Chapter 8

10 2 0
                                    

I moved on from the things that gave me pain. I forgot all the people who hurt me. Maraming mga lalaki ang nagpaparamdam sakin pero hindi ko sila pinapansin. Enough muna sa love life. I want to focus first on myself kasi parang nakalimutan ko na sarili ko sa kamamahal ng mga lalaking sasaktan at iiwan din pala ako.

I focused on my studies. Naka-survive ako sa internship ko until I finished my degree. Umuwi si papa sa Pilipinas upang umattend ng graduation ko. Kompleto kaming pamilya ngayon sa graduation ko.

Thank you, Lord! I couldn't make it without You. Hindi pa natatapos dito ang journey ng buhay ko. Mag-uumpisa pa lang ako because this time I'll be facing the real world.

I attended review class for the upcoming board exam. After board exam, nag-apply ako ng trabaho. Fortunately, nakapasok lang ako as an ESL teacher pero seasonal lang. After ko magtrabaho as an ESL teacher, I applied as customer service representative sa isang BPO company, pero di rin ako nakatagal. Hindi nakayanan ng katawan ko. Nagpadala ako sa kahinaan ko and I was so disappointed to myself that time.

Until the result of the board exam was released. I failed. Mas masakit pa sa breakup. Masakit kasi I know my parents were disappointed kahit pa sabihin nilang okay lang, but I moved on. May susunod pa naman, but this time, hindi muna ako mag-eenrol sa review center para hindi na gumastos sila mama at papa.

Pinaplano ko na maghanap ulit ng trabaho. Nag-try ako na mag-apply sa private school and unfortunately hindi ako natanggap. I don't know what's the reason. Maybe my demonstration was bad or I'm not a board passer. Kahit hindi related sa course ko, pinasahan ko ng resume pero walang tumawag ni isa.

Nakahiga ako sa kwarto, nakatunganga. I feel useless. Hindi na nga ako nakapasa sa board exam, wala pa akong stable na trabaho. Companies are very selective. Hindi sapat na college graduate ka. Minsan kasi ang gusto nila related sa course na natapos. So this is real world, kung saan pagalingan ng diskarte sa buhay para maka-survive. Para matupad mo ang pangarap mo. Mas mahirap pa kaysa sa noong nag-aaral ako. Pero I know God is always there to help me. As long as I'm alive, He still has plans for me. Whatever is His plan for me, I know it's better than my plans and I trust Him. Sa totoo lang, muntikan na akong mawalan ng paniniwala sa kaniya because of the challenges I've been experiencing, but God always sends people to remind you that God will never leave you hanging at ipaparamdam Niya sayo na nandyan lang Siya sa iba't ibang paraan at mare-realize mo na lang na Siya iyon.   Muli akong nag-take ng Licensure Examination for Teacher (LET). And after maghihintay na naman ng result. I'm planning to apply for a job again while waiting for the result.

Kinuha ko ang phone ko at saktong may nag-chat. Daniel Ilagan ang pangalan.

"Hi"

"Hello"

"Parang familiar ka. Parang nakita na kita."

"Baka kamukha ko lang."

"San ka nag-aaral?"

"Tapos na akong mag-aral. Ikaw, nag-aaral ka pa?"

"Oo, magse-2nd year college na."

"Anong course mo?"

"BS Marine Transportation." Bigla akong nabahakhak. Ex? Ikaw ba yan? HAHAHAHAHAHA! Sam course, eh. "Nagta-trabaho ka na?"

"Sa ngayon hindi pa. Mag-aapply pa ako."

"Buti ka pa naka-graduate na."

"Mahirap makahanap ng trabaho, or baka di lang talaga ako swerte."

"Makakakita ka rin ng trabaho. Tiwala lang.

"Kaya nga. Tiwala lang sa Diyos."

"Oo naman." Pagsang-ayon niya. "Patience lang. Pinaplano pa yan ng Diyos.

AgapeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon