Al's Pov
7pm na pala ang sarap matulog sa malambot na kamang to. Pagkatapos kung maglakad lakad kaninang umaga nakatulog ako. At gabi na ng nagising ako, dumiretso ako sa veranda para magpahangin hindi talaga ako binibigo ng tanawin na ito. Ang ganda parin ng view kahit na gabi,pagtingin ko sa baba parang may party kasi maraming tao sa tabi ng hotel, mga nag iinuman, mga nakaupo sa paligid ng bonfire ,at may nagbabarbecue din. Magpapasko na kasi kaya maraming mga iba't ibang kulay ng ilaw sa paligid.
Pagkatapos kong kumain bumaba ako para tingnan kong anong nangyayari sa labas. May party nga pero nahihiya ako kaya naglakad lakad nalang ako sa gilid at napadpad nga ako sa medyo tahimik at walang tao.Hindi naman yata ako maliligaw ,hindi naman kalayuan ito sa hotel.
Hindi ako makapaniwala na nandito naa ako halos magtipid ako ng isang taon mula sa mga sinahod ko makapunta lang dito. Mahilig kasi akong manood ng mga Thai BL Movies and Series. Ayun kaya gusto ko nang pumunta dito sa Thailand. Pumunta din ako dito para makalimot sa mga problema at stress kahit papaano.
"Lord alam ko po na madami kaming humihiling sa inyo,kaya salamat kasi tunupad niyo po isa sa mga hiling ko,
May gusto lang po akong sabihin Bakit po sa tuwing natutulog ako palagi kong naiisip na hanggang dito lang po ako na palagi talo sa hamon ng buhay, alam ko naman pong lagi kaung nandiyan pero ansakit napo kasi ng nararamdaman ko.Pls. Lord kayo na po bahala sa akin,"Hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako habang nakaluhod sa buhangin.
"Hindi ko inaasahan na yung palabiro kong kausap kahapo at iyakin na ngayon"-Right
Agad akong tumayo pagkarinig ng boses nayun.
"Bakit ka nandito"
" Sa tingin ko hindi bawal na pumunta dito" -Right
"Sige mauna na ako"
Ish nakita niya ako sa sitwasyon na ganun.
"Teka sandali mukhang kailangan mo ng kausap" -Right
"Sandali narinig mo ba yung mga sinasabi ko dito kanina"
" Malakas boses mo kaya rinig na rinig ko narecord ko pa nga eh" -Right
"Anuba anong trip mo, edelete mo nga yan"
"Gusto kong magkwento ka muna tungkol dito sa mga narinig ko"-Right
Nakakabwisit siya biglang nagplay yung phone niya. Totoo nga sinasabi niya nirecord niya talaga.
"Ayoko"
pagkasabi ko nun ay agad akong tumalikod pero agad akong bumalik dahil sa sinabi niyang iuupload niya daw sa facebook ito.
" Ok lang wala namang nakakakilala sa akin dito sa Thailand"
" HAHA sa tingin ko may mga kaibigan ako sa Pinas na mukhang iuupload to, ang alam ko may sikat itong vlog at page sa fb at youtube" - Right
"Blina black mail mo ba ako"
"kung hindi ka magkwekwento " Right
" Sige na basta edelete mo nayan"
Nabwibwisit talaga ako sa kanya ngaun kung hindi lang dahil sa video na yun.
"So ano magkwento ka na ah" - Right
" Eto na po wait lang sus pati buhay ko gustong pakialaman"
Tungkol diyan..sa mga narinig mo..
" Kaya mo yan" -Right
" Bakit mo kasi gustong malaman?"
" Wala lang gusto ko lang na may kausap na pinoy namiss ko magtagalog" -Right
BINABASA MO ANG
I Believe It Was You
RomanceAl lived his life independently. A gay who believes that their is someone who will be his destiny that will love him. Al planned a trip vacation to Thailand to set himself free from stress and struggles. All he want is to experience the world throug...