Chapter 10

15 2 2
                                    

"Daniiiieeel!!! 😭"

"Anong resulta, Agape?"

"NAKAPASA AKO, DANIEL 😭😭😭"

"HALA! CONGRATS! Thank you, Lord 🙏"

"Umiiyak ako 😭"

"Hay! Dininig na ni Lord ang prayers natin. AGAPE, CONGRATS!"

"Thank you, Daniel. Thank you sa prayer 😭"

"Wag ka na umiyak. Dapat mag-enjoy ka na ngayon."

"Hindi ako makapaniwala, Daniel 😭"

"Believe in yourself dahil nagtiwala ako sayo."

"Hindi ko 'to magagawa kung wala ang Diyos."

Dapat din niyang malaman dahil naging part siya sa journey na 'to. He also prayed for me. I should thank him for that. And that day, ang saya-saya ko.

One day, gustong makipagkita sakin ni Daniel at pinagbigyan ko siya. After ng work ko nagkita kami. Kumain kami bago nag-usap.

"Please, Agape. Bumalik ka na sakin. I still love you. Ikaw pa rin." He begged. At first ayoko pa. But he keeps on begging. I gave in. Mahal ko pa rin pala tong lalaking 'to. Everybody deserves a 2nd chance.

"Alam ko namang love mo pa rin ako, eh."

I hugged him. "I missed you." Sabi ko habang nakayakap ako sa kaniya.

"Tayo na ulit?"

"Hm-hm!" Sabi ko habang nakayakap pa rin sa kaniya.

"Yes!" Bulalas niya and he hugged me tight. Wow! Ang sarap sa feeling. I missed him. Pagkatapos nun, bumalik kami sa dati.

Pero habang tumatagal, parang bumalik yung dati. We sometimes argue because of misunderstanding and because of jealousy. Hanggang siya naman ang sumuko. Tila gumuho ang mundo ko nang makipaghiwalay siya sakin and this time, I'm the one begging him. Ano 'to??? Karma? Dahil nakipaghiwalay ako sa kaniya dati, sakin naman mangyayari ngayon? I cried every night. Chat ako nang chat sa kaniya pero hindi siya nagre-reply.

"I can't sleep. It hurts so much."
"Bakit nung nakipag-break ako sayo, pag nagcha-chat ka sakin, nagre-reply pa rin naman ako, ah."
"I can't afford na mawala ka pa sakin."
"May iba ka na ba?"

Tiniis ko yung sakit. I'm trying to focus on my work pero di ko maiwasang isipin na wala na naman kami. From the day na nagkabalikan kami, ayoko na siyang mawala.

Bumili ako ng bagong sim card para matawagan ko siya. Oo, kailangan kong bumili ng baging sim card because he blocked my number. Kung dati he was the one who fought, this time ako naman ang lalaban.

The next day I called him. He answered my call.

"Pwede ba tayong magkita after ng class mo?" Tanong ko sa kaniya over the phone.

"Sige." Tulad nga ng napag-usapan namin, nagkita kami. And that day, kami na ulit.

Aaminin ko, kahit nagkabalikan kami, may mga times pa rin na hindi kami nagkakaintindihan. Parang nagbago na ang lahat. Hindi na laging masaya. Tsaka parang wala na kaming time sa isa't isa. Inaamin ko na nakaka-feel na ako ng pagod. Minsan naiisip ko kung tatapusin ko na ba 'to or ipagpapatuloy ko pa. Hindi ko na alam. One day, nasa cafeteria ako. Naabutan ako ng friend ko sa work na nakatulala.

"Oh, anong problema mo?"

"Hay! Love life."

"Would you mind if you tell me? Maybe I could help." Sabi niya. I sighed.

AgapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon