Chapter 3

1.5K 27 4
                                    

Samirah Del Fierro's Point of View

Ilang minuto na ba kaming nagtitigan ng bago kong boss? Hindi ako mapakali aa kinatatayuan ko dahil sa kanyang mga binabatong mga tingin.

Walang umiimik sa amin pagkatapos nung sinabi ko.

Nahihiya ako dahil naalala ko yung ginawa ko sa kanya. 

Ang sarap talaga hatiin ng lupa at magpalamon kay kamatayan.

Paano ko to sasabihin kay kuya? eh sure naman akong pababayarin ako nito or worse hindi pa nga ako nagsimulang mag trabaho tinanggal na ako.

"Parang nakita na kita, dba ikaw yung" Sabi nito habang hinahawakan ang baba.

'Oo, ako yung nakita mo, ako yung bumato ng sasakyan mo at nabasag ang salamin, Oo ako yung babaeng yun, taena wag munang ipamukha.' sabi ko sa sarili ko habang nakayuko, hindi ko kayang titigan to.

I sighed.

"I'm sorry Sir, that was my mistake. Di ko po sinasadya". Hinging tawad ko habang nakayuko.  Di ko magawang tingnan sya.

Nang iangat ko ng konti yung ulo ko ay nakita ko yung mga kilay nya na nagkukrus.

"How am I suppose to forgive you after all you've done?" Tumaas baba ang kanyang kilay ng itanong nya iyon.

"Uhm, I'm really s-sorry sir for breaking your car. It's not really my intention." Yun nalang ang tanging nasabi ko dahil kinakabahan na ako.

"It's not your intention? Tell me, what really is your intention? "

Tangina. Magbabayad ba ako neto? Or tatanggalin niya ako? Di pa nga ako natatanggap eh.

"Well,  I guess I should let it pass but if this happens again rest assured you'll get paid for it " dagdag nito ng mapansin na hindi ako umimik. Kitang kita sa boses nya na nagbabanta.

Masaya ako na natanggap ako pero kailangan ko bang maging masaya dahil napakahirap naman pakisamahan nito. I guess I don't have any choice since sila ang unang tumanggap sa akin.

Bigla akong nagulat sa sinabi niya. Does it mean ba na hindi sya galit? 

"Pwede ka ng magsimula" sabi nito at sumandal sa swivel chair.

"I said you can work now" Sabi niya ng mapansin na hindi ako makaimik  at niluwagan ang necktie para makahinga ng maluwag. Di ko napansin nakatulala pala ako.

"Di po kayo magtatanong tungkol sa akin?" Tanong ko dito ng makabalik ako sa aking huwisyo.

"I don't need to get to know you" Sabi nito. Wow attitude.

Bigla niyang tinuro ang isang desk sa gilid ng kanyang table na may isang swivel chair rin.

"From now on you'll work for me Ms. Fierro as my new secretary." He said seriously. Yung tingin na di ka pwedeng mag joke.

Totoo na nga ito. May trabaho na ako. Di ko na kailangan maging dependent sa mga magulang ko lalo na kay kuya Jem.

Thrym's POV

Pagdating ko ng opisina kanina ay agad kong tinawagan yung driver ko na ipaayos yung basag na salamin sa likod ng sasakyan.

Hindi ko magawang ngumiti sa ibang empleyado dahil hindi naman talaga ako kilala dito bilang palangiti. 

Bagong bili ko yung sasakyan na yun hindi pa nga nag dadalawang araw naging ganun na ang kondisyon.  Di ko maiwasang mapamura dahil sa galit buti nalang talaga may puso pa ako at kaya ko pang magpatawad.

Tiningnan ko si Samirah habang nag aarange ng mga bagong gamit niya.

Halata sa kanya na first time nyang mag trabaho.

Napakunot ang noo ko ng maalala yung ginawa nya. Ipapabayad ko sana sa kanya yun pero ng marealize ko na kaya naman nya yun bayaran sa ibang pamamaraan kaya hindi ko na sinabi. 

"Ms. Samirah kindly get your uniform at the uniform section of this building." Biglang untog ko sa kanya kaya napatingin siya sa akin. Bigla naman syang tumango.

Pinindot ko tung intercom at may sinabi para magabayan sya sa paghahanap ng uniform.

Samirah's POV

Nagulat ako kanina ng sinabi niyang may ibibigay syang uniporme para sa akin at ito ngayon may babaeng gumaguide sa akin papunta dun sa uniform section nila. I was amazed by that.

"Dito ka pumasok para mamili ng uniporme at don ka pumasok kung magbibihis ka." Sabi nga babae ang syang nag guide sa akin papunta dito sa uniform section.

Tumango nalang ako ng sinabi nya yun pagkarating namin sa tapat ng isang glass door.

Agad naman itong tumalikod at naglakad na paalis.

Pumasok na agad ako dahil kitang kita naman dito na walang ibang tao sa silid kaya hindi kailangang mahiya.
Pagpasok ko ay di ko maiwasang mamangha dahil napakaluwag.

May mga locker na may kanya kanyang pangalan. Sa gilid naman mga uniporme ng mga babae na mukhang hindi pa nagagamit.

Sinubukan kung hanapin ang aking pangalan sa mga locker at hindi naman ako napalya dahil nakita ko nga ang aking pangalan.

Kulang nga lang ng H yung Samirah ko. Pero ok nato sila na nga nag abala ihanda to magrereklamo pa ako.

Lumapit ako sa uniform section na mismo at kumuha na ng pares ng uniporme at sinukat ko ito sa isa sa nga cubicle.

Ng masuot ko ito ay hindi naman napalpak dahil kasyang kasya ito sa akin. Nafefeel ko yung kurbang kurba yung katawan ko sa uniporme ko habang hinahawakan ang bewang ko.

May nakita akong body size mirror sa,sulok ng silid kaya don ako lumalit para makita ko yung sarili ko ng buong buo.

Bagay na bagay nga sa akin. Isang naka 3/4 na long sleeve na kulay  skyblue at pencil skirt ang nakadagdag ng kakurbahan ng katawan ko.

Yung buhok kong hanggang balikat ay bagay na bagay sa bagong uniporme ko. Pati na yung sapatos na kasama na sa isang set ng uniporme.

Makakapili daw ako ng tatlong set ng uniporme. Hindi maaaring palitan ang upper pero maaaring palitan ang lower, pwedeng pencil skirt pwede ring slacks.

Hindi ko to nabalitaan nuon na libre pala ang uniporme dito. Ang akala ko kasi ako yung mag proprovide. Ako yung bibili yun pala sagot na nila.

Napakayaman nga ng kompanyang ito. Di ako nagkamali ng pag aaplayan at di rin sila nagkamali na ako ang pinapasok nila.

Sana nga ay maging productive yung araw araw kong pag tatrabaho at maka build ng mas strong na relationship sa ibang tao dito.

Muli kong sinulyapan ang sarili ko sa salamin.

Napabuntong hininga ako.  Ang sunod na mga sinabi ko sa harap ng salamin ay naging ingay ng silid na napakatahimik.

"DO WELL SAMIRAH! AJA!"


A/N

Guys, akoy humihingi ng pasensya dahil sa napakatagal ng update. Sorry dahil ngayon lang ako nagka oras para mag update.

Gagraduate na kasi ako kaya pasensya na. Comment lang kayo kung may gusto kayong sabihin, message niyo rin ako kung may gusto kayong sabihin sa akin rereplayan ko kayo don't worry.

One Night Stand with my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon