A/N: pagpasensyahan na lang po ito.
"Kumusta na pakiramdam mo?" Tanong ng binatang nag-aruga sa kay Catherine mula ng mailigtas siya nito sa mga masasamang tao.
"Okay naman ako. Ang lalakas na nilang sumipa." Nakangiting saad ni Catherine sabay haplos sa napakalaki na niyang tiyan.
Tatlong buwan na ang kanyang pinagbubuntis, at mula ng dumating siya ay hindi pa siya nakakalabas ng bahay. Hindi talaga siya pinapayagang lumabas, dahil ang buong compound ay balot sa shield na siyang makakakumbli sa kanyang mga anak. Hindi pangkaraniwan ito ayon na din kay Nathaniel. Hindi pa nila alam kung kailan siya manganganak dahil hindi tao na umaabot ng siyam na buwan ang kanyang pinagbubuntis. Hanggang ngayon ay pinag-aaralan parin ito ni Nathaniel. Halos wala parin kasi siyang alam sa mga nilalang na nasa labas, lalo na nasunog ang lahat ng ukol dito na sinulat ng kanyang lolo, na tinatawag niyang papa.
Isang matalinong bata si Nathan, kaya naman gumagawa na ito ng paraan para makatulong sa mga bata. Sa hindi malamang dahilan, mahal niya ang mga ito na parang kanyang pamilya kahit hindi niya pa nakikita. Napakalaki ng lukso ng kanyang dugo sa mga ito. Kaya sa abot ng kanyang makakaya, gumagawa siya ng paraan. Isang batang scientist ang tawag sa kanya ni Butler Jacob at walang alam ang mga tao sa labas ng bahay tungkol sa kanyang talinong taglay.
"Mabuti naman kung gano'n." Sabi niya at humaplos na din sa tiyan ni Catherine. Natuwa siya ng biglang gumalaw ang mga ito. Alam na nilang hindi lang iisa ang pinagbubuntis ng dalagang ina. Hindi alam kung ilan ang sumipa, pero nakakatuwa sila. Maliban kay Catherine na nasasaktan kung minsan dahil ang lalakas ng mga batang nasa kanyang sinapupunan.
"Aray." Daing niya pa.
"Naku! Nainom mo na ba ang gatas mo?" Tanong ni Nathan na nag-aalala.
"Na-nakalimutan ko." Nauutal na sabi ni Catherine at hinaplos ang tiyan para huminahon ang mga bata. Nagawa niya naman ito pahinahunin.
"Sandali lang, kukunin ko. Sa pamamagitan kasi no'n, nababawasan ang kapangyarihan nila at nagiging tao na lang. Ginawa ko iyon para 'di ka mahirapan." Sabi nito at mabilis na pumasok sa loob ng bahay. Ilang sandali pa, may dala na itong isang tasa ng gatas. Mabilis na kinuha ni Catherine ang baso at sinimulang inumin.
Sa pag-inom niya, naramdaman niya agad na medyo naging maayos ang lagay niya. "Salamat Nathan."
"Walang ano man." Nakangiting sagot ng binata. "Oo nga pala, nagdagdag na din ako diyan ng pampalakas sayo. Hindi na lang lahat para sa bata. Kailangan ding lumakas ka."
Napangiti naman si Catherine dito. Napakabait nito at ang laki ng pasasalamat niya. Kung hindi dito, hindi niya alam kung saan sila pupulutin ng mga anak niya.
"Sige, dito ka na muna. Aayosin ko na ang silid na pag-aanakan mo." Napakunot agad ang noo ni Catherine sa sinabi ng binata.
"Bakit aayosin na?" Kinakabahan niyang tanong.
"Nararamdaman ko kasing malapit ka ng manganak. Kaya naman, mas mabuti ng handa tayo. Kami na ni Butler Jacob ang bahala sayo." Nakangiting sabi nito na nagpanatag sa kalooban ni Catherine. Nakakaramdam na siya ng kaba sa panganganak niya.
Iniwan siya ng binata na may maraming katanongan sa isipan. Maisisilang niya kaya ng maayos ang mga anak niya? Mapapalaki niya kaya sila ng tama? Handa na ba siyang maging ina? Magiging mabuti ba siyang ina? Mabibigyan niya ba ng magandang buhay ang mga ito? O maibibigay niya ba ang kompletong pamilya dito? Magkikita pa kaya sila?
Nang sumunod na araw, nagising siyang basa ang kanyang higaan. Sa pag-aakalng napaihi lang siya kaya pinilit niya ang sarili na tumayo at ayosin ang higaan. Pero kakaupo niya pa lang ng biglang bumukas ang pintuan. Kita niya doon ang nag-aalalang si Nathan.
BINABASA MO ANG
One K'night
WerewolfIsang gabi... Isang gabi, naramdaman ko ang kakaibang sarap sa puso ko. Isang gabi, pinadama niya sa akin ang langit sa buhay kong impyerno. Isang gabi, kung saan bumuo ako ng pangarap. Isang gabi, binigyan niya ako ng kasiyahan na panghabang-buhay...