2

212 11 2
                                    

Third Person's POV

Training ng DLSU Women's Volleyball Team from 5:30 - 8:30pm. Bilang part pa rin ng team sila Mika at Ara, pumupunta sila to check on the team, pero hindi necessarily every training ay andiyan sila.

Part ng contract nila na kailangan magpunta sila at least 3 training schedules per week. Dahil off season naman ngayon, once a day traning nalang ang team, tuwing gabi from Monday to Saturday.

Minsan naman ay pinapatawag ni Coach Ramil si Mika kapag may mga gusto siyang iconsult dito, habang si Ara, on call rin minsan lalo na kapag may gustong makipag-partner sa team, o di kaya ay mga sponsors na pwedeng makausap. Ito yung naging way nila Mika at Ara para sabay nilang nagagawa ang pag-earn ng pera, at ang pagiging involved parin sa sport nila.

It has been two months since they started this set up. After nila magchampion last season, three months ago,  at saka nila kinausap ang coach nila, pati na rin ang teammates nila -- lalo na ang co-seniors nila sa team. Mahirap man isipin na wala nang Mika Reyes at Ara Galang na maglalaro sa loob ng court, everyone respected their decision.



Fast forward after ng meeting ng coaching staff

Malapit nang magstart ang training at unti unti nang dumadating ang mga players, gaya ng dati naexcite sila nang makitang andun sina Mika at Ara. Last week kasi yung huling dalaw sakanila ng dalawa, may ka-meeting kasi sina Ara at Mika na maaaring maging sponsor ng team. Kung bakit kasama si Mika sa meeting na yun? Dahil isa ring Clinical Psychologist ang kanilang nakausap. Si Sir Marcus Manalo, isang Professor sa University of the Philippines Diliman, na parte ng isang company ng sports ang kinatawan para makipag-ugnayan sq DLSU WVT.

A/N: si Sir Marcus po ay isa talagang Prof sa UP, na nagtuturo ng Sports Psych (pero the whole other story is fictional)

Nagbabatian na ang lahat habang ang mga seniors naman ay kasama ni Ara. Nagsimula na kasi si Ara na kausapin ang seniors nila ukol sa mga maaaring maging sponsor nila. Si Mika naman ay nasa kabilang side ng court, kausap si Coach Ramil tungkol rin sa company na naka-meeting nila, na gustong tumulong kay Yeye sa pagiging Psych Trainer nito sa team. Nabanggit ni Mika kay Coach Ramil na willing ang company na maglaan ng sessions upang mabuild pa lalo ang jelling ng team at ang in and off court relationship nila.

5:25pm na nang magwhistle si Asst. Coach. Noel. "prrrrrrrt" (looool hahahahahha basta pito yan). Unti unti nang nagpunta sa huddle ang team while sina Mika at Ara ay pumunta kay ate Lace, ang PT ng team para makipagkwentuhan muna.

"Oh sabi ni Coach Noel makikilaro daw kayo ngayon?" ssabi ni PT Lace sa dalawa

"Ahh, eh, oo daw. Nangbulaga nalang si coach" natatawang sabi ni Ara "nagpalusot pa nga kami ni Ye kanina na wala naman kaming gamit panlaro" dagdag nito

"kaso parang prepared si Tatay, may bitbit na paperbag na may dalang mga drifit at spandex" sabi naman ni Mika

"Hahaha yun yung mga reject na sample ng training jersey nila, alam ko nanggaling kasi yan si coach kanina sa OSD para magbigay nung jersey designs galing sa bagong supplier" dagdag na chika ni PT Lace

"Babe parang sinadya talaga ni Coach na maglaro tato ngayon no. Walang takas eh" sabay higa ni Mika sa isa sa mga bleachers, si ara naman naka sandal sa railings sa tapat ng bleachers.

Tinapik naman sila ni PT Lace bago tumayo "magbihis na kayo at diretso sa PT room, ako na magstretch sainyo. Baka mauwi sa landian pag kayong dalawa lang nagstretch eh" tatawa - tawang sambit ng PT nila.

Susunod na sana ang dalawa pero naalala bigla ni Ara wala pala silang sapatos na panlaro. "Mahal, may lusot pa tayo para di tayo maglaro mamaya." "Huh, ano pang lusot eh may damit na ngang binigay?" "may damit pero walang sapatos" sabay ngiting tagumpay ni Ara. "hahahah mahal, if I know, maghahanap yan si coach ng may extrang sapatos sa locker, dami nating kasize ng paa sa team eh" sabi ni Mika at tumayo na to papunta sa PT room.

Mahiwaga, Pipiliin Ka (KaRa Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon