two

975 34 15
                                    


"Arg!" I groaned. "Sh*t! My head hurts." Reklamo ko habang daing ang sakit ng ulo.

Alam kong hindi lang na natural na sakit iyon ng ulo. May bagay na nawawala sa akin na hindi ko alam.

"Inom pa kasi." Sabat ng isang boses sa aking kaliwa na hindi ko pinansin. Pagkatapos, may naamoy akong kakaiba sa kinahihigaan ko. Nawala ang sakit ng aking ulo.

"Hmm." I hummed in contentment, snuggling more to my pillow.

Ngayon ko lang naranasan ang ganito kapayapa, kahit sumakit pa ang ulo ko. Ang sarap din ng tulog ko pagkalipas nang ilang mga taon. I felt contented smelling the fruity scent from the pillow.

"Luc, wake up. Mahuhuli na tayo sa flight natin." I recognized the voice, ang bestfriend kong si Broze. Bawat umaga na lang ganyan s'ya, at ako naman ay pasaway na hindi s'ya sinusunod.

Pero iba ngayon, pakiramdam ko nakalunok ako ng napakaraming energy drink para mapadilat ako agad. Nakaramdam ako ng saya.

"Morning, Bronze." Nakangiti kong bati sa kanya, at kitang-kita ko kung paano napaawang ang kanyang bibig at hindi makapagsalita. Ngayon na lang kasi ako ulit napangiti, after having one night with a stranger.

'Di ko pinansin si bronze at napalingon ako sa aking tabi. Napakunot ang aking noo ng wala akong nakitang dalaga na may mala-karamel na balat.

"Where's the girl?" Nagtataka kung baling sa kasama ko sa silid.

"Just like the old times, binigyan ko ng pera panimula niya at pinaalis ko." Walang paki n'yang sabi na nagpagitla sa akin.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa samu't saring emosyon na bumagsak sa akin. Ang kaninang galak at saya ko ay biglang naglaho at napalitan ng lungkot at pangamba.

Namumuo na din ang galit sa aking puso. Nawala na din ang ngiti sa aking labi. Nabalot na naman ng kung anong lungkot ang puso ko. Isang gabi lang ako nakaramdam na saya.

"B-bakit?" Nanlulumo kong tanong.

"Anong bakit? Gano'n naman palagi ah. After, pinapaalis na natin sila at binibigyan ng bagong buhay." Baliwala niyang sabi na prente pang nakaupo sa pang-isahang upuan.

Napahinga ako ng malalim para pigilan ang aking sarili na masakal s'ya. May bagay s'yang nakalimutan.

"Sinabi ko ba?" Tanong ko.

"Ha?" Nagtaka pa sya. "Diba palagi naman gano'n, so I did it on my own." Tama s'ya, palagi ngang gano'n. Kahit sino mang babae, pagkatapos namin ay pinapaalis namin sila kasama ang perang sapat na pangsimula nila. Hahayaan kung saan nila gusto pumunta, basta wag na sa dating trabaho.

"Pero sinabi ko ba tulad ng sa iba?" Tanong ko na puno ng diin at tumingin sa kanyang mga mata. Kitang-kita ko kung paano siya napalunok, dahil alam kong naging mas matingkad na ang aking mata na kulay itim.

"B-bakit ka nagagalit?" Halata ang kanyang kaba sa kan'yang pagkabulol. Kita ko din ang pag-ikot ng mga mata nito, alam kong naghahanap siya ng malulusutan.

"Sagutin mo ako." Puno ng diin kong sabi.

"L-lucia, ginawa ko lang ang palagi mong ginagawa."

"Pero hindi ako mismo ang gumawa." Sigaw ko na, na alam kong maririnig sa kabila.

"Huminahon ka nga. Babae lang sya." Sabi niya na hindi ko ikinatuwa. Kumulo agad ang dugo ko.

Sa isang iglap, hawak ko na sya sa leeg at nakadiin na sya sa pader. Sakal ang kanyang leeg, wala akong pagsisi sa ginawa ko.

"Sinong nagsabing babae lang sya?" Tanong ko, pero ang kakaiba sa boses ko ay malalim ito. Lumabas na ang isa ko pang katauhan, ang wolf ko na kasama ko na pagkabata.

"L-lucia, n-nasasaktan ako." Nahihirapan siyang huminga na nagmamakaawa. Best friend ko sya pero hindi makakalampas itong nangyari. "Ha-hanapin k-ko siya." Kaya agad ko syang binitawan ng marinig ang kanyang sinabi.

Hawak ang leeg, habol ang paghinga, nakaupo sa sahig, na tumingin sya sa akin. Nasaktan ko man siya, wala iyon sa aking isip sa mga oras na 'yon.

"Gawin mo!" Sigaw ko utos gamit ang tinatawag na Alpha voice ko.

"Yes, alpha." Sagot nya na nanginginig pa.

Nagmamadali agad syang lumabas para gawin ang dapat. Alam nyang hindi ko ito palalampasin.

Napahilot ako sa akin sintido na naglakad muli sa kama, bumalik ang sakit ng aking ulo sa nangyari. Akala ko okay na pagkagising ko.

Isa-isa kong dinampot ang aking nagkalat na damit. Hindi ko man lang namalayang, hubo't hubad pa pala ako. Nauna na naman ang aking galit. Buti na lang, at napigilan ko pa ito. 'Di tulad ng dati ng ako'y sumabog, halos nasaktan ko ang lahat.

Napahinga ako ng malalim at napasya ng mag-ayos. 'Di ko kayang mawala sya, at kung bakit? Siya ang tao na akala ko hindi na darating pa sa akin.

Napakasaya ko kagabi dahil nahanap ko ang aking anghel, pero naglaho agad kinaumagahan. Parang panaginip lang, maliban sa naiwan niyang halimuyak.

Nakakapanlumo!

Nagmamadali akong nag-ayos para makatulong narin sa paghahanap. Alam kong bayad na lahat kaya tuloy-tuloy lang akong lumabas pagkatapos ko.

Paglabas ko, maraming sasakyan at gusali ang nandito. Iba't ibang ingay at iba-iba din ang amoy. Nakakabaliw ito para sa amin, hindi tulad sa isla na payapa at panay puno ang nandoon. May gusali man at sasakyan, 'di ganoon kapaminsala.

Mas malakas ang kakayahan ko sa iba, kaya inamoy ko ang hangin at baka may naiwan pa syang bakas ng nakaraang gabi. At tamang-tama lang, dahil merong napakanipis na amoy niya akong nasagap. Nabuhayan ako ng pag-asa.

Mabilis ko itong sinundan, at napadpad ako paliparan. Doon ko na din nakita si Bronze, naglalakad ito papalabas. At nang makita nya ako, mabilis syang pumunta sa akin.

"A-alpha, sorry po." Nakayuko nitong sabi at mukhang nakuha ko na ang ibig nyang sabihin.

"Ano ang nalaman mo?"

"Umalis na po sya agad. Tupad ng usapan."

"Papuntang?"

America, Alpha." Nakayuko n'yang sabi na nagpalumo sa akin.

Isang bagay lang ang nasasabi ko.

"'Di ko na makikita si Cathy, ang anghel ko, ang second mate ko."



A/N: Sobrang iksi nito. Dapat kasi, dugtong to sa first chap. Dahil tinamad ako, dito na lang. Hahaha, at dito din matitigil muna.
Magtatagpo ang oras nito at Alien Mate: The Lost Royalty, kaya para di spoil, doon muna.

One K'nightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon