4

186 8 0
                                    

ARA'S POV

Nagising nalang ako sa nag-aalarm kong phone at humihilik kong bebe dito sa tabi ko. Ang galing para bang nasa music orchestra yung hilik niya at tunog ng alarm ko hahahaha char lang baka masapak ako neto ni mahal mamaya.

Hay 11:30 na pala, inabot na rin kasi kami kanina, oo kanina, ng 2am sa MOA. Grabe, di ko inakala talaga. Team dinner lang naman kasi dapat yun, pero ayun. Patuloy nga ang blessings samin ni Mika. Kinukuha akong ambassador at si Mika naman ay gusto nila bilang model. Well hindi ganun kalaki ang kikitain kasi kung tutuusin di pa naman kami professional pareho pero malaking tulong na din ito.

Bilang team manager, na-make sure ko naman rin muna sa Underdog na papayag kami sa offer as long as hindi makakaabala sa iba pa naming responsibilities ni Mika. Turo yan sakin lagi ni Mika, na hindi kami dapat tumanggap ng more than what we can do. Kasi syempre maraming maccompromise eh, andyan yung pagiging scholar namin sa DLSU, yung time para magpahinga, time sa pamilya, at syempre yung time with the Lord. Kahit ganto kami kagago ni Ye, at ng mga kaibigan namin, never nawala sa amin yung number one priority namin, which is to put Him in the center of our relationship and life.

Kaya ayun, may presentation lang ako today sa isang class tapos nun wala naman nang gagawin. Baka pag uwi, mag ayos nalang kami ni Ye ng schedule namin.

Medjo napansin kong gumalaw na tong si Ye kaya hinila ko na sya para makayakap sakin. Ayan na nga, binalot na sakin ang braso at binti niya. Para na tuloy akong suman neto hahaha pero char aside, eto yung matagal ko nang naimagine na buhay namin ng mahal ko. Simple lang pero masaya. Alam ko namang di at all times puro happiness, pero ayun nga. Sa six years namin, I think masasabi kong sobrang tatag na namin. Sana lang talaga lahat ng challenges na darating ay maharap namin nang matapang at magkahawak kamay. Pangako namin yan, sa magulang namin, kay coach Ramil at sa batchmates namin sa team -- sila kasi yung family namin dito sa Manila, well pati naman ang teammates naming ibang batch pero syempre kami kami ung magkakakilala talaga dito eh.

"Hmm" unat ni Ye, tas matik na yan, kakapain nya yung mukha ko tas hahalikan ako. Yan ang good morning greeting niya sakin.

"Good morning mahal" bati ko sakanya at niyakap ko na rin siya pra mapalapit pa sya sakin lalo.

"Hihi good morning" ayan puro halik nanaman ako hay. Di ko ikakaila, kinikilig parin talaga ako sa mga ganito niya. Tinap ko yung braso niya "babe bangon na 'ko para makapag prepare pa, may presentation ako 1pm eh"

Agad naman siya kumawala sa yakap at pumikit uli. Hay antok pa to for sure. Pumasok nalang ako nang banyo at naligo na.

Paglabas kong banyo, may nakahanda nang damit ko. Well sa totoo lang, ako yung mas maporma saming dalawa, pero alam niya na kung ano yung mga usual na sinusuot ko kaya eto nakaayos na, nike na shirt, above the knee shorts at vans. Simple lang yung hinanda niya, kasi naman isang class lang din ang papasukan ko today.

Nagbihis na rin ako at paglabas ko aba ay may pagkain na, ibig sabihin bumangon na to agad pagpasok kong banyo. Usually kasi pag Saturdays na ako lang ang may class, tamad talaga bumangon si Mika. Pero parang nag iba ang ihip ng hangin hehehe

"Mahaaaal?" hanap ko sakanya, wala kasi sa kitchen eh.

"Babe bakit?" rinig kong sagot niya. San kaya yon?

"San kaaaa?" "Dito sa likod mahal. Sa labahan" wow parang misis na talaga hihihi ang landi Ara ha.

