Chapter 1

19.1K 183 7
                                    

Samirah Del Fierro's Point of View

Biglang Naramdaman ko ang malamig na tubig na binuhos sa akin, kaya napabalikwas ako ng bangon at napayakap sa aking katawan ng maramdaman ko ang lamig.

Tiningnan ko ang taong nagbuhos ng malamig na tubig sa akin.

Nakangiti ang hinayupak kong kuya sa harap ko bitbit ang isang pitcher na blue na mukhang galing sa freezer.

Agad kong hinampas sya ng unan ng mainis ako sa ngiti nya. Ang lamig buset.

"Ayan kasi, kanina pa kita ginising pero ayaw mong magising, kanina pa tumutulo ang laway mo kaya binuhosan nalang kita ng malamig na tubig para magising ka na" Sabi nito at ngumiti ng napaka abnormal.

"Hoy Abnoy! Bakit mo ko ginising eh wala naman akong gagawin! Sabado ngayon! Nakakainis ka!" Nanggigil kong sabi, kung hindi pa ako nilalamig ay kanina ko pa ito sinapak.

"Anong wala? Hoy! abnoy ka rin no? May lakad ka uy!" Sabi nito at hinimas ang pitcher.

"Anong--" Napaurong ang bibig ko ng may ilabas sya galing sa likod ng bulsa nya ang isang brown envelope at binigay sa akin. Teka, paanong nakasya ang brown envelope sa bulsa nya?

Kinuha ko sa kamay nya ang brown envelope at tiningnan ito.

"BLOODY COMPANY"

"Ano to?" Takang tanong ko dito.

"Papel malamang, basahin mo kaya para malaman mo" Sabi nito, I rolled my eyes. Kahit kailan napakapilosopo talaga nito.

Binuksan ko nga ito at laking gulat ko sa aking nabasa.

"BLOODY COMPANY IS OFFICIALLY HIRED A NEW SECRETARY. PLS DO SEE MR. THRYM JEFFREY REVAMONTE AFTER RECEIVING THIS LETTER"

"Kuya, Totoo ba to?" Tanong ko dito, baka sakaling hindi ito totoo at aasa na naman ako.

"Mukha bang hindi? Akin nalang! Susunugin ko" Huhublutin sana nya ang envelope pero inilag ko ito sa kanya at tiningnan ito ng masama.

Di ako makapaniwala sa nabasa ko. I applied this company 2 weeks ago at nung isang linggo pa ako nainterview, akala ko di ako matatanggap ang letter na ito kasi isang linggo na ang nakakalipas nung mainterview ako.

They have a different system when it comes to hiring new employees. Magpapadala sila ng letter kung matatanggap ka at kung hindi naman ay through email ang matatangap mo kung hindi ka matatanggap sa trabaho, nakalagay iyon sa kanilang exclusive resume ng company nila.

Napatingin ako kay Kuya. Natatawa talaga ako sa pagmumukha nya.

"Kailan mo to natanggap?" Tanong ko dito, nabaling naman yung atensyon nya sa akin mula sa pagkakatulala sa kakatingin sa pitcher na pawis na pawis dahil sa lamig.

"Kanina lang nung magwalis ako sa labas ng bahay" Sabi nito. Dahil sa inis ko tumayo ako, kahit mataas sya kesa sa akin ay binatukan ko ito.

"Langya ka! Sana ginising mo ako agad!" Sigaw ko dito pagkatapos ko itong mabatukan.

"Aba! Ako pa ang may kasalan! Kanina pa kita ginigising! Ikaw itong di magising! Ihampas ko tong pitcher sa ulo mo eh!" Sabi ni kuya, halatang inis na inis na sa akin.

"Eh---" Di ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang lumitaw sa pintuan ang bunso kong kapatid na lalaki. Kinukusot pa nito ang mata na halata na bago pang gising at napakagulo ng buhok nito.

"Haynaku. Ang ingay nyong dalawa parang kayo lang ang tao dito, Can't you see? I'm sleeping" Sabi nito. Nak ng nag english na.

"Di kana tulog Sebastian, gising ka na. And can't you see it's already 9:00 pm" Sabi ni kuya at tinuro ang wall clock sa pader, tiningnan naman ito ni Basty.

One Night Stand with my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon