MIKA'S POV
"Hala ka ate A!!! Ano ginawa mo kay ate Ye!! Baka mamaya may baby na kayo ah" sino pa ba? edi si Kianna.
"Putek Ye, ang dami bang ipis sa apartment niyo?" sabat bigla ni Kimmy. Ugh sabi na eh, "pwede ma makabuo ng bingo diyan ah?" dagdag pa ni Camille.
Ayan sabi na eh, hahahaha. Eto naman kasing si Coach, gagawin nalang kaming guest player dito, may pa-skin and shirt pang nalalaman eh magkabila naman kami ng net nakapwesto. Nakita tuloy mga pinaglalagay netong si mahal sa katawan ko. Opo, puro hickey nga po ako.
Kung kelan talaga may ganto ako, tsaka ako napunta sa skin. Pero di sa kinakahiya ko kami ni mahal ah, pero ayun syempre puro asar ang abot namin dito 101% sure yan!
"Kimoy tama na, kagatin ka na ni Mika sa inis oh" aba at ang magaling na Victonara nakisali pa?
"Hoy Victonara, walang tatabi mamaya ah sinasabi ko sayo." pag balik ko sakanya ng pang aasar niya. "Coach tara na, laro na po tayo." di ko pinansin si Ara na tinutusok tong tagiliran ko ngayon, mag-sosorry to malamang.
"Babe, sorry na hehehe bagay naman sayo eh. Tsaka kita mo di nila napansin yung bilbil mo" bulong niya sakin. Minsan di ko rin magets dito eh grrrr.
"Shh tama na, laro nalang tayo. Talunin ko kayoooo" sabay punta ko sa court kasi pumito na si coach Noel.
THIRD PERSON'S POV
Kahit na puro pang-aasar ang nakuha ni Mika ay alam niya namang nangloloko lang ang mga ito at walang halong judgement. Nagsimula na ang game at kalagitnaan na ng second set.
Magsserve na si Des, meaning nasa zone 4 si Kimmy while si Mika nasa zone 3. Nasa likod na si Kimmy ni Mika dahil one na na-release na ni Des ang bola para magserve ay siyang lilipat na si Kimmy sa base zone niya, sa zone 2.
"Ye, dami niyan masyado. Mukhang napahaba ah?" sino pa ba edi si Kimmy.
"Shh na Kimmy. Kakagatin kita sa balikat nang matigil ka, you want?" sagot ni Mika sa teammate niya.
"Hahahahhaha Ye, char char lang. Kaya pala medjo mabagal tumakbo si Vic ngayon ah.. napagod masyado kagabi" sagot ni Kim bago tuluyang tumakbo pa-zone 2.
Napuno ng asaran at pagloko kay Mika ang buong game na inabot ng 7 sets. Madalas ay umaabot talaga ng 7 sets kapag tune up, lalo na para makapaglaro ang lahat ng players, maging ang team B.
FF after cool down
"Babe akin na yung bag, kunin ko na pamalit natin" sabi ni Ara kay Mika pagtapos niyang tumayo galing sa last exercise nila
"Ayan oh kunin mo nalang" sagot naman ni Mika na parang inis parin kay Ara
"Ye wag na masungit, please? Tara na tayo na diyan"
di naman na naginarte si Mika, tumayo na ito at pumunta kung nasaan nakapatong ang bag nila [magpapabebe ka pa kasi Mika eh nako tong baklang toh HAHAHAH]
"Tay, una na kami ni Ye, wala kaming dalang gamit pang ligo eh." sabi ni Ara kay coach Ramil habang si Mikay ay nagsusuot na ng sapatos niyang panlakad.
"Osige, pero balik kayo mamaya. May team dinner, may budget galing sponsor eh, galing mo kasi 'nak eh!"
"Ha? May dinner? Tara mahal, wag na tayo umuwi may dinner daw!!" sabi ni Mika na nakarinig nanaman ng pagkain
"Yeye, uwi muna kayo. Mamaya pa namang 9pm eh, 8 palang oh. Gayak na kayo" sabi ni Coach kaya wala nang nagawa si Mika at nagpaalam nalang muna sila sa teammates nila
Pagkabukas ng makina ng kotse, ioon na dapat ni Ara ang aircon pero pinigilan siya ni Mika.
"Mahal basa pa tayo ng pawis, window nalang tayo malapit lang naman ang apartment"
BINABASA MO ANG
Mahiwaga, Pipiliin Ka (KaRa Short Story)
FanfictionQuarantine szn brought me back to the 2013-2015 KaRa fangirling and shipping era. I've been on hiatus on fangirling since 2015, and I guess, #KaRaForever HAHAHAH -- Dalawang mag-aaral sa De La Salle University, habang tinatahak ang buhay bilang mga...