Chapter 6

827 19 2
                                    

Samirah's POV

Halos mawalan na ako ng hininga kakatakbo para lang layasan ang anim na lalaki na humahabol sa akin.

Parang nalibot ko na ang buong subdivision para lang hindi nila ako mahuli. 

Galit na galit nila akong hinabol parang napuruhan ko sila parang hindi mga lalaki eh.

Parang konti nalang mahihimatay na ako dahil hindi na ako makahinga dahil sa pagtakbo. Huminto ako sa likod ng isang sasakyan na parang abandona na.

Umupo ako at hinabol ang aking hininga. Kinuha ko sa sling bag ko ang panyo at pinunasan ang aking mga malalaking tagaktak na pawis galing noo hanggang leeg.
Shit. Uhaw na uhaw na ako sobrang dry na yung mga labi ko pati yung lalamunan ko.

Tinali ko yung buhok ko na kanina pa nakalugay kakatakbo ko. Kung may nakakakita siguro sa akin sasabihing baliw ako sa kondisyong ito.

Tiningnan ko yung wrist watch ko. Shit shit shit pasado ala syete na sigurado akong nag aalala na si kuya di pa ako nakakauwi.

Nilibot ko ang aking paningin ang layo ng narating ko kakatakbo napunta pa talaga ako dito sa isang abandonang sasakyan at ang tanging ilaw na nagbibigay ay galing sa poste.

Yung bahay namin malapit na kung nasaan ako sa totoo lang pwede na yun lakarin para makauwi na ako pero di ko kayang tumayo dahil dala ng panginginig ng katawan ko, uhaw at gutom.

Napabuga ako ng hangin. What a day!  Ang haba ng araw ko ngayon parang gusto ko ng umuwi at matulog agad ng matapos na to lahat.

Pinikit ko ang aking mga mata ng sagayon ay mapapahinga ko ng konti. 

Nakaramdam ako ng biglaang lungkot. Dati kasi pag may ganito agad akong pinagtatanggol ni kuya Jem laban sa ganitong mga klaseng tao.  Yun pa yung panahon na wala pa si Basty sa buhay namin pero ngayon di naman siguro kailangan na ipagtanggol pa ako ni kuya kasi mas uunahin pa namin yung bunso namin kaysa sa kapakanan ko.  Apat kami na magkakapatid yung panganay namin na lalaki nandon sa America kasama ng parents namin natatrabaho at minsan lang umuuwi di kami masyadong close ng isang kuya ko di ko rin alam kung bakit pero alam ko protektadong protektado ako don. Si kuya Jem lang yung kasama ko sa bahay at si Basty. Iniwan kaming dalawa ni Basty sa pangagalaga ni Kuya Jem.

Naalala ko dati sobrang selfish ko.  Ayaw kong magkaroon ng isa pang kapatid kasi alam kong mahahati yung atensyon na binibigay nila sa akin.  I was selfish at that time, iyak ako ng iyak kasi ayaw kong magkaroon ng baby si mommy ang childish ko that time kahit matanda na ako nasanay lang siguro ako. 

Sanay kasi ako na spoiled ako.
Sanay ako na lahat ng luho ko binibigay nila at sanay ako na sa akin lang yung atensyon nila. At nung time na nanganak na si mommy hindi ako lumabas para makita yung bago kong kapatid. Hindi ako kumain at nag mumokmok lang sa kwarto. Pero eventually nung kinausap ako ni Kuya Jem na kailangan kong tanggapin yun at yung pag aalaga na ipinararanas nila sa akin ay ipaparanas ko rin sa kapatid ko kasi yun nga kapatid ko yun at parte na sya ng pamilya na mahal na mahal ko.  Kalaunan ay namulat ako sa katotohanan na hindi lang habang buhay aalagaan ako. Kaya ngayon nakakalungkot lang kasi hindi na ako pinagtatanggol nila. Pero ok na yun matagal ko ng tanggap.

Bumuga ulit ako ng hangin tyaka dinilat ko ang aking mga mata.

Pinagsisihan ko na dumilat pa ako dahil nasa harap ko na ang anim na lalaki. At nakangisi silang lahat.

"Halika dito" sabi ng nasa gitna na lalaki at hinila ako sa braso dahilan para makatayo ako.

  Ang higpit ng pagkakahawak nya na parang magkakaroon ako ng pasa. 

Gigil na gigi syang ipatayo ako.

"Pinahirapan mo pa talaga kami ha" Dinilatan nya ako ng mata. I rolled my eyes as if naman kasalanan ko yun ang hihinang tumakbo ng mga kumag. 

"Anong gagawin natin sa kanya?" tanong ng kasamahan nya.

"Eh ano pa ba yung madalas ginagawa ng mga lalaki" Malagkit nya akong tiningan mula ulo hanggang paa.

Kahit naka jeans at tshirt lang ako ang lagkit makatingin ng kupal.  Wala na talagang patawad ang mga manyakis kahit anong suot mo mamanyakin ka parin.  Ito talaga nagpapatunay na kahit hindi mo akitin ang isang lalaki kusa itong pagpapalabas ng kalibugan.

"Hawakan nyo to" Binigay nya ako sa dalawang lalaki na ngayon ay nakahawak na sa magkabila kong braso.

Sinubukan kong pumalag pero hindi sila natitinag. Talo ako dito kasi andami nila tapos lahat lalaki. 

"What's this? " bigla nyang hinulbot sa kamay ko ang laruan na binili ko para kay Basty.

"Don't fucking touch that" banta ko dito.

"Woah!  Easy there wild cat" manghang sabi nito sa sinabi ko. 

Sinamaan ko sya ng tingin pero di sya natinag.

Nilabas nya sa supot ang laruan at pinakita sa mga kaibigan nya.

"Ano to?  Laruan mo? HAHAHAHA" tawang tawa nyang sinabi. Sumabay naman ang kanyang mga kasamahan.  I rolled my eyes to their stupidity.

Nagsisisi na ako ngayon kung bakit tinanggihan ko ang karate art class na sinuggest ni Mommy last year kasi bukod sa nakakatamad ayaw ko ring lumabas ng bahay. Kung tinanggap ko yun siguro akong kanina pa sila nakalatay sa sahig ng walang malay.

Dahang dahan lumapit sa akin ang lalaki at binabato ako ng malalagkit na tingin.  Napadpad ang kanyang tingin sa aking dibdib.

Hahawakan na sana nya ito ng sipain ko ang kanyang pagkalalaki.  Napaupo at napaungol sya sakit. 

"Potangina! " Sigaw nya.

Namimilipit sya sakit at hindi magawang tumayo. Tinulungan sya ng kanyang mga kasama pero tinataboy nito ang kanilang tulong.

Choosy.  Sya pa nga tinutulungan sya pa galit.

Well,  di ko naman sya masisisi. Siguro kung lalaki ako abot hanggang langit yung galit ko pag ginawa yun sa akin pero dahil hindi naman edi magdusa sya. 

I smirk.  How pathetic, ito ba leader nila?  Napakaweak naman ang hina ng pagkakasipa ko eh ang OA.

"Tangina halika dito" sumugod sya sa akin at hinila ang buhok ko dahilan para mapamura ako ng wala sa oras.  Nabitawan ako ng dalawa nyang kasama dahil sa biglaan nyang paghila.

Napaubo ako ng sinuntok niya ako sa sikmura dahilan ng pagkakahiga ko sa sahig at namimilipit sa sakit. 

Shit.  Didn't see that coming.

Parang nahihilo ako at nanglalabo ang aking paningin. Gustuhin ko mang tumayo at sugurin ang napakawalang hiyang lalaki pero ayaw ng katawan ko. 

Kinabahan ako.  Kung mahihilo ako di ko alam kung anong mangyayari sa akin pagkatapos.

Lahat ng takot ko biglang nagparamdam sa buong sistema ko.  I was shaking gusto kong humingi ng tulong pero alam kong walang makakarinig sa akin dahil wala akong lakas para sumigaw pa dahil sa sakit.

Parang gusto ng pumikit ng aking mga mata dahil sa pagod, sakit at gutom. 

Narinig ko ang kanilang mga tawa.  Tawa na para bang may gagawin talaga silang masama sa akin. 

Di ko na kaya gusto na talagang pumikit ng mga mata ko.

At unti unti na ngang pumikit ang dalawa kong mga mata.

Pero bago ko napikit ang mga iyon ay nasilayan kong may isang taong niligtas ako.

My eyes went shutdown by the time I was saved. 

A/N: Sino kaya nagligtas sa kanya?  Hmm stay tune!! 



One Night Stand with my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon