Part 2

4 0 0
                                    

Al's Pov

" Welcome Sir ,Kami po ang representative  sa Tour Agency. Sundan niyo po kami kasi pupunta na po tayo sa Phuket Hotel kung saan kayo mag stay for 10 days" -girl1

" Thank you eto po pala yung agreement paper "

" Sige pakipirma po sir pati po itong hawak namin tapos sa inyo na po ito"-girl2

Pinirmahan ko na yung papers at sumunod sa kanila. Buti nalang nakapagpalit na ako ng Thai money kanina bago sila dumating. Dalawa silang babae na maghahatid sa akin sa hotel. Ang descent nila maglakad at magsalita,buti nalang Pinoy din sila akala ko kasi Thai hindi ko pa naman alam magsalita ng lengwahe nila Yung hello lang naiintindihan ko. Papunta na kami sa Hotel. Grabe yung experience ko sa pagsakay ng eroplano kanina. First time kong sumakay medyo nakakahilo pero nung tumagal hindi maman.

Halos mga 2hrs na biyahe bago kami makadating sa Phuket medyo malayo pala ito sa Bangkok. Kagagaling ko lang sa biyahe tapos biyahe ulit. Mga 9pm na ng makarating kami .

" Sir eto pala yung mga activities for next week na inclusions for your tour package, For your 1st 5 days po sa inyo po oras niyo tapos yung 2nd 5 days dhn na po magsisimula yung Tour Activities, We will update in the start day of the tour naman po at may susundo sa inyo sa simula ng Tour" -girl1

"And beside from that kasali din sa Tour package inclusions itong 25 free food coupons from the Hotel, Complete meals and desserts na po sya. Eclaim niyo nalang po siya sa Frontdesk" - girl2

" Thank You po ito po pala number ko incase po may gusto kayong eparemind sa akin"

Pagkatapos nilang isave number ko nagpaalam na sila. Wow ang ganda ng hotel na ito. Swerte talaga ako sa napili kong Tour Agency at higit dyan sa promo nila this december. Ang sarap maglibot sa kwartong ito may sariling veranda pa. Paglabas ko sa veranda naramdaman ko agad yung simoy ng hangin na nanggagaling sa dagat. Tama kayo ang hotel na ito ay malapit lang sa dagat. Nice ambiance para sa taong gustong magrelax .

Yung kwarto malawak naman saktong sakto sa akin. Pagtanaw ko sa baba may mga konting tao na naglakakad, may nagbobonfire din, at mga spotlight na nakalagay sa mga buhangin. Wait parang gusto kong maglakad ngayon na biglang nawala yung pagod ko sa biyahe.

Sinigurado kong nakalock yung pinto dito sa labas at nakalock yung pinto sa din sa veranda bago ako pumunta sa labas ng hotel. medyo mainit ng konti dito sa labas buti nalang nag short ako. Sa hotel kasi malamig pero sa labas hindi. Ang sarap sa feeling maganda yung setting ng hotel malapit sa beach. Maririnig dito yung hampas ng alon habang naglalakad ako. Yung ilaw ng buwan na nagpakislab sa tubig na magandang tingnan. Ang sarap pumikit habang nakataas ang kamay na naglakakad.

" Ouch are you blind?" - lalaki

sh*t may nabangga ako yan kasi naglalakad na nakapikit.

" Sorry I didn't notice you"

" Next time be careful " -lalaki

"yes I will , Im sorry"

Nakakahiya napa english tuloy ako buti hindi ako sinuntok nun. Hay makabalik na nga sa hotel anong oras na gusto ko ng matulog.


Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa mga mata ko. Hindi ko pala sinala yung kurtina sa veranda yun tuloy dumiretso yung sinag ng araw sa akin. Pumunta ako sa veranda para buksan ang pinto ng nabigla  ako sa nakita ko. Ang ganda ng beach mas magandang tingnan pag umaga. Mas maaliwalas palang titigan yung dagat kapag umaga. Mas maganda talaga kapag palaging may ilaw ka sa paligid mas nakikita mo ganda na hindi mo inakala.

Nagugutom na ako kaya hinanap ko yung food coupon at pumunta ako sa frondesk para mag claim ng pagkain.

" Hello Maam Can I order for food, here's my coupon"

I Believe It Was YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon