Third Person's POV
Mika Reyes and Ara Galang, 21 and 20 years old respectively. Nag-aaral ng kolehiyo sa DLSU.
Mga former player sila ng DLSU Women's Volleyball Team, pero ngayong 4th year na nila, napagdesisyunan nilang dalawa, sa basbas ni Coach Ramil, na tumigil na sa pag-lalaro para sa Unibersidad. Una, si Mika ay nanggaling sa isang injury na hanggang ngayon ay recurring ang sakit kahit na nakapag-therapy na ito at lahat. Pangalawa, pinili nilang maging mas pribado ag pagtuunan ng pansin ang future nila.
Mika, who is taking up BA Psychology, is now doing part-time sa team din nila dati ni Ara as their Psych Trainer, while si Ara naman kahit Entrepreneurship ang course, ay part ng coaching staff ng team nila, bilang Team Manager. Unang course ni Ara sa DLSU ay BA Sports Studies, na gusto niya talaga ngunit naisipan niyang magshift sa Entrep dahil tingin niya'y mas mapapalawak nito ang kapasidad niya sa pagsasama ng experience niya sa sports at sa business, pangarap niya kasi noon palang ay magkaroon ng isang business na ang target market ay mga atleta. Ito rin yung naging rason kung bakit napapayag nila si Coach Ramil, na hayaan silang magfocus na sa kanilang future. Maliban kasi sa may mga contract na pinipirmahan ang mga atleta na kailangan nilang magbigay ng service nila sa University for at least four years.
Mika's POV
Kakaalis lang namin ni Ara galing sa apartment namin, which isn't that far from the campus naman. Pwede pa rin naman kaming dalawang magstay sa dorm kasi kung tutuusin involved parin kami sa team, hindi nga lang as players. Minsan nagsstay parin kami sa dorm lalo na if mageextra sila sa training.
Isa rin kasi sa reasons namin ni Ara kaya namin napagdesisyunan na magstop sa paglalaro ay kasabay kasi ng usual routine namin as athletes dati na training-class-kain-tulog, iniisip namin parehas yung families namin sa Bulacan and Pampanga. Yung family ko, kahit na sabihin nating may maliit na food business, mas maganda na rin yung nakakatulong ako sakanila kahit sa maliit na paraan. Kina Ara, ganun din, maayos naman ang estado ng family niya, pero yun din ang isang naging rason kung bat kami nagtagal nang ganito, biruin nyo, mag 6 years na kaming naglolokohan....este nagmamahalan hahahah. Oo, high school palang kami nang magkakilala kami. Pero ayun parehas kasi kaming family-centered, tipong kahit marami kaming luho, aminado kami don, lalo ako, ay di namin nakakalimutang magbigay ng tulong sa families namin.
Kung may way naman kasi diba na makakatulong na kami sa families namin, while getting ready for our future, sama mo na yung nakakapag-aral parin kami ni Ara, at plus pang, andyan parin naman kami sa team namin na naging family na namin dito sa Manila, aayaw pa ba kami? Minsan nga too good to be true, pero sobrang daming blessings lang, na kahit ang daming mahihirap na challenges, andyan parin kami ni Ara, magkatabing matutulog at sasabihing, Mahiwaga, pipiliin ka araw-araw.
Tama na muna kwento ko, andito kasi ako sa office ng coaches sa Razon. May meeting kaming coaching staff and management. Biglaan nga eh. Si Ara andito na yun mamaya, galing kasi siyang class niya 2:30-4pm.
"Oh Yeye, ang aga natin ah!" sabay tawa niya at tumayo ako para mag-mano at yakapin siya
"Coach naman eh. Kahit naman nung naglalaro pa, laging early bird to noh" sabi ko kay coach habang kunwaring nagtatampo sa pang aasar niya
"Oo maaga, lalo na pag nagaaway kayo niyang poging yan" sabay nguso sa may bandang elevator
Andyan na pala si Ara, na ginawa nanamang headband yung salamin niya. Malamang wala nanamang dalang headband or panali ng buhok to pasaway talaga eh, gamitin ba sa ibang paraan ang may ibang use?
"Hi babe, good afternoon taaaaay!" masayang sabi ni Ara na medjo pasigaw pa kasi palapit palang ito samin. Pagdating nya naman ay nagbless siya agad kay coach, tas nagbeso na sakin at umupo sa tabi ko.
"Taas ng energy natin ngayon, Arabels ah!" si coach yan, if I know miss nya na talaga kami neto ni babe hahahaha char
"Tay naman, syempre namiss ko dito no. Wala nang floor burns at pasa heheheh" sabay kamot ng ulo nitong si Ara
"Ah, Tay. Parang may pinaparating tong si Vic oh. Parang gustong magka floor butn ngayon?" sabi ko naman para lokohin tong si Ara
"Hmm. Onga, parang gusto kitang i-one man ngayon, nakakamiss ka rin pagurin Ara eh" sabay ngiti ni coach may kasama pang smirk, akala ko dun na matatapos yung pangloloko ni coach kasi andyan na sila coach Noel at PT, pero may pahabol pa to "kaya ko pala kayo pinapunta ni Mika sa afternoon traning ngayon, lalaro kayo mamaya" sabay lakad niya papasok sa meeting room
Nagkatinginan nalang kami ni Ara, parehas na nagulat sabay sigaw ng "Aaaaah! Cooooooooach!" / "Weeeeeh Coach?" ngunit nilingon nya lang kami sabay labas ng training clothes na nasa dala niyang paper bag. San nanggaling yun? Mukhanh wala kaming takas ah
"Yeeee yoko maglaro huhu" sabay pout netong baby ko
"Babe lalo naman ako, tignan mo nga yung baby natin dito nakaumbok na!" sabay turo ko sa bilbil ko
"HAHAHAHAHAHAHHAHAHAH baby parang lumalaki ka diyan ah?" sabay hawak ni Ara sa bilbil ko tas pinisil pa ughhh epal talaga to
"Ugh parang nagbackfire sakin yung joke ko. Bala ka nga dyannnn. Tayo na, nasa room na sila" sabay tayo ko at bitbit na ng water bottle ko
Sumunod na rin si Ara sakin bitbit ang bag namin, oo namin. Isang bag lang dinadala namin usually, andun na lahat ng gamit namin. Hay para rin kaming magttraining lang, naka elite backpack siya, andun na rin pati readings namin. Salitan kami sa pagdala niyan, depende sino walang topak hehehe.
Pagpasok namin sa meeting room, umupo na rin kami at naglabas na ng planner namin for the meeting for sure marami nanamang ididiscuss at kailangan naming mai-take down lahat ng to. Lalo na si Ara bilang Team Manager ng team.
BINABASA MO ANG
Mahiwaga, Pipiliin Ka (KaRa Short Story)
FanfictionQuarantine szn brought me back to the 2013-2015 KaRa fangirling and shipping era. I've been on hiatus on fangirling since 2015, and I guess, #KaRaForever HAHAHAH -- Dalawang mag-aaral sa De La Salle University, habang tinatahak ang buhay bilang mga...