Chapter 5

878 15 0
                                    

Samirah's POV

Bago ako umuwi ay napadaan ako sa isang nakadisplay na puro laruan malapit sa bus terminal.  Naalala ko si Basty don.

Buti nalang may lakad si Sir Revamonte para naman mataas pa ang paghahanda ko bukas at mabilhan ko rin ng pasalubong yung kapatid ko.

I decided to buy some toys for him. Alam kong sira² na ang kanyang mga laruan dahil hindi yun marunong mag alaga ng mga gamit niya. Hindi na ako nag abala nabilhan si kuya kasi matanda naman yun di na yun bata para maglaro ng ganitong bagay.

Na alala ko ng niregalohan ko si Basty dati ng isang remote control car. Di pa umabot ng dalawang araw sira na yung laruan. Pero kahit ganon bata naman yun di mapapalitan ng saya ang kanilang nadadama.

Binilhan ko sya mg isang espadang laruan na umilaw ilaw. Mura naman kaya binili ko nalang para kay Basty. Mapapalitan naman yung pera kasi may trabaho na ako di ko na kailangan magtipid at isa pa sengkwenta lang naman to di mabigat sa bulsa.

Agad na akong sumakay ng bus ng makuha ko yung sukli.

Di tulad kanina na puro siksikan ang mga tao at wala ng mauupuan, ngayon naman ay sobrang luwag dahil walang siksikan dahil nga ang aga pa para mag uwian. Mamayang gabi madaming sasakay dahil maraming uuwi sa malayo.

Sa likod ako ng driver umupo para madali lang ako makakababa kung makarating na ako.

Paandar na ang bus ng biglang may pumasok na isang lalaki na nakahoody at naka earphones. Umupo sya katapat ng inuupuan ko.

Hindi ko nalang yun pinansin dahil di rin naman yun nag abala tingnan ako.

Umandar na nga ang bus at nagbyahe na ito. Habang bumabyahe ay nakaramdam ako ng kaboringan kaya kinuha ko yung earphones ko at kinabit ito sa aking mga tenga.

Habang nag babyahe, mula dito sa loob ng bus ay kita kita ko kung ano ang pinagbago ng paligid. Malaki talaga ang pinagbago.

Dati kasi madaming puno sa kilid ng kalsada habang papunta ka ng centro. Ngayon kasi konti nalang at puro maliliit pa. Dahil sa kakulangan ng puno tiyak napakalaki ng contribution ito sa global warming dahil sa usok na galing sa mga sasakyan.

Napakalungkot isipin na tayo lang naninirahan sa mundo tayo dapat mag alaga nito pero sinisira natin. Dahil sa road widening, madaming puno na napuputol at konti nalang ang nagbibigay ng sariwang hangin dito sa centro.

Kitang kita ko dito sa loob ang mga contruction workers na nagpuputol ng mga puno.

Napailing ako. When can this madness stop?

Di ko na malayang unti unting huminto a bus sa bus terminal dito sa amin.

Agad na akong nagbayad at bumaba dito.

Nilakad ko nalang ang bahay namin galing bus terminal hanggang papasok ng village

This day doesn't seem to go well.  Well,  unang una nagka away kami ni kuya Jem pero tampo lang naman yung sa kanya na agapan naman ka agad. Pangalawa,nagkasala ako sa isang tao dito sa village na naka away ko kanina naging rude ako don sa taong magiging boss ko pala sa companya. Pangtatlo, nung papunta na ako sa companya yung naging katabi ko ang baho² naman ng kili kili.

Excited na ako sa unang araw ko bukas sana naman mabait yung boss ko mukha pa namang suplado. Sana madami akong maging kaibigan dun na makahalubilo gusto  kong gumawa ng mga alala dun sa pagtatrabahoan ko.

Habang pauwi ako ay sinasadya kong bagalan yung lakad ko para pag dating ko saktong sakto na nakapaghain na ng hapunan si Kuya Jem.

Tiningan ko ang wrist watch ko at saktong saktong mag aalas syete na ng gabi. Alam kong nagluluto na si kuya Jem pag ganitong oras na. 

Naalala ko dati yung kinuwento ng mommy namin tungkol sa mama at papa niya.  Kapag daw lumagpas ng alas syete ng gabi pag hindi kapa nakauwi,  hindi mo pa natapos yung ginagawa mo,  wala kang ginagawa o hindi pa kayo nakapagluto eh hindi na kayo kakain yun yung patakaran dati ng mga magulang ni mommy dati kasi sabi niya pag hindi mo ginagawa ang mga gawaing bahay ay hindi ka makakain bukas ka pa makakain ng ala syete rin ng umaga.

Kaya siguro namana namin yung ugaling yun kasi tinuruan kami ni mommy ng ganung ugali.  Bawal sa bahay namin na nakatunganga at walang ginagawa dahil tiyak talang magugutom ka dahil hindi ka pakakainin.

Habang naglakakad napansin kong may nagkukumpulan na mga lalaki malapit sa poste na parang pinalilibutan ang isang bagay. Pero alam kong hindi bagay ang pinalilibutan dahil gumagawa sila ng ingay.

Rinig na rinig ko ang kanilang pinag uusapan.

"Nag iisa ka lang ba miss?  Baka may kasama kang iba? " rinig ko sabi ng isang lalaking naka cap.  Rinig na rinig ko sila dito sa kinatatayuan ko at alam kong hindi nila ako nakikita kasi pareho silang nakatalikod sa pwesto ko. 

"Bulag ka ba?  Kitang kita mo naman nag iisa ako nagtatanong ka pa" sarkastikong sagot ng isang babae. Oo, isang babae ang pinalilibutan ng anim na lalaki. 

In fairness kay ateng hindi sya natatakot at may lakas pa ng loob sumagot.

"Aba!  Sumasagot ka ha" sabi ng kasama nila at naglabas ng kutsilyo.

Kutsilyo? Taena

Nasan ba ang mga guards ng village nato?

Biglang namutla ang babae at ang kanyang mga singkit na mga mata ay bumilog dahil sa takot.

Gusto ko syang iligtas pero alam ko sa sarili kong pati ako mapapahamak. 

Ilang minuto ang pag iisip para gumawa ng paraan para iligtas ang babae. At napag desisyunan ko na kumuha ng isang malaking bato na kasing laki ng mga kamay ko kapag ikinukuyom kumuha ako ng anim na sakto para sa anim na lalake. 

Lumapit pa ako ng kaunti para magawa ko ang aking binabalak.  Hindi pa talaga nila ako napapansin.

Buti naman para maisagawa ko ang plano ko.

"Hoy! " Sigaw ko sa kanila.

At silang anim ang lumingon sa direction ko.

At pinagtataga ko sila ng mga batong hawak ko at panay ang ilag nila.

"Takbo! " sigaw ko sa babae na parang nakapako ang kanyang mga paa sa kinatatayuan niya. Natauhan naman sya sa sigaw ko kaya mabilis syang tumakbo.

Now what?  Sabi ko na nga bang sa akin mapupunta tong malas dahil heto ako tumatakbo habang hinahabol ng anim na lalaki. 










A/N: Hi guys sorry kung ngayon palang ako naka pag update super duper busy lang talaga at ngayon pa ako nakabalik sa pagsusulat.  Anyways,  here's the update hope you'll like it.

Anddddd,  I write another story about vampires if you could just lend your time to add it in your reading list I will truly appreciate it the title is "FANGS" you can visit my profile nandun po sya. 

Follow me in my social media:
Twitter: jrbocs
Instagram: bocobels

Thank you everyone don't forget to leave a comment if you want. 

One Night Stand with my BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon