Daniela's POV
Pagkatapos ng pag uusap namin na yun ni Ken ay nanatili muna ko ng ilang oras bago tuluyang umuwi.
Pag uwi ko ay naabutan ko si Billie na nakahiga sa tabi ni Kendy. May mabait na side pala 'tong si Billie. Well, ako din naman eh.
"Bitch, bitch." tapik ko sa kanya. Nagising naman sya at dahan dahang bumangon.
"Sorry ma'am. Nakatulog ako sa kama mo. Kakatulog lang din kasi ni Kendy, naglaro kami buong araw. Hahahaha."
"Sa labas tayo." sumunod naman sya sakin at umupo kami sa sofa.
"Nasabi mo na kay Ken?" pagsisimula nya.
"Jowa ko na sya." pagkasabi ko nun ay bigla syang tumawa. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Mali ba pagkakaintindi ko sa salitang jowa?
"Bat tumatawa ka?"
"Hahahaha sorry ma'am. Di ko lang in-expect na manggaling sayo yung word na jowa."
"Ang dami kong ibang natutunan simula ng dumating si Ken. Alam mo yun, bigla nyang binigyan ng ibang timpla yung buhay kong nakaplano na."
"Bakit kasi lahat pinlano mo na? Mas maganda kaya yung hindi mo pinlano tapos binigay sayo, surprise kumbaga."
"Sa buhay ko noon, everything is beautiful when its planned. Pero yun nga, we are always where we are meant to be. Planuhin mo man yan ng paulit ulit, kung hindi para sayo. Hindi para sayo."
"So, naniniwala ka na para sayo si Ken?"
"Gagawin ko lahat para maging para sakin sya."
"Ang baduy mo ma'am."
"Yes bitch, and it's all because of love. Anyway, be ready for your promotion. Bukod sa magiging maid of honor kita, i'll promote you pa."
"Maid of honor? Magpapakasal na kayo?"
"Yes. I planned to."
"Kala ko ba mas magandang hindi pinaplano, sabi mo kanina?"
"And I also said na gagawin ko lahat para maging para sakin sya."
Nagtawanan na lang kami. Nakaka-baduy pala pag inlove no? Hahahaha. Yung nagbabasa nito, baduy ka din wag ako.
---
Ken's POV
Lumapit ako kay Bea ng tawagin nya ko. Kakatapos ko lang syang pakainin.
"May gusto ka?" tanong ko sa kanya.
"Kuya, gusto mo bang malaman kung anong binulong sakin ni ate Daniela kanina?"
"Hindi na. Para sa inyo yung dalawa eh."
"Osige, sabi mo eh."
"Eto naman hindi mabiro. So ano nga?"
"Sabi nya dun na daw tayo didiretso sa bahay nya paglabas ko dito." nginitian nya naman ako pagkatapos sabihin yun. Kung ako nga nae-excite, ano pa kaya sya.
"Yes, sinabi nya na din sakin yan kaya dun na talaga tayo di-diretso. Gusto ko ding magpaalam sa anak nya eh. Balak ko ng pakasalan si Daniela, Bea."
"Kuya? Sinong anak? May anak na si Ate Crush?"
"Yes. 3 years old na daw sya. Hehe, cute no?"
"Anong name nya? Huhuhu grabe gusto ko ng makita pamangkin ko."
Pamangkin nya? Napaisip ako sa sinabi ni Bea. Biglang bumilis ang tibok ang puso ko. May kung ano akong nararamdaman..
"Ken...dy." sabi ko. Wait lang, sumasakit ulo ko. Bakit may iba akong pakiramdam.
