Chapter 4

19 7 6
                                    

"So tayo na?" Tanong sakin ni Joey sa kalagitnaan ng pagkain namin sa cafeteria. Yung tatlo naman pasekretong tumitingin samin sa malayo habang kumakain sila. Hala! Kahit sa malayo, inaasar pa rin ako.

"Huh? Ang bilis naman. Bago pa lang naman tayong nagkaaminan." Sagot ko sa kaniya.

"Sa bagay." Pagsang-ayon niya. "Kilalanin muna natin ang isa't isa."

"May tama ka!" Bulalas ko at nagtawanan kaming dalawa.

"Ang ganda mo talaga."

"I know. Joke!"

"HAHAHAHA! So gala ulit tayo next time?"

"Sure."

"Sa Saturday ulit?"

"Go ako riyan."

"Sabi mo yan, ah."

"Oo naman. Pero hapon kasi mas busy sa bahay ng Saturday morning."

"Walang problema sakin kahit anong oras. Basta weekends, I'm free. Not busy."

"Go!" Nagpatuloy na kami sa pagkain.

"Date sa cafeteria ang peg, ah." Asar sakin ni Valerie nang pumasok na kami sa room.

"Hindi yun date." Depensa ko.

"Kayo na ba?" Usisang tanong sakin ni Joanna.

"Hindi pa, ah. I want to take it slowly. Kilalanin muna ang isa't isa."

"Winner ka dun." Komento ni Jael.

"Pag tumibok talaga ang puso, eh, wala ka nang magagawa kundi sundin ito." Asar na sabi ni Valerie.

"Tingnan mo 'tong babaeng 'to. Puro biro."

"Hoy! At least may sense yung mga sinasabi ko. Dinadaan ko lang sa biro para everyday happy. It's just that you take it seriously. Oooh! English yun." Nagtawanan kaming apat. Maya-maya ay dumating na ang professor namin.

Natapos lahat ng subject namin. Siyempre after school, diretso uwi.

"Agape!" Tawag sakin ng familiar na boses ng lalaki. Nilingon ko siya at tumigil sa paglakad.

"Joey."

"Where are your friends?"

"May importante silang pupuntahan. Ako, kailangan ko nang umuwi."

"Ganun ba? Hatid na kita."

"Huh? Wag na. Umuwi ka na diretso."

"Sige na."

"Wag na nga sabi."

"Please." Pakiusap niya ng naka-pout. Gosh! He looks cute.

"So gay." Komento ko kahit deep inside I find it cute.

I sighed. "Sige pero sa sakayan lang ng jeep. Hehe!"

"Huh? How about hanggang sa inyo?"

"Eh..."

"I know. Kasi baka makita ng family mo?" He predicted. Napahawak ako sa batok. "Okay. I understand. Basta 'pag tayo na ipakilala mo na ako sa kanila, ha?" Natatawang sabi niya.

"Ang demanding mo naman."

"Dapat lang, 'no. Para legal tayo." Sabi niya sabay wink. Gosh! This time, ang gwapo niya dun.

"Oh, sige na. Hatid mo na ako pero hanggang sa sakayan lang ng jeep."

"Yes, ma'am! Kukunin ko lang motor ko. Wait for me here."

"Oh, siya siya." Sabi ko. Tumakbo na siya papunta sa parking area kung nasaan ang motor niya. At ayun, hinatid na niya ako sa sakayan ng jeep hanggang sa nakauwi na ako. And usual, magka-chat ulit kami. Titigil lang yata kami sa pagcha-chat pag kakain kami at pag may importanteng gagawin at siyempre pag matutulog. Matic na yun. HAHAHAHA!

AgapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon