pagtataka ang mukha nya.

May dumi ba ko sa mukha? Hahahaha pero hinayaan ko na.

Lumabas na ko ng building at saka naglakad palabas ng highway. Naghintay ako ng bus at saka sumakay.

Kumuha ko ng dose pesos sa bulsa ko at ibinayad na ito.

"Monumento po." sabi ko sa kundoktor at inihilig na muna ang ulo ko sa bintana ng bus. Onti lang ang pasahero kaya medyo tahimik.

Pagbaba ko ng monumento ay sumakay pa ko ng jeep at isa pang tricycle. Masyado ng gabi pero parang ang sigla sigla pa rin ng katawan ko.

Pagdating ko sa apartment namin ay kumatok muna ko sa katabing bahay namin.

"Oh, Ken. Nandyan ka na pala." sabi sakin ni Lola Baby. Matagal na namin syang kapitbahay dito.

"Opo lola, pasensya na po kung nagising pa po kayo." sabi ko sa kanya habang pumapasok sa bahay nila. Dumiretso ako sa sala nila. Dun ko sya nakitang nakahiga.

"Tuwang tuwa na naman sya kanina Ken, nakakuha na naman sya ng star. Ayaw nya ngang hugasan ang braso nya dahil gusto nyang makita mo ang star nya." napangiti naman ako sa sinabi ni Lola Baby.

"Kumain na po ba kayo Lola?"

"Oo kumain na kami, ikaw ba?"

"Opo, sige po. Buhatin ko na po sya. Maraming salamat po sa pag aalaga sa kanya." Ngumiti naman si Lola Baby sakin. Pasimple naman akong kumuha ng dalawang libo sa bag ko.

"Lola, itabi nyo na po ito dyan. Pandagdag po." kahit kailan ay hindi humingi ng kapalit si Lola Baby sa ginagawa nyang pagbabantay kay Bea.

"Nako, apo. Itabi mo nalang ito dyan." Marahan akong umiling at isinarado ang kamay nya.

"Maraming salamat po." nakangiti kong sabi tsaka na binuhat si Bea.

Tulog na tulog na sya. Napaka-ganda nya talaga.

Si Bea. Ang babaeng pinaka importante sakin.

Ang babaeng hindi ko kayang mawala sakin. Ang bunso kong kapatid.

Simula ng mawala sina Papa at Mama ay kaming dalawa na lang ang naiwan. Dalawang taon palang noon si Bea ng mawala ang mga magulang namin. Kaya naman lumaki na talaga sya na ako lang ang kinikilalang pamilya. Sa ngayon ay anim na taon na sya.

Pagpasok namin sa bahay ay agad ko syang inihiga sa papag namin. Kitang kita ko ang mga stars sa braso nya. Napakagaling naman talaga ng kapatid ko.

Tumayo na muna ko at kumuha ng towel sa durabox nya. Isang kulay pink na may mukha ni Hello Kitty ang kinuha ko, saka ko ito nilagay sa likod nya. Ayaw na ayaw ko kasing natutuyuan sya ng pawis.

Hinawi ko ang buhok nya tsaka ko sya tinitigan. Napaka inosente talaga ng mukha nya.

Bigla nalang tumulo ang luha sa mga mata ko. Naaalala ko na naman yung panahon na muntik na syang mawala sakin.

---

Flashback (1 year ago)

"Ken, si Bea nahihirapang huminga." sabi ni Lola Baby sakin sa kabilang linya. Agad agad ko namang niligpit ang gamit ko saka ng out sa eskwelahang pinag tatrabahuhan ko.

Daniela's EscortWhere stories live. Discover now