Pumunta nalang ako sa labahan at nakita ko andun nagbababad. Kakalaundry lang namin last week ah? "Bat ka naglalaba babe? Kaka-laundry lang natin ah?" "Ah, eh babe, di ko napansin yung date ngayon, 26 na pala, lamona monthly dalaw hehehe"

Ahhhh may visitor ang mahal ko. Nako di ako makaka 3 points mamaya chaaar hahaha paka-halay talaga @self

"Ahh ganun ba, maya na yan mahal babad mo muna para matanggal yung stain. Kain na po tayo" "Sige babe. Sunod nako" sabi niya sakin

Nilapitan ko siya at kiniss sa may temple niya, hehehe wala lang gusto ko lang siya ikiss. Tas dumiretso nako sa dining table namin. Maliit lang to, kasi nga diba apartment lang naman ang pinagtitirahan namin ni Ye ngayon.

Ff

After kumain nagsuot nako ng apron at naghugas na ng mga pinagkainan namin. Si Yeye andun bumalik na ata sa likod para maglaba.

Maya maya napansin kong 12:07 na, kailangan ko nang umalis kasi usapan namin ng groupmates ko, 12:30 mag meet kami para sa final run ng presentation namin. Pumasok nako sa kwarto at kinuha ang laptop tsaka file case ko, pati susi ng kotse.

Pag labas ko ng room, saktong paupo si Ye sa may sala.

"Babe pasok muna ako ah? Sama ka ba?" nakasanayan na kasi namin to. Minsan sasama yan pag Saturdays tas siya didiretsong grocery kapag may kailangan kami dito sa bahay, okaya tambay siya sa dorm namin dati hanggang matapos ang Sat class ko.

"Di na po mahal, tinatamad ako eh hehehe" sabay smile niya nang labas ang mga maliliit niyang ngipin.

"Sure ka?" "Yuppp!" "Sige. Text me if you need anything oki?" "Opo mahal kong bossing Vic!" Lumapit bako sakanya para magkiss. After nun, palabas nako ng main door nang maramdaman kong may humabol sa likod ko. Pag talikod ko naman, ayan na si Mika sa likod ko *tsup* at kiniss ako sa lips hayyy ang cute talaga

"Pang good luck lang sa presentation mo" sabay kindat nya sakin. "Sarap naman nun! Teka. Parang kulang pa ata?" sabay wiggle ko ng eyebrows ko dito. Tatawa tawa naman akong hinampas sa braso ni Mika pero kiniss naman ako uli *tsup*

"Okay na po iyon baka di ka na makarating ng school sige ka. Dali sakay na ng car. Ako na magbubukas ng gate"

Nailabas ko na ang kotse at bago nya isara ang gate, nagbaba ako ng bintana at bumusina, "Bye mahal. See you later!" at nag wave naman sakin si Mika.

12 minutes lang at nakarating nakong DLSU, buti walang traffic sa main road. Hanap nalang muna akong parking para maitext ko si Mika na nasa school nako, kaso pag kuha ko ng phone ko, patay ka Victonara.  Deadbatt!

Pag tingin ko sa orasan ng kotse 12:27 na. Kinuha ko na agad ang gamit ko at tumakbo na papuntang classroom namin.

12:30 sakto laaaaang! Clutch ka talaga Ara!

Nagsimula na kaming magmeeting at mag usap sa presentation, hanggang nagbunutan kami, pangatlong magppresent yung group namin. Tantsa ko mga 1:45 kami magsisimula sa presentation namin.

Ff

2:15pm, yan ang oras pagtingin ko sa wallclock ng classroom. Kakatapos lang ng group namin at agad nakong nagpaalam sa groupmates ko sabay congratulate at maganda ang naging outcome namin.

Pauwi nako nang naalala kong di pala ako nakapagtext kay Mika. For sure sermon ang abot ko dito. Baka nga tinatawagan nako nun eh.

2:45 pm, andito nako sa labas ng apartment. Natagalan kasi bumili pa akong food sa Red Ribbon na nadaanan ko. Di ko kasi alam kung may food ba kami sa bahay or wala at wala nga kasi akong dalang charger kasi one class lang naman ako today.

Bumusina ako dalawang beses pero walang nagbukas. Bumaba nalang ako ng kotse at binuksan ang gate. Nang maipark ko na yung kotse, sinara ko na rin yung gate at pumasok na sa main door namin. Aba tahimik dito ah? Wala ring pagkain sa dining table.

Nasa room siguro naliligo yun. Or baka tulog.

Uminom muna akong tubig bago pumasok sa room namin.

Pagpasok ko, ano to? Bakit.....



--
anong kaduktong? hulaan niyo chaaar hahaha

Mahiwaga, Pipiliin Ka (KaRa Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon