three

1K 45 30
                                    

Ano ba ang pakiramdam ng malaya?

'Yon bang nagagawa mo ang gusto mo at walang namimilit sayo? 'Yong wala ka na sa lugar na sinasakal ka? Na hindi ka na gumagawa ng inuutos sayo?

'Yon ang naramdaman ko ng sunakay ako ng eroplano pasok ng America. Kahit alam kong pag pumasok ako, hindi na ako makakalabas pa. Akala ko kasi, malaya sa loob hindi tulad sa Europe. Baka makita ako ng amo ko dati at kunin ulit pag wala akong bahay at trabaho.

Nakahinga ako ng maluwag sa isiping iyon ng nakapasok na ako sa eroplano at makaalis ito.

Pero... may pakiramdam akong may naiwang parte ng pagkatao ko. Palaging laman ng isip ko ang babaeng nakaniig ko.

Pagkababa ko ng eroplano, naghanap agad ako ng matitirhan at mapapagtrabahuan. Pero hindi pala gano'n kadali pag wala kang pinag-aralan.

Minsan pa nga-

"Ma'am, kahit taga-hugas lang ng pinggan." Pakiusap ko sa isang Ale.

"Hindi pwede. Dapat may mga papeles ka." Masungit nitong sabi bago ako tinalikuran. Pero bago siya makaalis, narinig ko pa ang sinabi niya. "Ang bobo."

Nanlumo ako noong umalis.

Ilang ulit pa akong lumapit sa mga bahay-bahay. Bilang katulong o taga-linis. Pero lahat, hindi pwede.

Naghanap din ako ng matitirhan, pero hindi din pwede dahil may bilang pala sa bawat tirahan. Hindi pwede magpapasok ng hindi kilala.

Kaya naman, naranasan kong matulog sa kalsada kasama ng iilan.

"Bago ka lang dito ineng?" Tanong ng isang babae na palagay ko nasa tatlumpo na ang edad.

"Opo. Nakatakas po ako sa pinagtatrabahuan ko, at sumakay po ng eroplano papasok dito." Kwento ko pa.

"Isang napakamaling desyon na ginawa mo." Sabi nito at uminom ng tubig sa dalang bote.

"Ano po ang ibig niyong sabihin?" Nagtatakang tanong ko na nakakunot pa ang noo.

"Isa din akong galing sa labas, at anim na taon na ako nandito. Pag hindi ka kabilang dito, hindi ka bibigyan ng halaga. Nagsisi akong pumunta pa ako dito. Lalo na't mali din ang tinuturo nila." Sabi lang nito at tumayo na para makaalis. "Dito ka na muna magpalipas ng gabi, kukuha lang ako ng makakain." Sabi nito at ngumiti pa sa akin. Magaan ang loob ko sa kanya, pero may kaba din ako sa pag-alis niya.

Ngumiti na din ako at tinanaw na lang ang umalis na babae. Ni hindi ko man lang nakilala ang pangalan nito, pero hinayaan niya akong mahiga sa higaan niya.

Nakaramdam na din ako ng pagod, lalo na at wala pa akong maayos na pahinga simula ng bumaba ako ng eroplano. Pagkapikit ko pa lang, dinalaw na agad ako ng antok.

Pero hindi ko naisip na isang masamang pangyayari ang mangyayari sa akin.

"Mukhang bwenas tayo ngayon ah. May nadatnan din tayo dito." May narinig akong nagsalita, kaya napadilat ako agad.

Medyo palabo pa ng una, kaya kinusot ko ang aking mata. At nang makita ko na ng malinaw, doon ako kinabahan.

Tatlong lalaki ang nasa aking harapan, nasa dalawampu mahigit ang edad nila sa tansya ko. Nakaramdam ako ng kaba at takot sa nakikita ko sa kanilang mga mata. Para silang hayok, tulad ng mga lalaking nagsamantala sa akin. Alam na alam ko ang mga titig nila.

"A-ano pong kailangan niyo?" Nahihintakutan akong napaatras sa pader.

"Wala naman. Paliligayahin ka lang namin." Nakangising sabi ng isa pang lalaki.

One K'nightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon