Chapter 2

36 9 16
                                    

"Agape, san mo gustong mag-intern?" Tanong sakin ng kaibigan kong si Joanna. Nasa cafeteria kami ngayon, kumakain dahil lunch break na.

Ngayon ay graduating student na ako. Kinalimutan ko na ang lahat ng sakit na mayroon ako sa nakaraan at magsisilbing aral na lang iyon sa akin. Keep moving forward ika nga nila.

"Di ko alam, eh, pero okay lang naman kung san nila ako i-a-assign. Excited na nga ako, eh."

"Ako rin, pero sa 2nd sem pa naman tayo mag-i-intern. Masyado tayong excited." Sabi naman ni Jael.

"Pero pwede naman siguro tayo ang pumili, diba?" Tanong ni Valerie.

"Siguro." Hindi siguradong sagot ni Jael.

Pagkatapos naming kumain ay pumunta kami ng comfort room at nag-ayos ng sarili at kung ano pang pwedeng gawin dun, at pagkatapos ay pumunta na kami sa room ng next subject namin. Nagsimula na ang klase nang dumating na ang prof namin na si Mrs. Torres.

Natapos ang subject na iyon. Pumunta kami ng library dahil absent ang prof sa next subject namin na si Mr. Cruz.

Pagdating namin sa library ay umupo agad kami. Kani-kaniyang mundo kami kasi syempre nasa library kami, bawal maingay. Di kami pumunta sa library para magbasa ng libro. Nandito lang kami para tumambay o maki-connect sa wifi. Ganun naman talaga ginagawa namin pag pupuntang library, o di kaya pupunta lang kami rito para gumawa ng assignment na hindi nagawa sa bahay. HAHAHAHA!

30 minutes before the time ay napagpasyahan na naming umalis at pumunta na sa next subject. Nakalabas na kami ng library nang may naalala ako.

"Una na kayo. May naiwan ako sa library."

"Sige." Tugon nilang tatlo.

Hay! Naiwan ko lang naman yung isa kong libro. In fairness binasa ko yun kanina dahil lang sa bored ako, pero konti lang naman yung binasa ko. HAHAHAHA!

Nakuha ko na yung librong naiwan ko. Malapit na ako sa pinto ng library nang may nakabangga akong lalaki at nahulog yung mga dala kong libro.

"Sorry, miss." Sabi niya habang tinutulungan ako.

"Ano ba yan! Di kasi tumitingin sa dinadaanan." Pabulong na reklamo ko habang kinuha ko yung libro.

"Sorry na nga, miss." ulit niya. Tumingin ako sa kaniya at binigyan ko siya ng pekeng smile. Tumayo na ako at lumabas na sa library.

Sabay-sabay kaming apat umuwi pagkatapos ng klase.

Pag-uwi ko sa bahay ay nagbihis agad ako at gumawa ng homework. Pagsapit naman ng alas-7 ay nag-dinner na ako kasabay ng family. Naghugas ako ng pinggan pagkatapos naming kumain lahat. At pagkatapos ko namang maghugas ay dumiretso na ako sa kwarto para magpahinga at nag-Facebook. After a few minutes, may nag-send ng friend request. It's a guy and we go at the same school. His name is Joey Velasquez. Since schoolmates kami, I accepted his friend request kahit di ko siya kilala. I continued scrolling up on my Facebook. After 5 minutes, tumunog yung messenger ko. It's the guy who sent me friend request. I read his chat.

"Thanks 😊"

"No worries." I replied.

"You busy?" He asked.

"Nope"

"Remember me?"

"Bakit, sino ka ba?"

"Taray mo naman. HAHAHAHA!"

"HAHA!" Yan lang reply ko sa kanya. Sino ba 'tong lalaking 'to? May nalalaman pang "remember me-remember me?"

AgapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon